Chapter 5: Aksidenteng Session

4.2K 157 7
                                    

Jaime's POV

"Sinong kumain ng sandwich koooo???" Ungot ko habang nakaluhod sa harap ng ref dito sa break room ng mga employees.

"Noooooo!!!" Nakatingala pa ako at nakataas ang mga kamay na parang sinisisi ang langit kung bakit nawala ang gourmet sandwich ko.

"Kinain ng daga 'yun, pre." Biro ni Mike.

Sinarado ko ang pinto ng ref at umupo sa sahig.

"Nakapasok ang daga sa ref?! Bigay sa akin ni Chef Dino 'yun, eh!!! Nabalitaan niya kasi yung pagkakaroon ko ng sprain." Pagmamaktol ko. Sinisipa-sipa ko pa ang mga paa ko na parang batang nagta-tantrums.

"Ano namang koneksyon ng sandwich sa sprain mo?" Tanong ni Greg.

"Yung sandwich ang magpapagaling sa akin." Umaarte ako na parang iiyak na.

"Magaling ka na, eh!" Sabat naman ni Grace.

Tiningnan ko lang siya ng masama.

Lumapit naman si Audrey at umupo sa tabi ko. "Hayaan mo, Jaime. Bukas ipagdadala kita ng sandwich. Anong klase ba ang gusto mo?"

"Kahit anong klase, Audrey. Ayos lang sa akin." Nakangiting sabi ni Bradley.

"Ikaw ang kinakausap ko?!" Mataray na tugon naman ni Audrey.

Bumaling na naman ang tingin niya sa akin at idinantay pa ang ulo sa balikat ko.

Gets ko yung ginagawa mo, Audrey. Maganda ka at flattered talaga ako pero may Cassie na ako, eh. Oo, inangkin ko na siya sa isip ko. At wala akong ibang gusto, siya lang talaga.

"Ang gusto ko yung katulad ng gawa ni Chef Dino."

"Sige, itatanong ko sa kaniya kung paano niya ginawa 'yun." Sabi ni Audrey at niyakap pa ang braso ko.

"Huwag na. Hindi naman kailangan." Binawi ko yung braso ko mula sa kaniya. Dumistansiya rin ako ng konti.

Kaso sumiksik naman siya ulit sa tabi ko. "Ano ka ba, Jaime! Okay lang 'yun. Gusto ko naman talagang gawin para sa'yo, eh." Pagpupumilit niya.

"Sakarias! Pumunta ka sa office ko ngayon. May gusto akong ipagawa sa'yo." Narinig kong sabi ni Jules.

"Ay, Sir JM! Nandyan po pala kayo." Nag-aalangang sabi ni Mike.

Wala talaga sa amin ang nakapansin kay Jules. Gumawa pala siya ng kape mula sa coffee machine sa may gilid ng break room.

Lumabas na si Jules at agad naman akong sumunod sa kaniya.

"Thanks for saving me, Jules. Ang kulit ni Audrey, eh." Bulong ko sa kaniya.

"Ha? Huwag kang feeling. Hindi kita sinagip dun. May gusto talaga akong ipagawa sa'yo."

"Ano 'yun?"

"Huwag kang excited. Sasabihin ko kapag nasa office na." Sabay higop sa kape niya.

Nang makarating kami doon, pinaupo naman niya ako sa harap ng desk niya.

Ibinaba niya sa mesa ang isang makapal na pile ng mga papel. "Ayan yung system report mula sa biometrics."

"Anong gagawin ko dito?" Kunot-noo kong tanong.

"Sandali kasi. Hindi pa ako tapos mag-explain."

"Sabi ko nga, eh."

"May individual reports dyan para sa time-in at time-out. I-calculate mo yung late, absences, tsaka overtime nila."

"Pinapagawa mo 'to talaga sa employee mo?"

"Hindi. At bakit ka nagrereklamo? Employee ka ba dito?"

The Employee (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon