Chapter 14: Bad Day Turned Good

3.4K 129 35
                                    

Jaime's POV

"Silly me. I forgot to bring ice for your beer. I'll be back, Amelia." Bago pa niya ako mapigilan ay agad na akong lumabas ng VIP room.

Dali-dali akong tumakbo papunta sa CR para i-check kung nandun si Cassie.

"Cassie.. Cassie.. Nandyan ka pa?"

Sumagot siya mula sa isang stall. "Nandito ako! Bakit?"

"Ah.. Wait mo lang ako sa may reception. Lalabas tayo kasi may inuutos si Sir Jules. Pakisabi na lang daw kay Gary na siya ang pumalit sa'yo para may mag-serve sa VIP 2."

"Okay!"

"Cassie, huwag kang aalis sa may reception ha?"

"Okay!"

"Hintayin mo ako dun ha? Makipagkwentuhan ka na lang muna kay Kuya Jiggs."

"Oo nga! Ang kulit naman nito, eh."

"Pupunta lang ako kay Sir Jules."

At tumakbo na ako papunta sa office.

Hindi ko na naisip pang kumatok. Basta binuksan ko na lang ang pinto niya.

"Hey!" Komento ni Jules sa biglaang pagpasok ko.

"Jules.." Hiningal ako mula sa pagtakbo. "Amelia.. Amelia's here."

Nanlaki ang mga mata niya dahil sa narinig. "Fuck! What.. How.. Naka-red flag ang pangalan niya dito! Paano siya nakapasok?!"

"Ewan ko! Patingin nga ng guest list sa system mo!"

Binuksan naman 'yun ni Jules sa computer niya at ipinakita sa akin. Tiningnan ko ang mga pangalan sa guest list, particularly yung para sa VIP.

"Shit. Eto! She listed herself under an alias. Marie Curie. Of course, paborito niyang physicist 'yan because of her works on Radioactivity."

"How could I have known that?!"

"Jules, pwede bang mag-stay muna kami nila Cassie sa condo mo? For protection lang." Seryosong tanong ko. "May baril ka ba dun?" Dagdag ko pa.

"Jaime, don't you think you're a bit overreacting? Malay mo naman okay na siya. Baka gusto niya lang makipag-reconcile sa'yo."

Binuksan ko ang dalawang butones ng suot kong polo shirt at hinila ang kaliwang kwelyo sa may gilid para makita ang clavicle ko, dahilan para tumambad ang gunshot wound scar ko kay Jules. "Have you forgotten what she did? Amelia shot me! She fucking shot me!"

________

Si Amelia Lansbury ay dating professor ko sa Oxford University noong nag-aaral pa ako sa Medical Sciences Division.

Naging FUBU ko siya.

26 years old siya noon at 20 naman ako.

Sikreto lang ang affair namin dahil bawal sa university ang professor-student relations. Hindi kami naging couple at purely physical lang ang meron kami. Amelia is a Sapiosexual. Meaning that she's sexually attracted to people with beyond normal intellect. Ako ang nasa top ng class niya kaya siguro naisipan niyang makipag-flirt sa akin.

Bata pa ako noon, at sino ba naman ako para tumanggi sa half-Filipino/half-British super hot professor na mala-model ang katawan?

Isang gabi na pumunta ako sa apartment niya, inabutan ko siyang gumagamit ng Cocaine. Niyaya pa niya akong gumamit din dahil masaya daw makipag-sex kapag high.

Ginawa ko kung ano ang dapat.

Naki-join ako.

Joke lang!

The Employee (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon