Chapter 21: Getting To Know The Boss

3.8K 137 41
                                    

Cassie's POV

"I used to admire you from afar. And then one day, you were suddenly gone." Sabi ni Jaime.

"Sa pagkakatanda ko, umalis kami sa Laguna dahil nagkaroon ng mas magandang opportunity ang tatay ko sa Makati. Kaya kami lumipat doon."

"Nalungkot ako ng sobra nun, Cassie. I badly wanted to get to know you, to be your friend. Tapos umalis din kami ni Mama, sumunod kami kay Papa sa England. Akala ko nun hindi na kita makikita ulit." 

"How did you find me?"

Napangiti siya. "I think that's where destiny kicked in. I didn't find you. I actually never thought I'd see you again."

Nakatingin lang ako kay Jaime, hindi alam ang sasabihin.

"Bago ang araw na 'to, bago ako magpakilala, sinabi mo na hindi mo pa na-meet ang may-ari ng RAD! kahit once."

"Yes."

"You're wrong."

"What do you mean?"

"Sinong nag-interview sa'yo nung araw na nag-apply ka dito?"

"Si Sir JM, bakit?"

"Wrong again." Ngumiti siya. "May isang tao na gagawa dapat ng interview mo. Pinalitan lang siya ng Sir mo."

At ayun na. Bigla akong pinaglaruan ng memory ko.

"Oh my God!!!"

*pause*

"OMAAAAAYGAAAADDD!!!"

*pacing*

"IKAW 'YUN!"

"Yes, Cassie. That was me." Nakangiti niyang sagot.

"Kaya pala nung ikaw ang in-interview ko, naisip ko na parang pamilyar ka. Parang nakita na kita dati."

"Kasi nga nakita mo na ako dati." Natawa si Jaime ng bahagya. "Sobrang saglit nga lang."

"Ibang-iba ang itsura mo noon. Naka-mohawk, may piercing sa lower lip, tsaka wala kang suot na salamin."

"Naka-contact lens ako nung araw na 'yun."

"Ah. Kaya pala."

"Mas mukha na ba akong kagalang-galang ngayon?" Natatawang sabi niya.

"Disente ka naman tingnan kahit nung may piercing ka pa at ganun ang hairstyle mo. Mas mukha ka lang less serious sa mga bagay-bagay."

Biglang nag-sink in sa akin ang mga nangyayari at nag-freak out na naman ako.

Napansin ito ni Jaime at sinubukan niya akong pakalmahin. Niyaya niya akong maupo sa couch.

"Shit. Inuutus-utusan kita. Pinapabuhat ng kung anu-anong bagay. Tapos ngayon malalaman kong ikaw ang Boss namin?"

"Wala namang kaso dun, eh."

"OMG! Hinahampas pa kita dati. Kinukurot. OMG!!!!!"

Parang gusto kong lamunin na lang ako bigla ng lupa.

"Bakit ka umalis nun? Bakit si Sir JM ang hinayaan mong mag-interview sa akin?"

"Hindi ko kasi kinaya ang nararamdaman ko. Hindi ako ready na makita ka. Nung panahon na 'yun, may mga inaasikaso pa ako sa London. Gusto ko na kapag nagkakilala tayo, pwede na akong mag-settle dito sa Pilipinas. So here I am."

Napatakip ako ng mukha. Hindi ako makapagsalita.

"Hindi mo alam kung gaanong panalangin ang ginawa ko para lang hilingin na sana pagbalik ko, nandito ka parin sa RAD!." Dagdag pa niya.

The Employee (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon