Cassie's POV
•
Grabe na nga makaakbay kanina, ngayon hinuhubaran na ng polo ang girlfriend ko.
May pagkakalagyan 'tong si Izzy sa akin, eh.
Dali-daling tumayo si Jaime at sinalubong ako.
"Baby! Ah.. Ano kasi.. Natapunan ako ng beer kanina. Tinulungan lang ako ni Izzy na ayusin yung suot ko."
"Wala pa nga akong sinasabi, defensive ka na."
"Hindi naman ako defensive. Nagpapaliwanag lang."
"Hindi naman inaayos ni Izzy yung damit mo, eh. Hinuhubad niya."
"Eh basa nga kasi."
"Hindi mo kayang gawin 'yun mag-isa?"
"Kaya ko naman. Pinigilan ko siya kanina kaso nag-insist siya, eh."
Parang lalong nagpanting ang tenga ko.
Huminga na lang ako ng malalim.
"Umupo na lang tayo, okay?"
Mukhang dismayado si Jaime pero sumunod na lang siya sa sinabi ko.
"Izzy, move. Tabi kami ni Cassie."
Natawa ako ng palihim dahil sa walang pakundangan na pagtataboy ni Jaime sa kaibigan.
Alam ko naman na mapagkakatiwalaan si Jaime at hindi siya gagawa ng kahit na anong bagay na makakasira ng relasyon namin.
Pero syempre, tao lang ako. Babae. Hindi ko maiwasang magselos.
Tsaka ang sarap pagtripan ni Jaime kapag iniisip niya na nagagalit ako sa kaniya.
Hahahahahaha!
"Huwag na. Dito na lang ako uupo sa ibang bakante na chair. Hassle pa kay Doc Izzy kapag lumipat siya." Sabi ko.
"Aww.. Thanks, Cassie! You're so considerate." Nakangiting tugon ni Izzy.
Ibinaling naman niya ang tingin kay Jaime. "Unlike your girlfriend." At inirapan niya ito.
Aba!
Nag-take advantage naman sa kabaitan ko. Hindi talaga tumanggi.
"Considerate talaga siya, Iz. Ikaw ang hindi. Dapat hinayaan mo na lang kaming magtabi kasi couple kami, eh. Ikaw single lang naman." Singhal ni Jaime.
"At kailangan talagang ipamukha na single ako?!"
Tinawanan lang siya ni Jaime.
"Dad, are you still good? 'Cause I'd like to formally introduce my girlfriend to you." Sabi ni Jaime sa kaniyang ama.
"Now is probably not a good time, bud. I am so close to being drunk as fuck."
"Dad, language!"
"Pssh. I'm 68, Jaime. I can swear as much as I want."
"Oh wow. May amats ka na nga, Dad."
"Shotssssssssss!!!" Sigaw ni Sir Joaquin na hindi na magawang umupo ng tuwid.
Napangiwi ako sa tapang ng tequila dahil pati ako ay napainom din.
"You kids should come to our fund raising event for tomorrow." Pag-iimbita ni Sir Joaquin.
"Tomorrow is Friday, Tito. Hindi ba usually weekend niyo ginaganap ang mga fund raising events?" Tanong ni Jaime.
"Lagpas alas dose na Jaime kaya Friday na ngayon. That makes tomorrow Saturday, you idiot." Sagot naman ni Sir JM.
BINABASA MO ANG
The Employee (GxG)
RomanceIto ang storya nina Cassie at Jaime.. Putek! Sa totoo nyan, wala talaga akong maisip na description. Hahahahahaha! Pasensya na. Gusto ko lang sabihin na ito ay isang GxG story. In case lang na hindi mo nabasa kahit nasa title naman. :p Anyway, don't...