Chapter 35: Fund Raising - Part 2

1.5K 75 24
                                    

Jamie's POV

Fuck!

Nakatingin si Cassie sa akin ng nakakaloko.

At ako, eto, sobrang lakas ng kabog ng dibdib at pakiramdam ko ay bigla na lang tatalon palabas ang puso ko.

This is like 'The Elevator Incident' all over again.

Alam niyo ba kung anong nangyari nun?

Syempre hindi. Kaya ikukwento ko na ngayon.

Hahahahaha!

*flashback*

May board meeting ako sa MCDC Hospital nung umaga ng araw na iyon.

Sinabihan ko si Cassie na sa hospital na lang kami magkita para sabay na kaming pupunta sa restaurant kung saan kami kakain ng lunch.

Paglabas ko sa conference room ay nandoon na si Cassie.

Sobrang cliché mang pakinggan, she blew me away.

As always.

Ang ganda niya talaga, at nag-sink in na naman sa akin kung gaano ako ka-swerte dahil akin siya.

Akin si Cassandra Althea Dizon.

Ngumiti siya sa akin at tila natunaw ang puso ko sa ligaya at kilig.

"Tara?" Tanong ni Cassie.

Tumango ako sa kaniya.

Nagtungo kami sa elevator at naghintay na bumukas ito.

Pagsakay namin ay dumeretso kami ni Cassie sa dulong bahagi ng elevator para makasakay pa ang ibang gustong sumabay sa amin.

Tatlo lang kaming nasa elevator ngayon. Kung hindi ako nagkakamali, nurse sa pediatric ward itong kasabay namin. Hindi ko lang maalala ang pangalan niya kaya hindi ko magawang batiin.

Napatitig ako ng bahagya sa suot niyang scrubs.

Parang masyadong hapit. Medyo bakat kasi ang hugis ng pwet niya. Hindi naman ganito ang usual na fitting ng mga scrubs.

Parang may hindi tama. Medyo unprofessional ang dating para sa akin. Kakausapin ko na lang ang department head nila para mapagsabihan siya.

Nawala ang focus ko sa iniisip ng marinig kong bumukas ang pinto ng elevator at lumabas ang nurse na kasabay namin kanina.

"Type mo?" Nakangising tanong sa akin ni Cassie.

"H-ha?"

"Ang sabi ko, type mo ba yung nurse kanina? Grabe ka makatitig sa pwet niya, eh."

Hala!

Matagal ba akong napatitig? Na-intriga lang naman talaga ako kasi unusual yung scrubs niya.

"H-ha? Ano.. Hindi! Napaisip lang ako dahil sa suot niyang scrubs."

"Kasi masyadong hapit?"

"Exactly! Napansin mo din pala?"

"Eh paanong hindi ko mapapansin, nandun nga ang atensyon mo."

"Hala! It's not like that, baby. Walang malisya 'yun. Balak ko pa nga siyang i-report sa department head nila, eh."

"Sure." At nginisian niya ako.

Ang bilis ng tibok ng puso ko.

Hindi ko maintindihan kung bakit ako kinakabahan samantalang alam ko na naman sa sarili ko na wala akong ginawang mali.

The Employee (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon