Cassie's POV
•
Nagising ako sa lamig ng aircon kahit pa nakabalot sa makapal na kumot ang buong katawan ko.
Nasaan ako? Hindi ko naman kwarto 'to.
Hinanap ko ang aking cellphone at nakitang nakapatong ito sa side table ng kama. Tumingin ako sa oras.
4:53 am.
Shit! Si Carl!
Kay Sir JM siya inihabilin ni Jaime kahapon. Nakakahiya man dahil ang aga pa, tinawagan ko si Sir.
Sumagot naman siya agad pagkatapos ng isang ring.
Wow. Alert!
Ako: Sir, good morning po. Gusto ko lang pong magtanong--
Sir JM: Gigisingin ko mamayang 6 am yung kapatid mo. Nakapagluto na ako ng breakfast at naayos ko na rin ang baon niya. Ihahatid ko siya sa school mamaya before 8 am.
Ako: Ay, sir. Hindi niyo na po kailangan ihatid si Carl sa school. Kaya naman po niyang pumasok mag-isa.
Sir JM: Dito ko siya pinatulog sa condo ko. I'm quite sure na hindi niya alam kung paano pumasok sa school mula dito.
Ako: Hala, Sir! Pasensya na po. Naabala pa talaga kayo.
Sir JM: It's nothing, Cassandra. Anything else you need?
Ako: Wala na po, Sir. Pasensya na talaga. Salamat po ng marami.
Sir JM: Is Jaime there?
Tumingin ako sa paligid at nakita si Jaime na natutulog sa couch.
Ako: Yes, Sir. Still asleep, though.
Sir JM: Okay, just tell her to come see me in my office later. Goodbye.
At in-end na niya ang call.
Napakapormal talaga makipag-usap ni Sir JM kahit kailan. Natawa ako dahil bigla kong naalala ang playlist niya sa kotse. Hindi talaga bagay, eh! Pang-teenage girls mula sa 90's ang mga songs na pinapakinggan niya.
Lumapit ako sa couch na hinihigaan ni Jaime at naupo ako sa tabi niya. Gusto ko lang siyang pagmasdan saglit.
Napaisip ako kung hindi ba siya nilalamig. T-shirt at boxers lang kasi ang suot niya tapos wala pang kumot. Wala din naman akong makitang remote ng aircon para mapatay ko 'yun.
Nakataas ang kanang braso niya sa may ulo. Yung kaliwa naman, nakapatong sa may dibdib. Hinawi ko ang nakasabog na buhok sa mukha niya.
Ang gwapo mo. Nakakainis ka!
Nakataas ng bahagya ang laylayan ng t-shirt niya dahilan para makita ko yung puson niya.
Ang flat naman nito. Parang hindi uminom ng beer kagabi. Sa amin na siya laging umuuwi pero hindi ko naman siya nakikitang nag-woworkout sa bahay. Paano kaya niya name-maintain yung ganitong figure?
"Jaime.. Gising na.."
Umungol lang si Jaime, halatang antok pa.
Tinapik-tapik ko siya sa may braso. "Jaime.. Jaime.."
Nag-stretching siya ng bahagya at napabalikwas ng makita akong nakaupo sa tabi niya.
"Shit! Cassie, anong oras na? May pasok na tayo ngayon!"
"Relax, Jaime. Maaga pa."
Umupo ako sa may puson niya, nakapaibabaw ako sa kaniya ngayon. Naramdaman kong nag-contract ang abs niya ng ipatong ko ang mga kamay ko doon.
BINABASA MO ANG
The Employee (GxG)
RomanceIto ang storya nina Cassie at Jaime.. Putek! Sa totoo nyan, wala talaga akong maisip na description. Hahahahahaha! Pasensya na. Gusto ko lang sabihin na ito ay isang GxG story. In case lang na hindi mo nabasa kahit nasa title naman. :p Anyway, don't...