Chapter 8: Bida Ang Saya

3.5K 140 21
                                    

Cassie's POV

"Jaime, day off natin ngayon. Wala ka bang balak umuwi sa inyo?" Tanong ko.

"Alam ng nanay ko kung nasaan ako."

"Hindi ka ba hinahanap ng mga kapatid mo?"

"Only child ako."

Huh. Parang ngayon ko lang nalaman 'to, ah.

"Ayaw mo bang magpahinga?"

Ibinalik lang niya sa akin ang tanong ko. "Bakit, ikaw, magpapahinga ka ba?"

"Hindi pwede. Maglalaba pa ako ng mga damit namin ni Carl."

"Eh di hindi rin ako magpapahinga. Dadamayan kita." Nakangiting sagot niya.

Hay nako. Kailan ba makikinig sa akin ang isang 'to?

Mahigit isang linggo narin siyang tumutuloy sa amin. Oo, hindi lang basta bumibisita. Dito na talaga siya naka-stay. Ang clingy kasi nila ng Pareng Carl niya sa isa't-isa.

Dalawa lang ang kwarto namin sa bahay. Isa sa akin at isa kay Carl. Sa sofa lang natutulog si Jaime pero ni minsan ay hindi ako nakarinig ng reklamo sa kaniya kahit na alam kong nahihirapan siya dahil matangkad siya at maliit lang ang sofa namin. Nakalawit ang mga binti niya kapag nakahiga doon.

Isang beses nga, nakita kong sa sahig siya natutulog para mas komportable siguro ang mahahabang binti niya.

Aaminin ko, naging magaan ang gawain ko dito sa bahay dahil kay Jaime. Halos siya na nga ang gumagawa ng lahat, eh. Noong araw daw kasi, kapag nanliligaw ang isang tao ay ipinagsisibak ng panggatong na kahoy na ginagamit sa pagluluto at ipinag-iigib ng tubig ang pamilya ng nililigawan. Since sa generation naman natin ngayon ay may gripo at stove na, paglalaba, paglilinis, at pagluluto na lang daw ang gagawin niya.

Akalain mong may pagka-old school pala ang lola mo. Chivalry is not dead daw, ika niya.

Pinayagan ko na ba si Jaime na ligawan ako? Hindi parin.

Bakit? Hindi ko rin alam.

Kahit ako, hindi ko rin maintindihan ang sarili ko minsan.

"Cassie! Pwedeng sa labas tayo kumain mamayang lunch? Maiba lang." Tanong ni Jaime. Sinabihan ko siya na huwag na akong tawagin na Ma'am. Kumikilos siya dito sa bahay tapos "Ma'am" pa ang tawag sa akin. Feeling ko ginagawa ko siyang katulong na walang sweldo. Nakaka-guilty.

"Bakit? Tinatamad kang magluto? Sinabi ko naman kasi na minsan hayaan mo rin ako."

"No offense, pero mas gusto talaga ni Carl ang luto ko."

"Huwag mong idahilan si Carl. Alam kong hindi mo rin nagustuhan yung niluto ko nung isang araw."

Nakikita ko sa mukha niyang nag-aalangan siya sa sasabihin. "Ehhh.. Hindi naman sa ganun. Masarap naman yung niluto mo, eh. Nagkataon lang siguro na napadami yung asin kaya naging maalat."

"So hindi nga masarap?" Mataray kong tanong.

"Hala! Wala akong sinabing ganun. Masarap nga. Medyo maalat lang. Malay mo, yung chicken pala ang may kasalanan. Baka may sakit siya sa bato."

"Baliw. Posible bang magkaroon ng ganun ang manok? At ano namang koneksyon nun sa pagiging maalat ng niluto ko?"

Ngumisi siya sa akin. "Once upon a time, may isang manok na mahilig tumambay sa bilaran ng asin. Hindi siya katulad ng mga ordinaryong manok, hindi palay ang trip niyang kainin. Umay na umay na siya sa lasa ng palay kaya't ang asin ang napagdiskitahan niya. Tuwing tanghali at tulog ang tagapagbantay ng bilaran ng asin ay tsaka siya umaatake. Nilalantakan niya ang mga asin dito. Hindi niya inaalintana ang init ng sikat ng araw. Dahil sa pagkahilig niya sa pagkain ng maalat, kalaunan ay nagkaroon siya ng sakit sa bato. Kaya naman noong dumating ang araw na siya ay katayin, naging maalat ang kaniyang laman. Nagkataon naman na ito ang nabili ng isang napakagandang dilag sa palengke kaya't ang resulta ng kaniyang niluto ay naging maalat din. The end."

The Employee (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon