Jaime's POV
•
Nandito ako sa office ni Sir JM ngayon.
Nakatayo siya sa harap ng desk niya, with arms crossed in front of her chest. Ay, 'his' na pala dapat. Trans nga pala ang lolo mo.
"Nung sinabi mo na uuwi ka, hindi ko inasahang ganito kaaga. Akala ko dadating ka bago ang opening ng expansion." Seryosong sabi niya.
"Jules! Na-miss kita."
"Anong trip mo?"
"Ikaw, anong trip mo? JM. Tss. Jules ka parin para sa akin." At pinisil-pisil ko ang pisngi niya na parang bata na ikinainis naman niya.
Nag-sad face lang ako sa harap niya at matapos ang ilang segundo ay bumigay din naman siya at niyakap na ako.
"Na-miss din kita, gago." Mahinang sabi niya.
Hinalikan ko naman siya sa pisngi.
"Ew, kadiri! Bakla ka talaga!" At tinulak niya ako palayo.
Natawa naman ako sa naging reaksyon ni Jules. Pumunta ako sa likod ng desk niya at umupo sa kaniyang malaking revolving chair. Tinaas ko rin ang mga paa ko.
"Ang balahura mo talaga, Sakarias. Tanggalin mo nga yang paa mo sa mesa ko!" Ungot niya.
"Sabi nung nurse sa ospital, dapat i-rest at i-elevate ko daw ang paa ko para mas mabilis gumaling yung sprain. 'Wag ka ngang masungit."
"Ulol. Kailan ka pa nakinig sa mga nurses?"
"Grabe ka, Jules. Hindi lahat ng mga doktor, bastos sa nurses ha. I have a huge respect for them."
Yes, you read that right. Isa akong doktor. Actually, I'm more than that. Ang mind blowing 'no? 24 years old na doktor? Like, how?! Hahahaha! Pero saka na natin pag-usapan 'yan. Iniisip mo ba kung magkakilala kami ni manager? Yes, magkakilala kami ni Jules. In fact, best friend ko siya.
Gets mo na ba?
Ako ang may-ari ng RAD!.
Surprise, surprise.
"Bakit hindi ka man lang tumawag nung umuwi ka? Sana napasundo kita sa driver mo." Sabi ni Jules.
"Ayos lang. Isang maleta lang naman ang dala ko. Nag-commute na lang ako."
"Nag-Uber ka?"
"Hindi ako marunong gumamit ng app nila. Hahahahahahaha! Nag-bus lang ako."
"Pare, nagtitipid ka ba? Ayos naman ang takbo nitong club. Stable din naman yung hospital at yung iba mo pang businesses. Kuripot ka na ba?"
"Baliw, hindi! Na-miss ko lang mag-bus. May masama ba don?"
Napailing lang siya sa sinabi ko.
"Bakit nga ang aga mong umuwi?" Tanong niya.
"Tapos na yung mga kailangan kong gawin sa London, eh. Focus na ako kay Cassie."
"Cassie still?!?"
"Cassie always."
*flashback tayo 20 years ago*
4 years old lang ako nun at nasa Kinder. Pero kahit sa ganyang kamurang edad, alam ko nang hindi ako katulad ng ibang mga batang babae.
Habang naglalaro sila ng chinese garter, 10/20, paper dolls at iba pa, trumpo, baril-barilan, kotseng de remote control, at robots ang trip ko.
Mahiyain ako noon at palagi lang akong mag-isa.
BINABASA MO ANG
The Employee (GxG)
RomanceIto ang storya nina Cassie at Jaime.. Putek! Sa totoo nyan, wala talaga akong maisip na description. Hahahahahaha! Pasensya na. Gusto ko lang sabihin na ito ay isang GxG story. In case lang na hindi mo nabasa kahit nasa title naman. :p Anyway, don't...