Chapter 12: Ultimate Flashback

3.2K 122 18
                                    

Jaime's POV

"What the actual fuck, Jaime?!?" Galit na bungad ni Jules sa akin pagpasok ko ng office niya.

Ngumiti lang ako. "Anong problema mo?"

"Tinawagan ako ni Atty. Samson. Sinapak daw ng isang empleyado ko yung anak niya. Si Kuya Jiggs ang nagsabi sa akin na ikaw daw ang salarin."

Nainis rin ako dahil naalala ko na naman ang nangyari. Napalakas ang boses ko nang tumugon ako sa sinabi ni Jules. "Eh gago naman kasi 'yun! Hinipuan niya si Cassie!" 

"Jaime naman. Sana pinagsabihan mo na lang." May bahid ng pagkadismaya ang boses niya. Medyo nalungkot tuloy ako.

"I'll fix this, Jules. I'm sorry."

"Damn right you'll fix this. Or else.."

Napangisi ako. "Or else what? Gagamitin mo ulit ang kotse ko ng isang linggo? No way, Jules."

"No. Gagawin ko ang bagay na mas ayaw mo."

"Ano?"

"Isusumbong kita kay Uncle Nick."

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Inatake ko si Jules na nakaupo ngayon sa revolving chair niya. "Motherfucker!!!" Kinuha ko ang braso niya at kinagat ko siya doon.

Ganito kami mag-away ni Jules. Kagatan lang. Bawal sapakin ang mukha ng isa't-isa dahil.. well, puhunan 'yan.

"Ahh!!! Bloody hell, Jaime!!! Stop it!!!"

Ilang beses pa kaming nagtulakan at nagkagatan. Tumigil lang kami dahil naubusan na kami ng hininga sa kakatawa.

"Shit. Na-miss kong kagatin ka, Jules."

"Fuck you. I didn't miss any of this."

"Oh, come on. Just like old times lang."

"Still. Never kong na-enjoy 'to. Para kang aso mangagat."

Inayos ni Jules ang suit niya at umupo ng deretso sa kaniyang revolving chair. Ako naman, naka-indian sit sa sahig.

"Jules, don't call father. Please. I don't want to disappoint him."

"Ayaw mo palang na-didisappoint si Uncle Nick. Eh di huwag kang gumawa ng mga bagay na disappointing!"

"Last na 'to, Jules. Promise."

"Huwag kang mag-promise kung hindi mo kayang tuparin."

Aray ha. Wala pa naman akong promise sa kaniyang na-break ko.

Yung Uncle Nick na tinutukoy ni Jules ay ang adoptive father ko. Si Nicholas Maxwell Branagh.

*flashback 17 years ago*

8 years old ako at 12 years old naman si Jules. Nakatira sila sa isang exclusive subdivision sa Southampton, England. Kung hindi dahil sa kaibigan ko, hindi ako makakapasok sa lugar na 'yon. Pang-mayaman lang, eh.

Naglalaro kami sa may front yard nila nang biglang tumakbo si Chloe, ang alagang shih tzu ni Jules, kaya't hinabol namin kaagad. Pumasok siya sa doggy door ng kapitbahay.

"Jaime, patay tayo dyan. Baka may masira si Chloe sa loob. Sabi pa naman ni mommy, masungit ang kapitbahay namin na 'to. Weird. Palaging mag-isa."

"Mag-door bell na lang tayo. Sabihin natin na nakapasok si Chloe at kukuhanin lang natin siya. Hindi naman siguro niya tayo susungitan kung mag-aask tayo politely."

Ilang beses kaming nag-door bell ni Jules pero walang taong nagbubukas ng pintuan para sa amin.

Sinubukan kong pihitin ang door knob ng pinto at nagbukas naman ito.

The Employee (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon