Jaime's POV
•
Ako: Hindi ba pwedeng mag-taxi na lang yung pinsan mo pauwi?
Cassie: Ano ka ba, walang alam dito sa Pilipinas 'yun dahil laking US siya. Kawawa naman kung walang susundo sa kaniya sa airport.
Ako: Ipasundo na lang natin sa driver!
Cassie: Jaime, huwag nang makulit. Hahabol na lang kami kung kaya pa ng oras.
Ako: Baby naman, eh! Grand opening ng expansion ng RAD! ngayon tapos wala ka. Sayang naman yung share mo ng hirap dito, hindi mo makikita.
Cassie: Makikita ko naman 'yan sa ibang araw.
Ako: Birthday celebration din ng Sir JM mo ngayon. Baka magtampo 'yun kapag hindi ka pumunta.
Cassie: Si Sir JM ang magtatampo o ikaw?
Ako: Hmm.. Pwede both?
Cassie: Huwag ka nga. Alam kong hindi matampuhin si Sir JM.
Ako: Fine! Ako yung magtatampo. I want you here, Cassie. Ang wrong timing naman ng pag-uwi ng pinsan mo.
Cassie: Sorry kung wala ako dyan. I want to be there, Jaime. Wrong timing lang talaga.
Ako: Invited si Coco Martin. Crush mo 'yun di ba? Kahit siya na lang muna ang kausapin mo, pumunta ka lang.
Cassie: *laughs* Baliw. Crush ko si Coco pero mas gwapo parin ang girlfriend ko kesa sa kaniya.
Ako: *kinilig* Talaga? Sino 'yang girlfriend mo? Gwapo ba talaga 'yan?
Cassie: Ikaw. Ikaw ang girlfriend ko. At oo, gwapo ka talaga.
Ako: *speechless dahil namimilipit sa kilig*
Cassie: Sige na, baby. Aalis na ako. Baka ma-traffic pa ako papuntang airport, eh.
Ako: Okay. Ingat ka ha? Update mo ako kung nasaan ka na kapag may chance ka.
Cassie: Yes, boss.
Ako: I love you.
Cassie: I love you too.
At ibinaba ko na ang tawag.
Badtrip!
Masaya ako na may darating na kapamilya si Cassie para mag-celebrate ng New Year kasama sila ni Carl, pero nakakainis din kasi sa dinami-dami ng araw na pwede siyang umuwi, napasabay pa sa grand opening ng expansion.
Magpapaka-busy na nga lang ako.
Naisipan kong guluhin si Jules na abala sa may buffet area.
"Julie Boy!!! Happy birthday!!!"
Tiningnan niya ako ng masama. "Huwag mong sirain ang gabi ko, Sakarias."
Ngumiti lang ako at niyakap siya. "Trenta ka na, Jules. Magpakasal na kayo ni Kristine. Baka hindi ka na makabuo nyan."
Binatukan naman niya ako.
How mean.
"Salamat pala, J. Maganda 'tong idea mo na isabay na lang ang birthday celebration ko sa grand opening ng RAD!." Sabi niya.
"Naman! Tipid kaya yung ganito. Tuwing anniversary ng expansion, kasabay ang birthday mo kaya hati na lang tayo sa expenses. Dito ka laging maghanda, ah?"
"Shit, mautak!"
"Syempre. Business minded yata 'to." At kinindatan ko siya.
"Jules, kung gawin kaya nating regular 'tong buffet? Madami namang mahilig kumain, eh."
BINABASA MO ANG
The Employee (GxG)
RomanceIto ang storya nina Cassie at Jaime.. Putek! Sa totoo nyan, wala talaga akong maisip na description. Hahahahahaha! Pasensya na. Gusto ko lang sabihin na ito ay isang GxG story. In case lang na hindi mo nabasa kahit nasa title naman. :p Anyway, don't...