Chapter 1: The Interview

11.2K 202 14
                                    

Cassie's POV

"NEXT!"

Sigaw ko para tawagin ang pang-huling aplikante sa araw na ito.

"Hay, salamat. Last na." Usal ko sa sarili.

Ako si Cassandra Althea Dizon, Cassie na lang for short. Ako ang head ng mga crew dito sa "RAD!", ang aking pinagtatrabahuhang club.

Naatasan ako ng manager namin na mag-screen/hire ng bagong crew members. Magkakaroon daw kasi ng expansion next month at kailangan ay naka-ready na ang mga tauhan bago simulan ang operation doon.

Sabi ng aming manager, mahigit isa at kalahating taon narin ako sa trabaho, alam ko na ang pasikut-sikot dito at kung paano mapapangunahan ng mabuti ang aking team.

Sus. If I know, tinatamad lang si Sir JM mag-interview kaya ako ang inutusang gawin 'to.

Si Sir JM ang manager namin. Babae siya. Hmm.. Transgender. Ayaw niya na tinatawag siyang Ma'am. Hindi mo rin naman talaga aakalain na babae siya dahil sa itsura niya. Maputi, matangos ang ilong, bilugan ang mga mata, maskulado ang katawan, at maikli ang buhok na akala mo ay isang studyante sa PMA. Palaging malinis at mukhang respetado. Gwapo din si Sir, eh. Kung hindi nga lang siya bansot. Hahahahahaha! Kung makapagsabi naman ako ng bansot, parang ang tangkad-tangkad ko. Eh 5'5" lang naman ang height ko. Kaso mas matangkad talaga ako sa kaniya, eh.

Best friend niya ang may-ari ng RAD! na ni minsan ay hindi pa namin nakikita. Sa ibang bansa daw kasi ito nakatira.

Mabait si Sir JM, sobrang strikto nga lang pagdating sa trabaho. Ayaw niya na may empleyadong nale-late sa pagpasok. Higit sa lahat, ayaw niya rin na hindi nagagampanan ng isang crew member ng maayos ang assigned tasks. Pero badtrip talaga ako sa kaniya ngayon. Kaninang umaga pa kasi ako nag-iinterview ng mga aplikante. Nakakapagod din pala.

Time check. 4:49 pm.

Napayuko ako sa mesang nasa harap ng aking kinauupuan. Hawak ko ang magkabilang sintido dahil ang sakit na ng ulo ko. Nagulat ako ng biglang may nagsalita.

Napatitig ako sa kaniya.

"Ma'am! Masakit na ang ulo mo? Don't worry, saglit na lang 'to. Ay, I mean.. Depende sa'yo. Ikaw ang interviewer, eh. Hehe. Pero ako na 'yung last, oh! Smile naman dyan! Sorry kung pumasok na ako. Nung narinig ko kasi na sumigaw ka ng 'next', lumapit ako sa may pinto kaso hindi ka naman nakatingin. So I decided to let myself in."

Ang daldal. At bakit ang upbeat mo kahit pa-gabi na? Saan ka kumukuha ng energy ha, bata? Hmm.. Ilang taon ka na ba at mukha kang menor de edad? Legal ka na bang mag-trabaho? Pero infairness, ang cute mo ngumiti. Ang gwapo mo rin. Makakaakit ka ng mga customers. Baka nga pati ibang crew maakit mo rin. Okay, mas marami pa akong nasabi sa isip ko kumpara sa sinabi niya kanina. Teka nga.

"Kanina ka pa dyan???" Tanong ko sa taong nakaupo na sa harapan ng aking mesa.

Napakunot ako ng noo. Parang pamilyar ang taong ito sa akin. Hindi ko lang maalala kung saan ko siya nakita dati.

"Medyo po, Ma'am. Nabanggit ko narin po kanina ang dahilan kung bakit nakaupo na ako dito. Hindi niyo po ba narinig? Na-distract ka masyado Ma'am sa cuteness ko?" At ngumiti siya ng nakakaloko.

Ang hangin!

"Kumatok pa nga po ako sa pinto, eh. Hmm.. Gusto niyo po labas muna ako? Tawagin niyo ako ulit tapos tsaka ako papasok para pormal. Ano, Ma'am? Game?" Pagpapatuloy nito sa pagsasalita at halatang nagpipigil ng tawa.

Ang daldal talaga. May pagka-funny at charming pero medyo nakakairita rin. Hindi ko alam kung alin ang mas matimbang.

"Hindi na. Dyan ka na lang." Walang gana kong tugon.

The Employee (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon