Chapter 33: Fund Raising - Part 1

1.7K 86 11
                                    

Jaime's POV

Shit!!!

Lumilindol ng malakas!

Agad akong lumabas ng kwarto para hanapin sina Cassie.

Patakbo akong bumaba ng hagdan patungo sa may sala.

"Jaime!" Narinig kong sigaw ni Cassie.

"Nasaan kayo?!"

"Jaime!!"

Juice colored. Nasa taas ng bundok pa naman ang bahay namin. Baka gumuho na lang 'to bigla sa lakas ng lindol.

"Jaime, gising!"

"Huh?"

"Jaime, bangon na!"

"Aaaahhh!!!" At nagising ako bigla.

Nakita ko si Cassie na nakaupo sa kama, malapit sa may gilid ko.

"Baby, nanaginip ako ng masama. Lumilindol daw ng malakas." Umarte ako na parang naiiyak.

"Ano ka ba, ako lang 'yun. Kanina pa kita niyuyugyog pero ang mantika mo matulog!"

Hindi ko maiwasang mapangiti sa sinabi ni Cassie.

"Anong nginingiti-ngiti mo dyan ha?" Mataray niyang tanong.

"Baby, you rock my world."

"Ulul! Ang corny mo!"

Pero kitang-kita ko sa kaniyang mukha na pinipigilan niya lang mapangiti.

"Sus! Aminin mo na Cassandra, kinilig ka rin!"

"Hindi kaya!"

"Halika nga dito." Nag-extend ako ng mga braso na tila ba niyayaya siyang yakapin ako.

"Ayoko nga!" Sabay yakap sa akin.

"Ang arte. Kainis!" Natatawang sabi ko.

"Bakit? Masama nang maglambing sa girlfriend ko ngayon?"

Hala.

Ang aga-aga, ang lakas magpa-cute. Nakakakilig naman!

Hinawakan ko si Cassie sa kaniyang pisngi at hinalikan siya sa labi.

"My love, you look so pretty."

Napangiti siya at napansin ko ang biglaang pagpula ng kaniyang mukha.

"Uyy.. Nag-blush siya. Kilig ka 'no?" Pang-aasar ko.

Ibinaon niya ang kaniyang mukha sa aking dibdib at umiling.

"Hindi ka kinikilig?"

Umiling siya ulit.

"Eh bakit nag-blush ka?"

"Hindi ko alam!"

"Ang cute mo, eh." Natatawang sabi ko.

"Anong oras na, Cassie?"

"Alas kwatro."

"Ang aga mo naman manggising. Hindi pa nga sumisikat ang araw."

Bigla siyang nag-angat ng ulo at tumingin sa akin ng masama.

Tumayo siya at naglakad papunta sa may bintana.

Nasilaw ako at bahagyang napatakip sa aking mukha nang hawiin niya ang mga kurtina.

"Alas kwatro na po ng hapon!"

"Hala! Bakit ngayon mo lang ako ginising?"

"Wow. Wow!!!!" Sarkastikong sagot ni Cassie.

The Employee (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon