Chapter 32: Juju's Broken Heart

2.1K 102 22
                                    

Jaime's POV

"Sakarias! Sakarias, gising!!!"

"Ano ba?! Ang aga-aga nangbubulabog ka."

"Wala na yung mga gamit ni Stacey sa kwarto!"

"Baka nasa kwarto ni Carlllll.." Ungot ko habang nakabaon ang ulo sa unan.

"Or baka nasa loob ng cabinet." Dugtong ko pa.

"Wala! Nag-check narin ako dun."

"Baka nag-jogging lang sila ni Cassie sa labas."

"Timang ka ba? Bakit naman dadalhin ni Stacey yung mga maleta niya kung jogging lang ang gagawin nila?"

"Ewan ko! Inaantok pa ako. Hindi pa gumagana ang mga neurons ko."

"Tsaka tinawagan ko na si Cassie, hindi siya sumasagot. Jaime, bumangon ka na. Hanapin natin sila."

"Babalik din 'yun. Bakit ba ang praning mo, Julieta? Saglit lang nawala si Stacey sa paningin mo, nagkakaganyan ka na."

"I rarely ask you for anything so just do this for me, Jaime! Please. I need your help."

Wow.

Base sa fact na hindi niya pinansin na tinawag ko siyang Julieta, mukhang seryoso talaga siya sa bagay na 'to.

"Five more minutes, Jules. Tapos babangon na ko."

Hinatak niya ang comforter na nakabalot sa aking katawan at itinulak ako pababa ng kama.

"Aray, puta! Oo na, babangon na!" Sigaw ko habang hinihimas-himas ang tagiliran na tumama sa sahig.

"Bilisan mo dyan. Aalis na tayo." Mariing sabi ni Jules.

"Teka naman! Magbibihis muna ako."

"Huwag ka nang magbihis. Tara na! Kinakabahan ako sa nangyayari, eh. Hindi ko maintindihan."

Badtrip.

Kahit pag-toothbrush man lang hindi ko nagawa.

Paglabas namin ng unit ay agad na dumeretso si Jules sa elevator.

Sumakay kami dito pababa sa parking lot na nasa basement.

Mabilis siyang naglakad hanggang sa marating namin ang kotse niyang kulay saging.

Kahit pupungas-pungas pa, nakahabol naman ako sa kaniya dahil ang apat na mabibilis na hakbang ni Jules ay katumbas lamang ng dalawang hakbang ko.

Bansot kasi siya.

Hahahahahaha!

Nang makasakay ako sa kotse, dun ko lang na-realize ang suot ko. Boxers at t-shirt.

Patay ako nito kay Cassie.

Ayaw niya kasing lumalabas ako na maikli or manipis ang suot.

Conservative ang girlfriend ko, eh. Hehe!

Pagka-start ng kotse, agad na nagpaharurot si Jules. Hindi man lang hinintay na uminit ang makina.

Ano ba talang meron sa smurf na 'to?

"Jules, slow down. May hinahabol ba tayo? Saan ba tayo pupunta?"

"Sa bahay nila Cassie. Baka nandun sila."

Halos ilang minuto lamang ang lumipas at nakarating din kami sa bahay nila Cassie.

Pa'no ba naman, kung magpatakbo si Jules ay daig pa ang ambulansya sa bilis.

The Employee (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon