Chapter 8

269 18 1
                                        

Hannah


" Kung totoo man o
hindi ang kwento iyun
ay masakit parin lalo na
sa parte nang lalake."
Nakangusong kumento ni
kayla habang nakahalumbaba sa mesa at nakatingin nang diretso sa babae.




" Sino ba nagkwento niyan sayo?" Tanong ko sa babae.




" A-hmm y-yung lola ko po---" Mahinang saad nito habang nakatungo at mahigpit na hawak ang laylayan nang kaniyang bestida.




" Nakita niya daw po kasi kung paano naghirap ang dalawang taong iyon at kung paano din po maraming luha ang nasayang dahil lang sa hindi sang-ayon ang tadhana para magsama nang mapayapa ang dalawa. At kung paano po nagkahidwaan ang dalawang angkan dahil sa kanilang tagong pagkikita." Dugtong ani nya. Kumunot ang noo ko.




" Hidwaan? Hidwaan nang dalawang angkan?" Takhang tanong ko dito. Napabaling ito saakin at seryuso ang mga matang tinitignan ako.




"Opo señorita." Tipid na saad nalang niya.




Naguguluhan man ngunit nanatili nalang akong tikom ang bibig. Nang mapansin na parang hindi komportable ang babae sa tinatanong ko.








" NAKO señorita huwag na po kayo mag-abalang tumulong kaya napo namin ito." Nahihiyang ani ni Viana na siyang pinsan ni Kayla na kasalukuyan namimili ng mga gulay at karne na lulutuin nila para sa hapunan.




" Ahh gusto ko lang kasing tumulong sa inyo at isa pa nag-eenjoy din naman kasi ako sa pamimili dito sa palengke." Ako habang abala sa pagtitingin-tingin ng mga gulay.




Marami ang napapatingin saamin dahil pilit na inaagaw saakin ni Viana ang hawak kung basket para sa mga pinamimili ngunit dahil mas matangkad at malaki ang pangangatawan ko sakaniya at hindi niya ito makuha-kuha kaya naman napapahinga nalang siya nang malalim.




Sumunod ako sakanila ng dalawa pang katulong na kasama namin bukod lang kay kayla na abala parin sa pamimili nang mga bawang, sibuyas,kamatis,luya at paminta. Nagtungo kami sa parte ng palengke kung saan mga isda naman ang itinitinda.




" Teka ito nalang ang bilhin natin malaki-laki pa." Turo ko sa isdang malaki na hindi ko alam ang tawag. Napatingin dito ang dalawang katulong.




" Amm señorita hindi po iyan pwede baka magalit si manang Linda." Napasimangot ako dahil sa sinabi ni Viana.




" Bakit naman hindi iyun pwede? Dapat nga mas matuwa si manang dahil malaking isda ang napili nang kaniyang alaga." Saad ko.




" Hindi po kasi kami bumabase sa laki ng isda lalo na kung hindi ito sariwa. Tiyak kung baka magka-rashes na naman po niyang ang iyong ina." Paliwag niya habang nakatingin sa mga isda na nasa harap namin back dinampot ang isang isda na kulay orange na kasagaran lang ang lake.




Pinaliwanag saakin ni Kayla na kaya hindi niya pwedeng bilhin ang isdang tinuro ko dahil hindi na ito sariwa dahil iba na ang hasang at mata nang isdang iyun na malalaman mong hindi na talaga ito sariwa pa at sobra na ang pagkababad sa yelo. Kumpara sa pinili ni Viana na isda na sariwang-sariwa pa.








" WOW ang bango naman." Masayang saad ni Kayla na katabi ko habang titig na titig sa nilulutong ulam ni manang Linda na sinigang na baboy.




" Haynako magtigil ka kayla. Mabuti pa ay tulungan mo ang ibang kasambahay sa pagluluto ng mga isda na inyong mga pinamili kanina." Masungit ang boses na lintanya ni manang kay Kayla na napanguso lang bago umalis sa tabi ko ang lumipat kina Viana na kasalukuyang tinutulungan si Tala. Na halatang hindi pa sanay sa pagluluto.




Nang matapos sa pagluluto si manang ay kaagad niya itong hinango at nagsalang nang kawali at nilagyan ng mantika upang mag luto ng piritong manok.




" Manang." Mahinang pagtawag ko dito at bahagyang lumapit sakaniya.




Tinignan niya ako. " Bakit hija may itatanong ka ba?"




" Opo. Kamusta po si ate Hannah manang?" Tanong ko habang pinapanood kumpaano niya nilagay sa kawaling may mantika ang mga piraso nang hita ng manok doon.




" Okay lang ang ate Hannah mo. Kasalukuyan na siyang nagtatrabaho sa isang bangko sa may bayan." Nakangiting turan niya na kita mo talaga ang saya sa mukha niya.




Kahit ako masaya din ako kahit papaano dahil nakapagtapos na sa pag-aaral si ate Hannah. Dati din kasi siyang katulong dito dahil sumama siya kay manang kaya naman napalapit ako sakaniya dahil anak siya nang nagpalaki saakin.




Ang masasabi ko lang ay mabuting na kaibigan si ate Hannah dahil sakaniya ko lang naranasan ay magka-ate dahil puro mga kuya ang meron ako at mga hindi ko talaga kasundo noong bata palang ako. Dahil nga mga lalake sila samantala ako sulong babaeng anak lang.




" P-pero may anak na siya." Mahina na saad ni manang.




" Wow! Talaga po? Nasan po yung pamilya ni ate? Nasa bayan din po ba?" Magkakasunod-sunod na tanong ko habang malaki ang ngiti.




" W-wala siyang a-asawa hija,D-dahil yung ama noong b-bata ay nakulong." Napawi ang ngiti ko dahil doon at nagtatakang napatingin sa matanda.




" P-po? Bakit naman po?"




" Habang p-papauwi kasi ang ate H-hannah mo galing s-school ay hindi inaasahang may mga nakatambay sa dadaanan niya. Hinarang siya ng isa sa mg sito a-at---." Napansin ko ang pangingilid nang luha nito. Napabaling ako sa nakasalang at kaagad itong hinango dahil muntik ng masunod.




Nang matapos kung mahango ay muli akong humarap kay manang na bahagyang pinupunasan ang luha gamit ang palad.




" Tapos ano po manang?" Muli kong pagtatanong dahil hindi natuloy at kaniyang pagkukwento.




" N-na rape siya hija." Naiiyak niyang saad. Parang may kung anong dumagan sa dibdib ko dahil sa paninikip nito.



A-ano rape?



Na r-rape si ate Hannah? Nirape siya nang kasalukuyan na siyang papauwi?




Parang may kutsilyo na pilit tumatarak sa dibdib ko dahil sa mga katagang binitawan ni manang.




" M-manang bakit hindi ko po manlang nabalitaan iyan sa ibang bansa?" Naguguluhan tanong ko.




" Ammm.......Ano kasi h-hija ayaw nalang iparating sa iyo ni na sir at madam dahil baka daw po magulo lang kayo sa gitna ng pagtatrabaho niyo. Pero wag po kayong mag-alala dahil hindi naman po pinalampas ng inyong mga kapatid ang insidenteng iyon at nagsampa sila ng kaso laban sa mga lalakeng iyon."










^°^°^°^
:)

GIRL IN THE ROOFTOPStories to obsess over. Discover now