Ang Simula
Kaagarang kinuha saakin si Malik ng mga tauhan namin at dinala itong muli sa kwadra niya, tumango ako sa mga ito at nagpaalam na uuwi na.
Pagkapasok na pagkapasok ko sa salas ay sinalubong ako ng mga katulong kaagad akong nilapitan ni Kayla. " Señorita Eren." Nag-aalangang saad niya napakunot ang noo ko dahil parang hindi siya mapalagay.
" Mamaya nalang Kayla aakyat mona ako sa kwarto." Turan ko balak pa sana niya akong pigilan pero umakyat na ako.
Dumeretso kaagad ako sa banyo ng kwarto ko at naligo para mawala ang mga pawis sa katawan ko at ng saganun ay hindi ako pangatihin.
Nang matapos ay lumabas na ako ng banyo na tanging twalya lang ang takip sa katawan nagtungo ako sa walk in closet at doon ay nagbihis.
Bumaba narin ako pagkatapos kumunot ang noo ko ng makasalubong si kuya Stephan na naka-formal suit nakita ko ang pagtataka sa mukha nito ng makita ang ayos ko. " Teka bakit ganyan ayos mo?" Aniya.
" Ha? Normal naman na ganto ako pag nasa bahay ano pabang bago doon?" Kunot-noong tanong ko sakaniya nagsalubong ang kilay nito at nagpamay-wang sa harap ko.
" Oo alam kung normal nayan sayo pero may mga bisita tayo kaya naman bumalik ka sa kwarto mo at magpalit ng bistida." Huling aniya bago ako talikuran at naglakad patungong opisina ni daddy.
" Ha? May mga bisita si dad?" Takhang utas ko. Sino naman kaya ang mga yon at kailangang kopang magpaganda para sakanila?
Hindi kona iyon pinansin at nagpatuloy nalang sa paglalakad nagtungo ako sa dining room kaagad naman akong pinaghandaan ng mga katulong ng makakain ko. " Salamat po."
" Walang anuman po señorita Eren, kung kulang papo iyan magsabi lang po kayo at kaagad kopo kayong paghahandaan." Nakangiting turan ni Merriet isa sa mga batang maid namin na kaseng edad ni Viana.
Chineck ko mona social media ko chinat kona rin ang mga importanteng tao saakin na naiwan ko sa France katulad nalang nina Mikmik at Juries.
Kinamusta ko sila pero si Juries lang ang nakapag-chat saakin at dahil online siya kinamusta kona rin yung kompanya aniya ayos naman daw at mas lalong dumadami ang nag-iinvest at wala naman daw problema kaya naman nakahinga ako ng maluwag, napatitig ako sa chat ko kay Mikmik baka abala siya sa pagmo-model niya kaya hindi siya on.
Siguro tatawagan kona lang siya sa susunod, tinabi kona ang cellphone ko at hinarapa ang hapunan ko nagdasal mona ako bago kumain.
Nang matapos ako kumain ay tumayo na ako at nilagay sa sink ang plato at basong ginamit ko at hinugasan narin ito. " Ay naku señorita ako napo diyan lumabas napo kayo kase po pinapatawag kayo ng daddy mopo." Turan ni Merriet at inagaw saakin ang plato at siya na ang nagpatuloy sa pagsasabon noon.
" Bakit naman daw?" Tanong ko sakaniya.
" Hindi korin po alam e, napag-utusan lang po ako na tawagin kayo." Aniya tumango naman ako at naglakad na palapit sa mesa kinuha ko ang cellphone kung nakapatong doon bago tuluyang lumabas doon.
Pumunta ako sa sala at doon ay naabutan ko ang mga kapatid ko ang sina mommy at daddy na nakaupo sa sofa at nag-uusap usap sa kung ano kaya naman lumapit na ako.
" Bakit ganiyan ang ayos mo?" Pagalit na saad ni daddy ng mahagip ako ng mata niya napatingin narin saakin ang tatlo kung kuya nakita ko kung paano nagsalubong ang kilay ni kuya Stephan.
![](https://img.wattpad.com/cover/311129455-288-k745954.jpg)
YOU ARE READING
GIRL IN THE ROOFTOP
RomanceIsa siyang simpleng babae na walang ibang hinahangad kundi ang manatiling masaya ang kaniyang buong pamilya. Pero paano nga ba mangyayari ang simpleng hinahangad niya kung patalikod palang gumagawa ng masama ang kaniyang ama na siyang naging dahilan...