Chapter 21

165 9 0
                                        

Itigil


HINDI ako makapaniwala habang nakikinig sa mga pinag-uusapan nina daddy at nung lalake. " Pano bayan Greg pumapayag na ako sa napagkasunduan natin noong nakaraang linggo ganun din ang disensyon ng bunso ko." Turan ng matanda napakunot ang noo, sino ba ang tinutukoy nila?




Nakangiting lumingon saakin yung lalake. " Napakagandang bata naman ng bunso mo Greg at masasabi ko talagang bagay sila ni Alhex." Tumayo ito at tumapat saakin at naglahad ng kamay. " Nice meeting you, hija Erenella." Tinanggap ko ang kamay nito at nakipagkamay ng maayos.




Nagsitayuan silang lahat kaya naman ganun nadin ako nanguna sina daddy, mommy at yung isa pang lalake sumunod naman sina kuya kaya naman sumunod nadin ako ramdam ko din ang presensya nung dalawa sa likuran ko.




Nagtungo kaming lahat sa dining area, mukhang kakain ulit ako ah doon ay nakita ko kung gaano karami ang nahandang masasarap na ulam may mga wine din sa gitna.




Nagkanya-kanyang upo sila kuya naupo naman ako sa dulo na siyang katabi ni kuya Nuel, ngumiti siya saakin ganun din ako.




" You okay?" Bulong na tanong niya ng maapo ako sa tabi niya.




" Oum's ~ yeah." Pilit na saad ko kita ko ang lungkot na dumaan sa mga mata niya.








UMALIS na ako matapos kumain ng hapunan kasama ang pamilya ng mga Dellova dito na ako dumeretso sa harden at nagpahangin, tumingala ako sa kalangitan at doon ay nakangiting pinanood ang mga bituin na nagkikislapan.




" Ammm...Ehem." Napatingin ako sa likuran ko kung saan may tumikhim, natigilan ako ng makita siyang nakapamulsa na nakatayo roon at katulad ko kanina ay tinitignan niya din ang mga bituin.




" Ikaw pala." Turan ko nagbaba naman ito ng tingin saakin at ngumiti bago naglakad palapit saakin at naupo sa tabi ko.




" Kanina pa kita hinahanap mabuti nalang at nakita kita rito." Aniya " Ang totoo niyan katulad mo wala din akong alam sa mga nangyayari basta ang sabi lang saakin may pupuntahan kami kaya ayun pero hindi ko naman alam na magkaka-fiancee na pala ako." Aniya at dinugtungan iyon ng tawa habang sinasabi niya iyon ay nakatingala siya sa kalangitan.




" Pwede pa naman umayaw e." Nang dahil sa sinabi ko ay napatingin siya saakin hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kirot ng dahil sa sinabi kung iyon.




" Haha kung ganun nga lang sana kadali na gawin yang sinasabi mo." Napaawang ang labi ko sa sinabi niya hindi ko siya maintindahan.




Pwede naman niyang sabihin sa ama niya na ayaw niya sa kasal na ito at baka sakaling pumayag naman ito.




" Eh ikaw ba?" Aniya.




" Ha? Anong ako?"




" Bakit hindi ka umayaw at ipatigil ang arranged marriage na magtatali saating dalawa?" Napakurap-kurap ako sa sinabi niyang iyon, sana nga ganun kadali pero saakin nakasalalay ang kompanyang matagal na pinaghihirapan ng kapatid ko.




Hindi ako sumagot siguro napansin niyang wala akong balak na sagutin iyon kaya naman iniba nalang niya ang usapan. " Don't worry pag may nakita na akong paraan kaagad itong ipatitigil."




Bigla akong nakaramdam ng bigat sa dibdib ko pero pilit ko iyong tinatakpan ng isang pilit na ngiti. " Sure! Hayaan mo at tutulong ako." Tumango naman siya at ngumiti.




" Bakit nga pala Eren lang ang sinabi mo saakin pangalan kanina at hindi Erenella?" Biglaang tanong niya napangiwi naman ako.




" Kase Eren ang tawag saakin ng karamihan kaya yun nalang naisip kung sabihin sayo." Paliwanag ko napatango-tango naman siya sa sinabi ko. " Eh ikaw? Bakit hindi mo manlang sinabi yung pangalan mo saakin kahit yung Evan manlang sana pero pinagdamot mopa." Nakabusangot na turan ko na nakapagpatawa sakaniya.




" Sorry sige magpapakilala ako at ganun kadin, okay na?" Tumango ako kaya naman nakangiting humarap siya saakin at tinitigan ako sa mata ng walang kurap-kurap. " Alhex Evan Dellova yan ang buong pangalan ko siguro naman wala na akong atraso sayo, ikaw naman." Umayos ako ng upo at tumikhim.




" My name is Erenella Faith Formentera ." Pagpapakilala ko napangiti naman siya.




" Ang ganda ng pangalan mo...." Aniya na nakapag-ngiti saakin lalo.




" Aba naman syempre--." Naputol ang dapat sasabihin ko ng bigla siyang nagsalitang muli.




" Kaseng ganda mo." Seryuso at nakangising turan niya habang hindi kumukurap na nakatitig saaking mga mata ng diretso napaawang ang labi ko sa gulat sa sinabi niyang iyon.




Siya ang unang nag-iwas ng tingin habang ako naman ay napakurap-kurap habang tinitignan siya habang utay-utay kung nararamdaman ang pag-iinit ng pisngi ko.




Ang lakas ng loob niya ah! Ang lakas ng loob niyang pakiligin ako nang ganito! Lapastangan kang gwapong Dellova ka!








NAKANGITING tumitingin ako sakaniya na kasalukuyang nakatingin rin saakin nalipat ang tingin ko sa katabi niyang lalake na seryuso ang mukha na nakatingin saakin napansin ko ang madilim nitong pagtitig saakin na para bang may nagawa akong masama sakaniya napakurap-kurap ako at nag-iwas tingin. " Sige Greg aalis na kami sigurado babalik nalang kami bukas o sa biyernes na." Paalam ng tatay ni Alhex.




Nang makasakay na siya sa van at papaalis na ay nakangiting kumaway ako. " Bye-bye." Bulong ko sa hangin nagbabasakaling marinig niya iyon.




Isang minuto na ang lumipas ng makaalis sila pero nanatili parin ako sa labas nmat nakangiting nakatanaw sa dinaanan ng van nila.




" Ehem! Wala ka bang balak pumasok sa loob at magpahinga? Oh baka naman gusto mo diyan kana matulog?" Masungit na turan ng nasa likuran ko.




Ang ngiti ko ay nauwi sa ngiwi. " Ani bayan kuya! Panira ka naman e."




" Laki ng ngiti mo e, huwag mong sabihin na natamaan kana sa mukong nayun?" Nakangusong saad ni kuya Stephan habang sinusundan ako sa paglalakad papasok sa mansion.




" Pwede ba manahimik ka diyan, aakyat nako pagod ako." Kumaway ako rito at umakyat na.




Kaagad akong pumasok sa loob ng kwarto ko at sinarhan ang pintuan pagkatapos ay ni-lock na ito, bago mahiga ay sinagawa ko mona ang skin-care ko.




" Ganda." Bulong ko sa sarili ko at nag-pose pose pa sa harapan ng salamin bago tuluyang tumalikod at nagtungo sa kama ko at hinilot-hilot ang nanakit kung baywang at mga binti.




Gumapang ako sa kama at nagpailalim sa kumot. " Goodnight and have a sweet dreams pretty." Huling turan ko at pumikit na dahil antok na antok na talaga ako.










^°^°^°^
:)

GIRL IN THE ROOFTOPStories to obsess over. Discover now