Chapter 6: Ewan

4.1K 146 6
                                    

Cassie's POV

"Jaime.."

"Huy.. Jaime.."

Naabutan ko siyang tulog dito sa break room. Hindi ba siya kumakain at natutulog lang talaga kapag oras ng break? Or kumain na siya at nahiga lang pagkatapos? Nako. Hindi magandang gawain 'yan.

Hindi ko maiwasang mapatitig sa kaniya. Ang peaceful ng itsura niya kapag tulog. Parang anghel. Hindi mo aakalaing may kakulitan siya na parang batang may ADHD kapag gising.

Na-realize ko na lang na napapangiti na pala ako.

"Aaahhh!!!" Sigaw ni Jaime. Nagulat naman ako kaya napaluhod ako bigla sa harapan niya.

"Jaime! Jaime!!! Ayos ka lang? Binabangungot ka ba?" Nag-aalala kong tanong habang niyuyugyog ang balikat niya. Sinusubukan ko siyang gisingin.

Bigla naman siyang dumilat at nag-smirk sa akin.

"Hindi. Naramdaman ko kasing natutunaw yung mukha ko. Grabe ka makatitig, eh."

Binigyan ko siya ng isang malakas na suntok sa braso.

"Aray naman, Ma'am Cassie! Huwag ka ngang manakit!" Angal nito.

"Eh nakakainis ka kasi! Akala ko binabangungot ka na o kung ano. Bakit kasi natulog ka agad pagkatapos mong kumain?"

Ngumiti naman siya ng makahulugan.

"Concerned ka sa akin 'no?" Tinataas-taas pa talaga ang mga kilay.

"Mukha mo!"

"Pogi. Mukha ko pogi."

"Ewan ko sa'yo, Jaime!"

"FYI, Ma'am Cassie, hindi pa ako kumakain. May kumuha na naman ng pagkain ko sa ref."

Hala. Napapadalas na ang pagkawala ng pagkain ni Jaime sa ref. Nakakapagtaka na yung sa kaniya lang naman ang laging nawawala, yung sa iba hindi.

Naawa ako para sa kaniya pero ayokong ipahalata iyon dahil alam kong aasarin niya lang ako.

"Tumayo ka dyan. Aalis tayo." Sabi ko.

"Itatanan mo na ako? Hala! Wala akong dalang damit!"

Ano ba 'yan! Ano bang problema ng mokong na 'to? Hindi ba siya nauubusan ng banat?

"Tumigil ka nga dyan. May inutos lang sa akin si Sir JM. Work related ang gagawin natin."

"Saan tayo pupunta?" Tanong ni Jaime.

"Malalaman mo rin kapag nandun na tayo."

"Kailangan talaga may kasama ka? Hindi ba pwedeng ikaw na lang?"

"Ayaw mo ba akong samahan?"

"Syempre gusto, mi loves! Ikaw naman. Nagtatanong lang, eh."

Natawa at napailing na lang ako sa kaniya.

Inabot ko sa kaniya ang susi ng kotse ni Sir JM. "Oh, gamitin na lang daw natin yung sasakyan niya para mabilis din tayong makabalik." Tinitigan naman niya iyon habang nakakunot ang noo. 

"Bakit?" Nagtataka kong tanong.

"Hummer? Seryoso?" Tugon ni Jaime.

Napapatawa ako dahil feeling ko may idea ako sa naiisip niya pero ayokong mag-assume. Knowing Jaime, alam kong makalokohan 'to.

"Oh, bakit? Afford naman siguro ni Sir JM 'yan."

"Hindi naman sa ganun."

"Eh ano nga?"

The Employee (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon