Chapter 38

145 8 0
                                    

NAGHAHABOL ng hininga na bumitaw ako sa aming paghahalikan ngunit hindi pa man ako nakakabawi ng matagal ay nagmulat ang mga mata niya at namumungay na nakatitig saakin, napaawang ang labi ko at namilog ang mga mata ng bigla nitong hawak ang likod ng batok ko upang muling lunurin sa kaniyang makapugtong hiningang halik.




At muli ngang naglapat ang aming labi hanggang sa naramdaman ko nalang na bahagyan niyang dinidilian ang gilid ng labi ko kaya naman napaawang iyon dahilan para makapasok ang mapangahas niyang dila at sa loob ng aking bibig ay nagsimulang maglumikot.




" Ahm!"




Napahawak ako ng mahigpit sa balikat niya ng maramdaman ko ang bahagyang paggalaw nito hanggang sa tuluyan na nga itong bumangon at pinagpalit ang aming posisyon.




Nang maihiga ako ay humiwalay siya panandalian saakin at pinagkatitigan ang kabuoan ng aking mukha at gamit ang libreng kamay ay inalis nito ang nagkalat na buhok sa aking pisngi.




Kitang-kita ko mula sa aking mga mata ay dahan-dahang bumaba ang kaniyang paningin hanggang sa tumigil iyon saaking labi na pakirandam ko ay namamaga na dahil sa naganap kanina, napababa ang aking tingin kaya naman kitang-kita ko kung paano siya napalunok muli akong nag-angat ng tingin sa mga mata niya na mas lalo pang namumungay ngayon.




" I'm so in-love with you." Utas nito habang titig na titig saakin.
" Yung tipong lunod na lunod na ako sa sobrang pagmamahal ko sayo na yung walang kahit na sino pa ang makakasagip saakin kahit pa ang sarili ko hindi kona magagawang masagip dahil mas gugustuhin ko nalang talagang malunod nang tuluyan." Napalunok ako dahil sa sinabi niyang iyon.




Matagal kaming nagkatitigan, inaangat ko ang aking kamay at dinampi iyon sa makinis niyang pisngi, napapikit naman siya at hinawakan pa ito habang bahagyang pinipisil-pisil namungay ang mga mata ko at hinaplos-haplos ang kaniyang pisngi.




Muli itong nagmulat at sa pagmumulat nito ng mga mata ay kitang-kita ko ang sakit na dumaan doon, nag-iwas ito ng tingin at umangat mula sa pagkakadagan saakin.




Naupo ito sa gilid at nakalikod saakin na inihilamos ang mga kamay sa mukha at ginulo ang buhok bago tumungo.




Napabangon ako at bahagyang inayos ang nawala sa ayos na strap ng suot kung satin nightgown at sumanday sa headboard ng kama habang tinitignan ang knaiyang likuran, napatungo ako at bahagyang pinaglaruan ang aking mga daliri.  " I'm sorry." Bulong ko habang nanatiling nakatungo lang at nakikiramdam lang sakaniya.




Tahimik lang ito at wala paring kibo kaya naman umalis na ako sa pagkakasandal sa headboard ng kama at bumaba na, sinuot ko ang tsenelas ko at astang aalis na ng bigla nitong hawakan ang aking kamay dahilan para matigilan ako, napatiim ang labi ko ng marinig itong mag-salita gamit ang batinong boses.
" Stay."




Astang magsasalita na ako ngunit kaagad niya iyong dinugtungan.




" ----stay with me."




Natulala ako habang nakatitig sa sahig napasinghap ako ng maramdaman ang marahan niyang paghaplos saakin kamay kasunod nun ay ang pagdampi ng isang mainit ngunit malambot na bagay.




Dahan-dahan akong humarap sakaniya at doon ay kitang-kita ko ang pagkakalapat ng labi niya sa aking kamay.




Nag-angat ito ng tingin saakin. " If you don't want to, then let me stay in your life not just for a month but forever." Nangatal ang mga labi ko habang nakatingin sakaniya.




" And let me love you, kahit pa hindi mo ako magawang mahalin ay hindi kita pipilitin basta ba hindi mo ako aalisin sa buhay mo.....kahit yun lang sana ang hiniling ko." Mahina ang boses na turan niya at ipilit niyang itago ang kaniyang mukha ay nakikita kopa rin ang pamumula ng dulo ng kaniyang ilong sa pamamagitan ng liwanag na nanggagaling sa lampshade.




Naramdaman ko ang pagkalat ng pait sa lalamunan ko nang marinig ang pagmamakaawa niya habang may paghihirap sa boses, iniangat ko ang aking kamay at masuyo kung hinaplos ang buhok.




Napasinghap ako ng pinalibot nito ang kaniyang mga braso saaking beywang at niyakap bago sumobsob saaking puson namungay ang mga mata ko at muling hinaplos siya sa kaniyang buhok. Nanikip ang dibdib ko ng marinig ang mahina nitong hikbi na pilit pinipigilan ramdam ko narin ang pagkabasa ng aking damit siguro dahil sa ginagawa niyang pagluha.




At kahit anong pilit kung pag-angat sakaniya palayo saakin ay pilit talaga nitong tinatago ang luhaang mukha sa pamamagitan sa pagsubsob sa aking puson.




Kalaunan ay lumuwag na ang pagkakayakap niya saakin at dahan-dahan ng lumalayo sa pagkakasubsub saakin kaya naman nagkaroon ako ng pagkakataon na maupo sa katabi niya at doon ay niyakap siya mula sa tagiliran niya, naramdaman ko ang paninigas niya dahil sa ginawa ko.




Bahagyan ko naman sinilip ang mukha niya at napangiti ako ng makitang nanalalaki ang mga mata niya habang matiim ang pagkakalapat ng labi.




Nanatili kami sa ganoon, ako na nakayakap sakaniya habang siya ay tahimik lang at nakakagat labi.




Nang gabing ding iyon ay hinayaan ko ang sarili na manatili sa tabi niya.









NAGMULAT ako ng aking mata at saglit na tumulala sa kisame ng mapansin kona hindi ito ang kwarto ko kaya naman kaagad akong napabangon mula sa aking pagkakahiga, nagpalinga-linga ako hanggang sa may maramdaman akong malalakas na bisig na pumulupot saaking beywang kaya naman napasinghap ako at bumaling sa aking katabi.




Napaawang ang aking labi ng makita si Clover na topless at sa pang-ibaba nito ay natatakpan ng makapal na kumot at pupungas-pungas na tumingin saakin. " Hey, Good morning." Bati nito saakin at bumangon nadin sa pagkakahiga at nag-unat unat kaya naman kitang-kita ko ang mga muscles niya lalo na ng bahagyan siyang napahawak sa kaniyang batok.




Pinapanood ko lang ito sa mga kinikilos nito hanggang sa tuluyan na itong umangat sa kama at tumayo na kaagad akong nag-iwas ng tingin ng makitang naka-boxer lang ang lalake.




Napatiim ang mga labi ko ng maglakad ito na para bang modelo ng brief at boxer.




Naglakad ito patungo sa kung saan at pag balik ay may dala ng isang towel at nagtungo sa banyo pero bago siya tuluyang makapasok ay lumingon pa siya sakin kaya naman nag-iwas ako ng tingin, nakita kopang napangiti siya bago sinarhan ang pinto ng banyo.




Nang marinig ko ang paglagaslas ng tubig mula sa shower ay umalis na ako at tumayo narin ako sa gilid ng kama niya at inayos ang nightgown na suot ko.




Napatampal ako saakin noo ng maalala ang mga nangyari kagabi kung paano ako naging mahina at nagpadala sa damdamin at nanatili sa tabi niya habang siya ay nagmamakaawa at umiiyak ng dahil saakin.











^°^°^°^
:)

GIRL IN THE ROOFTOPWhere stories live. Discover now