Cassie's POV
•
"Ano ka ba, syempre joke lang 'yun. Sa tingin mo makaka-afford ako ng ganyang sasakyan?" Natatawang sabi ni Jaime.
"Cassie.."
"Ano 'yun?"
Tumingin siya sa akin ng nakakaloko. "Taya!" Tinapik ako sa braso at tumakbo palayo.
Ha?
Nag-lag pa ako ng konti. "Ah! Habulan pala ang gusto mo ha!"
Mabilis kaya akong mag-sprint!
Konti na lang at maaabutan ko narin si Jaime. Tumatakbo parin siya habang nakatingin sa likuran dahil binabantayan niya kung malapit na ba ako.
Nakita kong pa-deretso na siya sa may pool kaya napatigil ako.
"Jaime!" Tinuro ko ang pool sa harap niya.
Pagtingin niya, huli na ang lahat. Tuluyan na nga siyang nahulog.
Hindi ko napigilan ang sariling mapatawa.
Pati ang mga kasamahan namin napatingin din kay Jaime.
"Shit! Yung phone ko!" Agad na sinubukan ni Jaime na ilabas sa bulsa at isalba ang cellphone niya na lumubog sa tubig kasama niya.
"Ayan kasi. Ang harot harot." Natatawang sabi ni Grace.
"Humihingi na ng kapalit yung phone mo, Papi. Ang tagal na kasing basag nung screen, pinagtyatyagaan mo pa!" Biro ni Mike.
"Ayoko pang palitan 'to. Gumagana pa naman, eh!" Tugon ni Jaime.
Lumapit naman ako sa kaniya at inabot ang kamay ko para matulungan siyang umahon sa pool.
"Thanks, Cassie." Kinuha ni Jaime ang kamay ko pero laking gulat ko na lang ng hilahin niya ako pababa.
She betrayed me!
Bigla akong kinabahan dahil hindi naman ako marunong lumangoy. Nagkumahog ako para makakapit sa katawan ni Jaime at inalalayan naman niya ako. Nakayakap ako sa leeg niya at nakapulupot ang mga hita ko sa kaniyang bewang.
Pinaghahampas ko siya sa braso.
"Aray! Cassie! Cassie! Calm down, please!"
"Calm down?! Hindi ako marunong lumangoy! Paano kung nalunod ako dyan?!"
Hinampas ko siya ulit.
Natatawa parin si Jaime. "Cassie, stop. Breathe. Kalma ka lang."
Sumunod na lang ako sa sinabi niya. Huminga ako ng malalim ng ilang beses.
"Ayos ka na?" Tanong ni Jaime.
Tumango lang ako.
"Okay. Bibitawan kita ha? Tumayo ka." Sabi niya.
Hinigpitan ko pa lalo ang pagkakayakap ko sa kaniya. "No! Ayoko, Jaime! Natatakot ako."
"Cassie, trust me. Bumitaw ka sa akin at tumayo ka." Dahil napaka-assuring naman ng boses ni Jaime at may tiwala naman ako sa kaniya, sumunod ako sa kabila ng matinding takot.
Pag-alis ko mula sa pagkakayakap kay Jaime, hehe. Abot ko naman pala yung pool.
"Nasa 5 ft. lang naman kasi tayo, eh." Sabi ni Jaime na nakatingin ng masama sa akin ngayon.
Nag-peace sign ako sa kaniya. Ngumiti naman siya sa akin at sinabihan akong sumakay sa likod niya. Syempre pumayag ako. Sino ba naman ako para tumanggi sa inaalok na piggy back ride ng babaeng pogi di ba?
BINABASA MO ANG
The Employee (GxG)
RomanceIto ang storya nina Cassie at Jaime.. Putek! Sa totoo nyan, wala talaga akong maisip na description. Hahahahahaha! Pasensya na. Gusto ko lang sabihin na ito ay isang GxG story. In case lang na hindi mo nabasa kahit nasa title naman. :p Anyway, don't...