Cassie's POV
•
"Hello, Sir!" Bati ko kay Sir JM na kakarating lang sa RAD!.
"Hi, Cassandra." Ang pormal na naman ng aura niya. Ibang-iba dun sa JM na naka-floral shorts nung isang araw.
"Sumabay po ba sa inyo si Jaime? Di ba magkasama po kayo kahapon?"
"Ay, dinala ko siya sa MCDC Hospital kasi nagpapatulong ang isang kaibigan ko dun. May IT problem sila."
Nako, Jaime Zachary. Wala man lang text sa akin? Kung hindi pa ako nagtanong kay Sir JM, hindi ko malalaman kung nasaan ka?
"Eh bakit po si Jaime ang gagawa? Hindi naman siya IT."
Napatawa si Sir JM. "Alam mo namang may special skill 'yun. Alam kong kaya niya."
Tumango na lang ako kay Sir. Aalis na sana ako ng pigilan niya ako.
"Cassandra, wait. Jaime forgot this inside the car. You should keep it." Inabot niya sa akin ang cellphone ni Jaime.
Ah. Kaya pala hindi na naka-message.
Pumunta muna ako sa break room ng mga staff para maitago sa locker ko ang phone ni Jaime.
Na-mimiss ko na rin siya. Hindi na kasi ako sanay na hindi ko siya nakikita at nakakasama.
Ang kemerut ko. Isang araw pa lang naman siyang hindi umuuwi sa bahay.
Hahahahaha!
Nagpakaabala na lang muna ako sa trabaho.
Wala pang masyadong tao dito sa RAD! ngayon. Makapaghanap nga ng gagawin.
Naisipan kong pumunta sa kitchen.
"Hi, Chef!" Bati ko kay Chef Dino.
"Uy, Ma'am Cassie! What brings you here?" Nakangiting tugon niya.
"Gusto ko po sanang mag-prepare ng something para kay Jaime mamaya. Alam kong maghahanap ng pagkain 'yun pagdating niya."
"Sweet naman ni Ma'am. Ang swerte ni Jaime sa'yo."
"Nako, hindi po. Ako ang maswerte sa kaniya." Nakangiting sagot ko kay Chef.
Napangiti din naman siya. "Anong gusto mong ipagawa, Ma'am? Usually kasi club sandwich or salad lang ang hinihingi ni Jaime."
"Salad na lang po, Chef. Tsaka ako na sana ang gagawa kung ayos lang."
"Sige, Ma'am." Naghugas naman ako ng kamay at binigyan niya ako ng mga gulay na kailangan kong hiwain.
"Chef, ang bango naman ng mga 'to."
"Fresh from Baguio pa 'yan, Ma'am!"
Wow! Kaya naman pala.
Ang daming ibinigay ni Chef Dino sa akin. Hindi ako sure kung alin dito ang mga kinakain ni Jaime. Medyo pihikan pa naman 'yun.
Nahihiya naman akong magtanong kay Chef. Iisipin niya na wala man lang akong alam sa gusto ng love ko.
Sinubukan kong alalahanin ang mga panahon na nakita ko siyang kumakain.
May isang time sa bahay na nanonood lang kami ng TV. Kumakain ako ng Piattos kaya inalok ko si Jaime pero tumanggi siya. Okay na daw siya sa carrots. Medyo na-guilty pa nga ako nun, eh. Ang healthy ng kinakain niya tapos ako, junk food.
Naalala ko rin yung isang beses na pumunta kami sa SM at nag-lunch sa Pizza Hut. Nakita niya na tinatanggal ko ang mga onions dahil ayaw ko nun kaya siya na lang ang kumain lahat. Gustung-gusto niya ang white onions.
BINABASA MO ANG
The Employee (GxG)
RomanceIto ang storya nina Cassie at Jaime.. Putek! Sa totoo nyan, wala talaga akong maisip na description. Hahahahahaha! Pasensya na. Gusto ko lang sabihin na ito ay isang GxG story. In case lang na hindi mo nabasa kahit nasa title naman. :p Anyway, don't...