Chapter 22: Good Day Turned Bad

3.3K 113 13
                                    

Cassie's POV

"Uggghhhh.."

Shit.

Ang sakit ng ulo ko.

Pakiramdam ko ay may pumupukpok sa aking noo gamit ang martilyo at hinihiwa naman ang bungo ko sa gitna gamit ang chainsaw.

Napahiga ako ng patagilid sa kama habang namimilipit sa sakit.

Pesteng hangover.

Wala ako sa bahay. Hindi ito ang kwarto ko.

Nakita kong nandito rin sa kama si Jaime. Nakadapa at walang suot na pang-itaas.

Nanlaki ang mga mata ko ng ma-realize na pati pala ako ay walang suot na kahit anong saplot.

"AAAHHHHHH!!!"

Napabalikwas naman si Jaime at tumingin sa akin.

"Baby, bakit? Anong nangyari? Are you okay?"

Naiilang akong tumingin sa kaniya dahil nakahubad siya.

Napansin niya ito kaya't napangisi ang loko.

Sumiksik siya sa akin at niyakap ako.

Naramdaman kong tumindig ang mga balahibo ko dahil sa ginawa ni Jaime.

Ang init niya, at naramdaman kong umiinit din ang buong katawan ko.

"Jaime, magbihis ka nga muna."

Tumingin siya sa akin ng nakakaloko. "Pagkatapos mo akong hubaran kagabi, gusto mo akong magbihis ngayon?" 

What?!

"Anong nangyari? Nasaan tayo???"

Tumawa si Jaime ng napakalakas. "I knew it! I fucking knew it!"

Humiga siya ng patihaya at napahawak sa magkabilang sentido.

"Naisip ko na 'to, eh. Na wala kang matatandaan sa mga nangyari. Kaso napaka-insistent mo talaga kagabi at hindi kita natanggihan kaya tayo nandito."

"Nasaan ba tayo?"

"Ano munang naaalala mo mula kagabi?"

Napaisip ako.

Christmas party namin kagabi. Ang natatandaan ko lang, sarado ang RAD! dahil sa private event namin. Dala ng mga employees ang kani-kanilang mga pamilya at doon kami nagsalu-salo.

May games after ng kainan. Tapos syempre, inuman.

Nalasing ako malamang.

"Ang huli kong natatandaan ay naglalaro tayo ng beer pong. Kalaban natin sina Mike at Grace."

Tumawa si Jaime. "Hanggang dun lang ang tanda mo?"

"Oo."

"Ang dami pang nangyari after nun!"

"Like?"

"Tumayo ka sa taas ng mesa at sumigaw na ang gwapo ng girlfriend mong CEO. Sinaway kita, sabi ko huwag kang maingay at huwag kang magsabi ng ganun dahil hindi naman ako CEO. Hahahaha! Tapos pinapababa kita sa mesa, ayaw mo."

Tumingin ako sa kaniya ng masama. "Sinungaling!"

"Ah! Ayaw mong maniwala?" Kinuha ni Jaime ang kaniyang cellphone mula sa may side table at ipinakita sa akin ang isang video.

Totoo nga ang sinasabi niya. Napatakip tuloy ako ng mukha sa hiya.

"Gusto mo pang makita yung iba? Ang dami pa dito." Natatawang sabi ni Jaime.

The Employee (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon