Passed Out
Hanggang sa nakarating kami sa bayan ay hindi parin kumikibo sa tabi ko si Kuya Rush.
Balak ko sana siyang kausapin kaso baka naman mapansin nina Viana ang mali kay Kuya.
" Nako señorita nakapaganda po dito." Napangiti lang ako ng tipid at muling nilingon si kuya na seryuso ang mukha na nagtitingin-tingin ng mga damit sa isang maliit na tindahan sa tabi naman niya ay si Kayla na namumula dahil sa mga pinagsasabi ng matandang lalake na siyang may-ari ng tindahan na pagbibilhan namin.
" Bagay na bagay kayo hija at hijo." Ngiting-ngiti na turan ng matanda sa kapatid ko at kay kayla.
Napangiwi ako dahil napakunot si kuya sa matanda pero hindi naman nagsalita at nagtungo sa loob ng maliit na tindahan. Siguro magtitingin-tingin doon. Sumunod ako dito habang ang dalawa ay naiwan sa labas at masayang nakikipagbiruan sa matandang lalake.
Nalipat ang tingin ko kay kuya na maingat na nilalagay ang mga babasagin na kagamitan kung saan ito nakalagay. Naglakad ako palapit dito, napatingin ito saakin ngunit kaagad din binalik ang tingin sa mga kung ano-anong kagamitan na nasa harapan namin.
" Kuya." Mahinang pagtawag ko rito.
" Hmm?" Tanging naging tugon nito.
" I'm sorry." Ako. Kita ko ang pagkakakunot ng noo nito bago bitawan ang hawak-hawak na sombrero at muli itong isabit.
" For what?" Baling nito saakin habang kunot na kunot ang noo.
" Doon sa nasabi sayo kanina ni Viana sa van."
" I've already made a move on her." Malamig ngunit madiing turan nito.
Napaangat ang tingin ko sa mukha niya at pilit kung hinuhuli ang kaniyang mga mata ngunit mailap ang mga ito, na para bang natatakot siyang may makita akong kung anong emosyon dun.
Napabuntong hininga ako.
I know you're lying; you're still madly in love with her.
Kahit gusto ko iyon isantinig ngunit hindi ko ginawa at nanatiling tikom ang bibig.
" Señorita Erenella?"
" A-ah bakit?"
Sumalubong saakin ang masayang mukha ni Kayla habang may dala-dala sa kaniyang kaliwang kamay na isang paper bag na alam kung naglalaman ng mga damit at kung ano pa na kaniyang binili.
Ngumiti ako at sinamahan siyang mamili ng mga damit na siyang ipapadala niya para sakaniyang mga magulang at mga makakabangon kapatid. Ganun din ang ginawa ko, namili din ako ng mga damit na balak kong ipamigay sa mga katulong.
" Ang gaganda po ng inyong napili." Napatango naman at masayang ngumiti kay Viana na titig na titig sa mga pinamili ko.
HANGGANG sa makauwi kami ay hindi parin mawawala ang ngiti saaking mga labi kahit pa nakararamdam na ako ng pagod ay masaya parin akong nagtungo sa sofa at pinatawag ang mga maid dinamay kona rin ang mga hardenero at drivers dito.
Noong una akala ni mapapagalitan ko sila ngunit ganun nalang ang saya nila ng sabihin kung kunin nila ang mga paper bag na may nakasulat na mga pangalan nila. Halos yakapin nila ako sa sobrang saya.
" S-señorita sobra-sobra napo ito." Maluha-luhang turan ng isang babae na sa mga labing siyam na taon gulang na.
Ngumiti lang ako at masaya silang pinagkatitigan na may malalaking ngiti at may bahid pa ng luha sa mga pisngi nila dahil sa labis na kasiyahan na nararamdaman.
Nagsimula na akong maglakad papaalis ng bigla akong makaramdam ng biglaang pagkahilo tumigil muna ako sa paglalakad at kinalma ang sarili. Tumingin ako sa likuran ko kung saan abala ang mga katulong sa pagkwekwentuhan at pagtitingin ng mga damit.
Mukhang hindi naman nila napansin ang nangyari sakin, ngumiti lang ulit ako at naglakad na muli.
Nang malapit na ako sa huling baitang ng hagdan ay bigla ulit ako nakaramdam ng hilo kasabay nito ay ang pandidilim ng paningin ko. Hinigpitan ko ang hawak ko sa railings ng hagdan at pilit na nilalabanan ang hilo, napasapo ako saaking batok dahil sa matinding hilo.
Hanggang sa tuluyan ng nandilim ang aking paningin at nawala ang aking lakas dahilan para mapabitaw ako sa railings kasabay noon ay ang pagtama ng katawan ko sa hagdan bago nagsimulang gumulong-gulong.
" A-ah!"
Nanghihinang daing ko bago tuluyang mawalan ng malay.
[ *// Third Person ]
Nagkakasiyahan ang lahat sa sala ng bigla silang makarinig ng biglang lagabong na para bang may kung anong bumagsak sunod nito ay ang kung anong ingay.
" A-ah!"
Nanlaki ang mga mata ng mga katulong at kanya-kanyang takbo patungo sa hagdanan at doon ay naabutan nila ang nakahandusay na babae may dugong nagkalat sa sahig.
Namumutla ang mga katulong dahil sa nasaksihan, mabuti nalang at kaagad dumating si Rush sa tulong ni Kayla. Kaagad binuhat ni Rush si Erenella at dinala ito palabas ng maindoor at doon sa labas ay may nakaabang na kotse sakay ang katiwalang driver na si Mio. Kaagad sumakay sa backseat si Rush habang buhat si Erenella.
Nang makaalis ang kotse ay nanlalamig ang mga palad at namumutla na naglakad muli papasok ng mansyon si Kayla at naiiyak na naupo sa sofa. Kaagad itong dinamayan ng mga naiwan soon kasama na si Viana at ang isa pa nilang kaibigan.
" A-ano bang nangyari?" Naguguluhan at may pag-aalalang tanong ng matandang mayodorma ng manson.
" Hindi ko po alam." Nanghihinang sagot ng babae at napayuko.
" Haynako sana lang talaga ay ayos lang si Erenella kundi mayayari ako nito kina ma'am at sir." Mahinang turan ng matanda habang tinutukoy ang mag-asawang Formentera.
Wala kase ang mga ito at nasa New York dahil napagpasyahan ng mag-asawa ang mag-bakasyon mona upang iwas problema pansamantala, habang ang dalawang nakatatandang kapatid ni Erenella ay nasa trabaho.
Namomoblema ang mayodorma dahil sa kung anong maari niyang ipaliwanag kung sakanilang maaptawag ang mag-asawa ta tanungin ang kalagayan ni Erenella.
NAPAPIKIT nalang ng madiin si Aarush ng maupo siya sa bangko habang kasalukuyang inaabyad ng mga doctor si Erenella, naalala niya ang itsura ni Eren habang nasa mga braso niya ito sa loob ng sasakyan.
Namumutla ito at bahagyang nagkakabutol-butol sa braso habang namumula naman ang leeg nito.
Hindi niya maiwasan ang mag-aalala ng gusto sa bunsong kapatid lalo na at solong babae lang ito sa kanilang magkakapatid.
Napamulat siya ng mga mata ng makitang nakaupo na sa tabi niya si Mio.
" What are you doing here, Mio?"
" Pasensya na sir, hindi kona po kase matiis ang pag-aalala sa señorita kaya sumunod narin po ako." Nahihiyang saad nito at napakamot ng ulo ngunit may pag-aalala sa mga mata nito para sakaniyang kapatid. " At gusto ko rin pong malaman ang kalagayan ng señorita." Tumango lang siya at muling pumikit dahil sa nararamdamang pagod sa buong araw.
^°^°^°^
:)
YOU ARE READING
GIRL IN THE ROOFTOP
RomanceIsa siyang simpleng babae na walang ibang hinahangad kundi ang manatiling masaya ang kaniyang buong pamilya. Pero paano nga ba mangyayari ang simpleng hinahangad niya kung patalikod palang gumagawa ng masama ang kaniyang ama na siyang naging dahilan...
