Cassie's POV
•
"So ano na nga yung isa mo pang surprise?" Pangugulit ni Jaime sa akin.
"Mamaya na. Mag-trabaho ka muna dyan."
Hindi naman na siya nagtanong pa ulit at natatakot siguro na masungitan ko.
"Hiiii! One Planter's Punch, please." Sabi ng isang customer na may overly perky na personality at high pitched na boses.
Sa bar area kasi kami naka-assign ni Jaime ngayon.
As usual, mukhang sanay na sanay na naman 'tong kasama ko sa ginagawa niya kaya ang daming napapanood. At take note, puro babae ang customers na nasa harap namin ngayon. Nakakumpol sila dito kahit na ang luwag-luwag naman ng dance floor. Madami din namang bakanteng tables and chairs.
Gusto kong tulungan si Jaime dahil ang haba na ng pila sa kaniya kaso ewan ko ba, invisible yata ako ngayon at puro sa kaniya lang lumalapit ang mga customers.
"Jaime, ilang months ka nag-training mag-flair bartending?" Tanong ko.
"Ha? Anong training? Kailangan ba may training para dito?"
"Oo kaya! Hindi basta-basta napupulot ang ganyang skill."
"Wala naman akong training. Basta hinahagis ko lang yung bote tapos ang aim ko ay masalo ko ulit. Ganun naman dapat di ba?"
Pambihira talaga 'tong taong 'to. O baka naman jino-joke niya lang ako? Kasi kung papanoorin mo siya, parang propesyonal talaga kumilos, eh.
"Eh bakit ang dami mong alam na cocktail mixes?"
"Ay, 'yan madaling sagutin. Mahilig kasi kaming uminom ng best friend ko." Sagot ni Jaime habang patuloy parin sa pag-mix ng mga alak na order ng customers sa kaniya.
"Beer lang naman ang iniinom mo, ah?"
"Oo. Pero yung best friend ko hindi. Halos pag-aralan niya lahat ng cocktail mixes kasi mahilig siyang makipagharutan sa mga bar. Kung anu-anong drinks ang ino-offer niya para ma-impress yung babae."
"At ikaw?"
"Wingman niya ako. Wingwoman pala." At tumawa siya ng malakas.
"Ganun lang? Hindi ka nakikipagharutan din sa girls?"
Napatigil si Jaime sa ginagawa niya at binigyan ako ng makahulugang ngiti.
"What if I was?"
"Was what?"
"What if I was flirting with other girls, too?"
"Ayos lang. Nakaraan mo na naman 'yun, eh. Hindi na mababago."
Bigla naman siyang nag-clingy hug (yung mahigpit na yakap mula sa gilid) sa akin at parang kilig na kilig.
"Ang understanding naman talaga ng girlfriend ko."
Sinubukan kong umalis sa pagkakayakap ni Jaime pero nabigo ako dahil mas malakas siya sa akin. "Girlfriend ka dyan!"
"Eh di future girlfriend. Ganun narin 'yun." Kumindat siya sa akin.
"Pero subukan mo lang na makipag-flirt sa ibang girls ngayon--"
"Anong gagawin mo?"
Tinaasan ko siya ng kilay. "Malalaman natin kapag nangyari na."
Napangiti at napailing na lang si Jaime.
"Excuse me." Sabi naman ng isang babaeng customer na parang kapos sa tela ang damit. Kita na nga yung dibdib niya, ang ikli pa.
BINABASA MO ANG
The Employee (GxG)
RomanceIto ang storya nina Cassie at Jaime.. Putek! Sa totoo nyan, wala talaga akong maisip na description. Hahahahahaha! Pasensya na. Gusto ko lang sabihin na ito ay isang GxG story. In case lang na hindi mo nabasa kahit nasa title naman. :p Anyway, don't...