Chapter 39: Juju's Moment - Part 1

1K 35 17
                                    

Jamie's POV

Sumakay kami sa isang limousine pagbaba sa airport.

Nasa byahe na kami ngayon papunta sa bahay ni Stacey.

Wala siyang kamalay-malay na dadating kami.

Napatingin ako sa bintana at nag-isip ng malalim.

Ano kayang ulam nila?

Hahahahahaha!

Nagugutom na naman ako. Pinaiwan pa naman ni Lexie yung mga baon ko.

Shit.

Sayang yung sinigang ko. May natira pa naman dun.

Ang dalas ko nang magutom at mag-crave ng kung anu-anong pagkain.

Kinakabahan ako.

Hindi kaya buntis ako?

Nakabuo na yata kami ni Cassie.

Charot!

Pero kinakabahan nga talaga ako dahil mukhang hindi naman alam ni Jules ang tungkol sa sitwasyon ni Stacey, eh.

Bahala na si Spiderman.

Ayoko kasi kay Batman.

"Jujubee, excited ka?" Tanong ko kay Jules.

Ngumiti siya ng napakalawak.

Ayan na naman siya. Ang pangit pa naman kapag ang lapad ng mukha sa kakangiti.

"Huwag ka nang sumagot. Your facial expression says it all." Natatawang sabi naman ni Lexie.

Pero hindi nagpapigil si Jujubee. Sumagot parin siya.

"Syempre, excited ako! Thank you, Jaime. Pinaka-the best ka talagang best friend. I appreciate this."

"Luh. Pinaka na, the best na, best friend pa. Parang ang bait ko naman, baka kuhanin agad ako ni Lord. 'Wag ganern!"

"Baklang 'to! Asa ka naman na kuhanin ka ni Lord eh hindi tumatanggap ng mga monyo sa langit." Pang-aasar ni Lexie.

Tumingin ako kay Cassie na tila naghahanap ng kakampi.

"Oh, anong kinalaman ko dyan, Luigi?" Nakangising tugon ni Cassie.

Nagtawanan naman ang lahat.

Bwisit ang mga 'to, ah. Madalas na akong pinagtutulungan.

Di ba ako yung bully?

Hay.

Life.

"Jaime, malayo pa ba tayo?" Tanong ni Jules.

"Kuya, malayo pa ba tayo?" Tanong ko naman sa driver namin.

"Buset. Hindi mo pala alam kung saan tayo pupunta?"

"Aba, malay ko ba kung saan mismo ang bahay ni Stacey. Ako ba ang nang-Rose sa kaniya noon? Di ba dapat nga ikaw ang mas may alam?" Natatawa kong sabi.

"Eh paano ka nakaka-sigurado na sa tamang location tayo pupunta?"

"I have my ways. Lahat nadadaan sa research." Sagot ko sa kaniya.

"Ay, Pinoy pala yung driver natin?" Singit naman ni Lexie.

"Oo. Pinoy yung kinuha ko syempre para mas madaling kausap."

"Hello, Kuyang Kabayan!" Bati ni Lex sa kaniya.

"Maka-Kabayan naman 'to. OFW lang peg?" Biro ko.

The Employee (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon