Muling Pagkikita
Tatawa-tawa ako habang nakasakay kay Malik na isa sa mga alaga kong kabayo pero ito ang pinakagusto ko sa lahat. Isa ka siyang friesian horse at talagang alagang-alaga ko siya dahil sa isang pang rason.
Isa kasi siya sa mga niregalo saakin noong debut ko ng yumaong kung lolo ng nabubuhay pa ito.
" Señorita dahan-dahan lang po sa pagpapatakbo! Baka po mahulog kayo at tiyak na mapapagalitan kayo niyan ng senyura." Nag-aalala ngunit may takot na sigaw ni mang william sa malayo pero ngumisi at kumaway lang ako bago nagpatuloy sa ginagawa.
Napailing nalang si mang william pero napangiti nalang din. Dahil alam niyang minsan lang akong kung bumisita dito sa probinsya namin.
Nang mapagod ay napagpasyahan ko ng bumalik sa kwadrahan para maipagpahinga si Malik ngunit natigilan ako sa kalagitnaan ng malawak na lupain kung saan ay taniman ng mga sari-saring klase ng mga gulay at prutas ng may makita ako sa malayo.
Kunot ang noo ko ng matitigan pa ito at ng makonperma ngang siya ito ay walang pagdadalawang isip na hinigit ko pakaliwa ang lubig ng busal ng aking kabayo. Pinatakbo ko ito kaya naman napapalingon ang mga nadadaan kong mga magsasaka na abala sa kanila-kanilang trabaho.
Nang malapit na ako ay hinigit ko ang lubid upang pigilan sa pagtakbo si Malik na kaagaran din namang tumigil at dahan dahan ng naglalakad.
Napanguso ako ng makitang siya nga ito at hindi ako nagkakamali.
" Anong ginagawa mo dito?" Masungit kong tanong habang seryuso ang mukhang nakatitig sakaniya. Kunot naman ang noong nag-angat ito ng tingin saakin pero kaagad din nag-iwas at nagpatuloy nalang sa ginagawang pagtatanim ng binhi ng kung anong gulay o prutas.
" Bingi kaba? Ang sabi ko anong ginagawa mo dito?" Madiin na tugon ko na may kaunting halong inis. Ayuko kasi sa lahat iyon parang bingi at hindi kaagad sumasagot pag tinatanong.
Nakakawalang galang kasi ang ganoon.
Mas napataas ang kilay ko ng sinulyapan niya lang ako sa gilid ng kaniyang mga mata at umismid na para bang inaabala o nakakaabala ako sa ginagawa niya. Huminga ito ng malalim bago tumayo at seryuso akong tinignan.
Mas nadagdagan ang inis ko sakaniya dahil sa paraan ng pagtitig niya. Napakawala talagang modo. Tinitigan ko ang kabuoan niya at kaagad ding napangiwi ng makita ang kaniyang ayos.
Naka sando shirt lang ito dahilan upang masilayan ang kaniyang malapad na balikat at ma-muscle na mga brasoang na mauugat habang naka sweet pants ito na puro putek. At sa pang paa namang ay isang pares ng bota na itim.
Nang mag-angat ako ng tingin ay mas dumilim ang kaniyang ekspresyon. Napataas ang kilay ko bago ngumisi sa biglaang pumasok aking isip.
" Siguro magsasaka ka. Ibang klase ka rin no? Noong nakaraan maglalako ka ng isda ngayon naman magsasaka." Ngising saad ko. Napansin ko ang pag-igting ng panga nito na para bang may nasabi akong hindi niya nagustuhan ng husto.
" Ganyan mo ba sobrang kinakailangan ng pera?"
Hindi ito sumagot bagkos ay tinalikuran nalang ako nito at nagpatuloy muli sa pagtatanim para naman akong napahiya kaya napalingon ako sa paligid. Mabuti nalang at abala sa kanila-kanilang pagtatrabaho ang mga ito at hindi napansin at tensyon sa pagitan namin ng lalake.
Nakaramdam ako ng galit sa dibdib ko at handa na sa ng sumbatan ang lalake ng may biglang babaeng balingkinitan na babae na may singkit na mga mata. Napataas ako kilay ko ng tuluyan na itong makalapit sa lalakeng kinaiinisan ko.
May binulong ito sa lalake at bahagyang sumulyap saakin. Umirap ito saakin kaya naman hindi ko napilan na taasan ito ng kilay.
Pansin ko ang ginawang pagtango ng lalake at tumayo ng maayos bago hinawakan ang siko ng babae at nagsimula ng maglakad papaalis. Pero bago tuluyang makalayo ay sumulyap pa ang lalake saakin pero hinila na ito ng babae.
Napabuntong hininga ako ng maalala ko ang hindi ko pagpipigil na hindi magalit at pagsalitaan ng masama ang lalakeng iyon kanina.
Umalis na ako sa lugar na iyon sakay ng kabayo ko. Ilang minuto akong tulala at ng tuluyan ng makarating sa kwadra ng mga kabayo ay doon naabutan ko sina Kuya Rush at Manong william na halatang nag-aalala.
Nang makababa ng kabayo ay hinila ko ang tali nito upang dalhin sa sariling kulungan nito.
Nawala ang pag-aalala sa mga mukha nila ng may makapagturo saakin na isang matandang lalake na isa rin yata sa mga nagtatrabaho dito ilang alagaan ang mga kabayo ng pamilya namin. Mabilis na lumapit saakin ang dalawa habang ako naman napangiti ng matamis at bumeso sa aking kapatid.
" Saan ka na naman ba nanggaling? Pinag-alala mo si manong dahil diyan sa katigasan ng ulo mo." Seryuso at madiin na aniya. Nakasanayan ko na yata ang pagiging seryuso ng aking kuya.
" Ano ka ba naman kuya. Minsan na nga lang ako nakakabisita rito pinagbabawalan mo pa ako at isa pa naglibot-libot lang naman ako para makita kung may nagbago ba dito sa probinsya natin." Ngiting turan ko habang nakatingin sakanila ni Manong William.
" Wala naman ditong masyadong nagbago."
Napailing nalang ako at napagpasyahan ng magpahatid sakaniya sa mansion para makapag-relax na ang aking katawan.
NANG matapos kona ang aking skin care ay pumunta na ako sa kama ko at binuksan ang loptop ko para tignan ang mga isend saaking email ng mga nagtatrabaho isa sa mga company ng parents ni mommy na ipinama na sakaniya dahil solong anak naman na siya ng mga ito mapatapos masangkot sa isang aksidente ang nakababatang kapatid ni mommy.
Ng matapos ko ng i-check ay pinatay ko na ang loptop at binalik sa lamesa na katabi ng aking kama.
Pinatay kona rin ang ilaw sa aking kwarto at tanging ang lamp shade nalang ang hinayaang buhay para hindi masyadong madilim sa silid ko.
Saglit pa akong nag-check ng aking fb bago napagpasyahan na matulog na kaya naman i-noff ko ang aking phone at pinatong ito sa lamesa bago umayos ng higa at mas binalot ang kumot saaking katawan.
Tuluyan na akong pumikit at nag-intay ng ilang minuto bago tuluyan akong nilamon ng kadiliman.
A/N: Sorry for the late update. Naging busy lang talaga ng sunod-sunod na linggo dahil sa modules. Pero don't worry maga-update naman ako lalo na at tapos na kami sa modules.
^°^°^°^
:)
YOU ARE READING
GIRL IN THE ROOFTOP
RomanceIsa siyang simpleng babae na walang ibang hinahangad kundi ang manatiling masaya ang kaniyang buong pamilya. Pero paano nga ba mangyayari ang simpleng hinahangad niya kung patalikod palang gumagawa ng masama ang kaniyang ama na siyang naging dahilan...
