LUMABAS na ako ng kwarto niya at marahan na naglakad patungo sa aking sariling kwarto at nang makapasok ay kaagad kong sinarhan ang pinto at pumunta ng banyo para maligo.
Ng matapos ay bumaba na ako at hindi na nag-abalang tignan ang kwarto niya at dumeretso nalang sa hagdan at hindi pa man ako tuluyang nakakalapit sa dining area ay nakakarinig na ako ng mga tawanan.
Napakunot ang noo ko mapakinggan ang boses ng anak kona nagkukwento at kung minsan ay bulol pa kaya naman tuwang-tuwa ang mga kasama sa hapag at ng tuluyan na nga akong makarating sa kinaruruonan nila ay naabutan ko silang lahat na abala sa kanya-kanyang pagkain ngunit kung minsan ay nakikipag-kwentuhan sa madaldal kung anak.
Tumikhim ako kaya naman naagaw ko ang atensyon nila, napalingon din saakin si Dem na kasalukuyang sinusubuan ni Clover kaagad na namilog ang mga ng anak ko at walang pagdadahan-dahang bumaba ng upuan niya. " Mom!" Kaagad ko itong binuhat ng makalapit saakin at kahit may kabigatan na ay hindi na ako tumalima pa at hinagkan nalang ito sa noo at naglakad patungo sa lamesa at naupo sa bakanteng upuan na siyang katabi ng upuan ni Dem.
Binaba ko siya sa upuan niya at hindi ko naman ito narinig na nag-reklamo bagkus ay ngumiti lang ito at bumaling nasa pagkain at kahit anong pilit ni Clover na subuan ito ay panay sabi ito nang 'ayaw' at umiiling pa kung minsan kaya naman napailing-iling nalang kami at napabuntong hininga nalang si Clover at sa huli ay hinayaan nalang ito.
Nang mapatingin ito saakin at mahuli akong nakatitig sakaniya at kaagad akong nag-iwas tingin at nagkunwari na abala sa paglalagay ng pagkain sa plato ko.
Matagal pa bago ito nag-iwas ng tingin kaya naman nakahinga ako ng malalim ng hindi na maramdaman ang maiinit nitong titig saakin.
Nang matapos kumain ay umalis na kaming lahat sa hapag-kainan at tumambay sa sala at doon ay nag-kwentuhan hanggang sa nagsimula ng magtanong si mommy.
" Nga pala hijo, Clover." Napalingon ang abalang lalake kay mommy.
" Po? Tita?" Gulong baling nito kay mommy ngunit nakangiti naman.
" Kamusta naman ang pakirandam mo? Wala kabang hang-over?" May ngiting tanong ni mommy habang diretso ang titig kay Clover.
" I'm fine tita and no po, hindi naman po ganun kalala ang hang-over ko. So there's nothing to worry about, Tita." He answered while smiling at my mother.
" That's good to hear, Hijo." Nakangiting sabi ni mommy kay Clover na ngumiti lang ng tipid sabay tango.
Napa-ayos naman ako bigla ng pagkakaupo ng magbaling saakin si mommy at nginitian ako so nginitian korin ito pabalik. " How about you, Erenella?" She asked me in a low voice while smiling widely.
" I'm good mom." Tipid kung tugon.
NAPABALING ako sa taong humawak sa braso ko habang naglalakad ako patungong harden, nilingon ko ito at pinagtaasan ng kilay. Napakagat labi naman ito at napalunok. " What?" Mataray na tanong ko rito at binaba ang tingin ko sa kamay niyang nakahawak sa braso ko kaya naman parang nakukuryenting inalis niya iyon. " What do you want?"
Napakagat-labi ito at tinitigan ako sa akong mga mata na mataray na nakapukol sakaniya, bahagyang umawang ang kaniyang mamula-mulang labi. " Patawad." Mahinang turan niya.
Napa-ayos ako ng pagkakatayo at napatango-tango habang nakatiim ang aking mga labi. " It's okay, kalimutan nalang natin ang nangyari kagabi at iwasan na mangyari ulit iyon." Madiin na turan ko ngunit nanatili lang itong matiim na nakatitig saaking mukha.
" Hindi iyong ang dahilan kung bakit ako ng hihingi ng tawad sayo." Aniya na ikinakunot ng noo ko.
" Eh ano kung hindi naman pala iyon?"
" Nanghihingi ako ng tawad sayo dahil wala akong balak sundin ang mga gusto mo lalo na sa part na gusto mo na mauwi lang tayo sa wala lang lalong na yung nararamdaman ko, hindi ako basta-basta susuko." Napaawang ang labi ko sa sakaniyang sinabi.
Seryuso ba siya?
" Ah ganun ba? Pwes kung yan ang gusto ngayon palang sinasabi kona sayo na wala kang pag-asa." Pilit na pinapatigas ang boses na turan ko kahit parang gusto kona matumba.
Ngumisi ito saakin na para bang nanghahamon sa isang madugong laban.
Nag-iwas na ako ng aking mga mata at nilagpasan kona ito upang magtungo sa hagdan upang magtungo kay Dem. Nang makatapat sa harap ng silid nito ay nagbuntong hininga mona ako bago hinawakan ang doorknob at binuksan ng bahagyan ang pinto nito.
Napangiti ako ng maabutan ang bata na naabala sa pagbabasa ng kaniyang libro na siyang regalo sakaniya ni Clover. Seryuso ito sa pagbabasa at tanging doon lang talaga nakatuon ang atensyon nito kaya naman hindi na nito napansin na nakapasok na ako sakaniyang silid.
" Baby." Mahinang tawag ko rito at naglakad na patungo sakaniyang kama, kaagad naman nitong inangat ang paningin saakin at itinabi ang libro sa katabi nitong bed side table at tumayo.
" Mommy!" Niyakap ko ito at hinalikan sa buhok.
" Bango naman amoy baby." Ngiting turan ko at sinundan ng maikling tawa na kaagad nitong ikinasimangot.
" Hindi nako baby! Big boy nako mommy ko." Nakangusong turan nito ngumisi naman ako.
" Oh talaga ba?" Tumango naman ito. " Eh kung big boy kana bakit kapa nagpapabuhat sa mga tito at daddy Clover mo?"
" Because I want to!" Asik nito na ikinatawa ko.
" Okay fine, gusto moba bumaba tayo sa kusina? Bumili ako favorite mong chocolate ice cream." Ngising turan ko na ikinalaki ng mga mata nito at kaagad dumamba saakin.
" I love you, Mom!"
" I love you too." Sagot ko rito at pinaghahalikan sa mukha nito na ikinahagikhik nito.
" E-eh m-mommy kiliti!" Palatak nito kaya naman tumigil narin ako at binuhat na ito kahit medyo may kabigatan na at tumungo sa pinto ng silid nito.
Habang naglalakad pababa ay hindi ko magkaintindihan mula sa aking pagkakabuhat at panay palakpak at sigaw ng ' ice cream!' kaya naman napapatawa at ngiti nalang ang mga maid na nakakasalubong namin sa sala.
Naabutan namin si mommy na nasa kusina at abala sa pagb-bake ng kung ano, napangiti pa ito at kaagad na nilapitan si Dem at hinalikan sa pisngi. " Oh bakit ngayon lang bumaba ang gwapong ito?" Tanong nito saakin kaya naman ngumiti ako at sumagot.
" Abala sa pagbabasa ng librong bigay ni Clover." Turan ko na ikinatango-tango nito.
" Ah ganun ba?" Aniya at binalingan ang apo at pinisil ang pisngi nito dahilan para mapangiwi ang gwapo nitong mukha. " Mukhang nakakahiligan mo narin ang pagbabasa, Apo." Ngiting lintanya ng aking ina at binalikan na ang niluluto.
Kinulbit naman ako ng makulit na bata, kaya naman binalingan ko ito. Nakanguso na ito at nakaturo na sa ref napatawa naman ng ma-gets kung anong ibig nitong iparating.
Tinungo ko ang refrigerator at binuksan ito upang kuhain ang gallon na naglalaman ng chocolate ice cream na inorder ko dahil sa kahilingan ng aking baby boy.
A/N: Sensya na kung late update, sadyang busy lang sa school lalo na at tambak ang projects namin.
^°^°^°^°^
:)
YOU ARE READING
GIRL IN THE ROOFTOP
RomanceIsa siyang simpleng babae na walang ibang hinahangad kundi ang manatiling masaya ang kaniyang buong pamilya. Pero paano nga ba mangyayari ang simpleng hinahangad niya kung patalikod palang gumagawa ng masama ang kaniyang ama na siyang naging dahilan...
