Chapter 27: New Beginnings

3.1K 145 37
                                    

Cassie's POV

"I have to tell you what went on earlier." Sabi ni Jaime.

"Kanina? Sa opening ng expansion?"

"Yes."

"Okay, anong nangyari?"

"I was drinking with Jules and Izzy at madami kaming napagkwentuhan na mostly tungkol sa past. Tapos bigla na lang dumating sa point na sinabi ni Izzy sa akin na gusto niya ako, na matagal na niya akong mahal."

Hindi na ako masyadong nagulat. Alam ko naman na marami talagang nagkakagusto kay Jaime.

Bukod sa dami ng mga nakakahangang bagay na kaya niyang gawin, napakaganda pa ng personality niya. Mabait, madaling pakisamahan, thoughtful, funny.

She's just so amazing.

"Anong reaksyon ni Sir JM? Di ba may gusto siya kay Doc Izzy dati?" Tanong ko.

"Wala siya nung time na 'yun dahil pumunta siya sa CR. But apparently, Jules have always known that Izzy likes me."

"How?"

"Hindi ko alam. Napapansin daw nila. Halos lahat nga daw ng mga kaibigan namin, alam na may gusto sa akin si Izzy at parang ako lang ang hindi nakakahalata."

"Hindi mo naramdaman noon na may gusto siya sa'yo?"

"Hindi, eh. Affectionate si Izzy at ganun din naman ako kaya hindi ko naisipang i-assume na may meaning ang mga ginagawa niya para sa akin."

"Eh ikaw? Nagustuhan mo ba siya?"

"Yes."

Ouch.

Parang may sumipa sa dibdib ko, ah.

"Bakit hindi mo niligawan si Doc Izzy?"

"Gusto ko siya, oo. Gusto ko yung personality niya, yung intelligence niya, lahat. Pero hindi ako na-in love sa kaniya. Hindi ako umabot sa point na 'yun kaya hindi ko siya niligawan."

"Napag-usapan niyo 'to kanina?"

"Oo, but I don't think I've explained everything well. Tsaka mahirap siyang kausapin kanina dahil nagagalit siya sa akin."

"Bakit naman?"

"Kasi may nabanggit ako na late na siya, na siguro kung noon ko pa nalaman na gusto pala niya ako, baka nagka-chance nga na maging kami kasi nagustuhan ko rin naman siya."

"I'm confused. Akala ko ba hindi mo siya mahal?"

"Hindi nga. Cassie, iba naman yung 'mahal' sa 'gusto lang'. Attracted ako sa kaniya pero hanggang dun lang talaga. Naisip ko noon, kung liligawan ko si Izzy, lolokohin ko lang siya at ang sarili ko. Tsaka naglalaro pa ako nun. Kung naging kami ni Izzy, baka nasaktan ko lang siya. Ayokong gawin 'yun dahil mahalaga para sa akin ang friendship namin. Kaya sinimulan ko na tingnan siya na parang kapatid ko at nag-work naman 'yun para sa akin. Naging platonic ang pakikitungo ko sa kaniya."

"Hanggang ngayon ba, attracted ka parin kay Doc Izzy?"

"Lalong hindi na. Nandyan ka na, eh. Ikaw na lang ang nakikita ko. Ikaw lang ang gusto at mahal ko."

"Paano mo ako nagawang mahalin? Hindi pa naman tayo lubos na magkakilala. Samantalang kay Doc Izzy, years na ang history mo with her."

"Sa tingin ko naman wala 'yan sa haba ng pagsasama. Matagal na panahon na ang lumipas mula nung pinagtanggol mo ako sa bully ng school pero ewan ko ba. Hindi ko alam kung paano nangyari, o kung paano ko ipapaliwanag. Words are not enough to explain as to why my heart chose you, Cassie."

The Employee (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon