Chapter 16: Team Outing - Part 1

3.1K 137 7
                                    

Cassie's POV

"Ugh. Yung allergies ko, umaatake na naman." Sabi ni Jaime habang nagpupunas ng namumuong luha sa mga mata.

Alam kong nasaktan siya.

Pinili lang niya na huwag magpaapekto sa nangyari.

Pangalawang beses na ngayon na nagsabi siyang mahal niya ako at hindi ako sumagot.

Nakaligtas ako noong una dahil patulog na kami pero ngayon, I was caught offguard.

Ramdam kong nahuhulog narin ang loob ko kay Jaime. Hindi ko lang maintindihan kung bakit hirap na hirap akong sabihin sa kaniya na mahal ko rin siya.

Sobrang nakaka-guilty sa pakiramdam.

"Saan ka naman may allergy?" Tanong ko.

"Kay Simba. Pinakain ko siya kanina."

Tiningnan ko siya ng masama. "Ako kaya ang nagpakain sa kaniya kaninang umaga."

"Hindi.. Ano.. Naglagay din ako ng ibang food pang-merienda niya mamaya." Palusot niya.

Nakuha pa niyang ngumiti kahit na nakikita ko paring naluluha talaga siya.

"Whoo! Excited na ako sa outing. Mauuna na kong maligo ha." At tumakbo siya bigla papunta sa loob ng CR. Agad niyang sinarado ang pinto.

Sinundan ko siya at kumatok.

"Jamie.. Jamie!"

"Yes?" Sagot niya. Ipit ang boses.

Naluluha narin ako. "I'm sorry.."

"Ha? Para saan?"

Oh, Jaime. You're too kind.

Deserve ko ba talaga ang taong 'to?

Hindi ko rin alam kung ano ba ang dapat kong sabihin. Ang daming tumatakbo sa isip ko, but I couldn't find the right words to say.

"Basta. I'm sorry." 'Yan lang ang nasabi ko.

Narinig kong binuksan niya ang shower tap at umagos na ang tubig.

"Can't hear you, baby. Mamaya na lang." Sigaw niya.

Napaupo ako sa sahig.

What the hell is wrong with me?

Niyakap ko ang aking mga binti at yumuko sa tuhod ko.

Hindi ko namalayan na napaidlip pala ako habang nasa ganoong posisyon.

Ginising ako ni Jaime.

Nakatingin lang ako sa kaniya, wala paring masabi.

"Bakit dyan mo naisipang umidlip? May kama naman." Natatawang sabi niya.

"Jamie.." Basag ang aking boses.

Hinalikan niya ako sa noo.

"I love you, Cassie. I love you so much. And it's okay if you don't feel the same way. Just by letting me be involved in your life is more than enough for me."

Hindi ko mapigilang umiyak dahil sa sinabi niya. Napaka-sincere. Ramdam na ramdam ko kung gaano niya ako ka-mahal.

Niyakap ko siya at hinayaan ang sariling humagulgol sa balikat niya.

"Hindi ko alam kung kaya kong pantayan ang pagmamahal mo sa akin. Sa amin ni Carl. Hindi ko alam kung kaya kong suklian ang binibigay mo kahit konti man lang."

Hinawakan niya ang mukha ko at iniharap sa kaniya.

"Hindi naman ako humihingi ng kapalit di ba? Just let me love you. That's all I ask." At niyakap niya akong muli.

The Employee (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon