Chapter 7: Pareng Carl

3.6K 145 4
                                    

Jaime's POV

Umaga na at tapos na kami sa trabaho. Feeling ko tuloy parang call center agents din kami. Tulog sa umaga, gising sa gabi.

"Ma'am Cassie, gusto mong mag-breakfast?" Nakangiting tanong ko sa kaniya.

"Sige. Gutom narin ako, eh."

Kinabahan pa ako kanina nung nagtanong ako. Baka kasi umayaw siya, eh. Buti na lang pumayag.

"Libre mo?" Biro ko.

"Ay, ang galing! Ikaw ang nagyaya tapos ako ang manlilibre?"

"Joke lang, Ma'am. Syempre sagot kita." Kinindatan ko siya.

Napansin ko na medyo natigilan siya sa ginawa ko. Sa tingin ko naman ay may effect din ako kay Cassie, ayoko lang talagang mag-assume. Kapag tinatanong ko kung pwede akong manligaw, hindi siya sumasagot. Pero hindi rin naman siya tumatanggi. Ah basta! Liligawan ko parin siya.

"Saan mo gustong kumain?" Tanong niya.

"Hmm.. Sa McDo na lang para malapit?" Suhestiyon ko. Nasa tapat lang kasi ng RAD! yung McDo, eh.

Pumayag naman si Cassie. "Sige. Ilang araw narin kasi akong may cravings sa fries ng McDo."

Nagsimula na kaming maglakad papunta doon. Medyo nauuna ako dahil malalaki ang aking mga hakbang. Napatigil ako ng hawakan ni Cassie ang aking braso.

Nakatayo kami sa harapan ng isang pulang kotse.

Dodge Charger to be exact.

Yung.. kotse ko.

Maaga akong pumapasok lagi para walang makakita sa akin na may dala akong sasakyan. Kapag uuwi naman, kadalasan ay sumasabay ako sa kanila. Sasakay ako sa jeep at kapag nakababa na ang lahat ng mga kasamahan ko, tsaka ako babalik sa RAD! para kuhanin ang kotse ko at umuwi.

Medyo nahihirapan na ako sa ginagawa kong pagtatago ng katauhan ko pero nasimulan ko narin naman kaya ipagpapatuloy ko na. Kung mahuhulog man sa akin si Cassie, gusto ko na yung personality ko ang maging dahilan. Baka mailang siya sa akin kapag nalaman niyang ako talaga ang boss niya.

"Uy, yung favorite na kotse ng kapatid mo!" Sabi ko kay Cassie.

"Nagtataka ako sa kotse na 'to. Palaging nandito, eh. Same spot araw-araw. Never ko pa 'tong nakita dati." Kunot noo niyang sabi. "Kung iniwan ng may-ari dito, malamang madudumihan 'to. Pero hindi, eh. Palaging malinis." Dugtong niya.

"Madaming buildings sa paligid natin. Baka naman nakiki-park lang siya." Nagkibit-balikat lang siya sa sinabi ko. "Tara na! Gutom na ako, eh." At hinila ko na siya papuntang McDo.

Nakapila na kami ni Cassie. Tinanong ko kung anong order niya.

"Hmm.. Light meal lang. Chicken with spaghetti. Ay, with rice narin. Tapos large fries. Mga tatlong hash browns. Apple pie. May sundae na kaya sila?"

Kahit singkit ako, nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. 

"Kung 'yan ang light meal para sa'yo, gusto kong makita kung paano ka kumain ng heavy."

Hinampas niya ako sa braso. "Bakit ba? Gutom ako, eh!"

Napailing na lang ako sa kaniya. Mula sa narinig ko sa kaniya dati, ako daw ay gwapo pero mayabang. Siya naman, maganda pero matakaw.

Hahahahahahahaha!

Nang maka-order kami ay nag-offer ako na magbuhat ng tray ng pagkain namin. Ang bigat dahil ang dami nung kay Cassie.

The Employee (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon