" EREN! WAKE UP!"
Kaagad akong napabangon dahil sa mga mahihinang pagtakip saaking pisngi at pag-alog saaking balikat, napunta ang tingin sa may kagagawan nun. Si Clover
Sinalubong nito ang aking tingin ng kaniyang nag-aalalang mga mata. Ngunit napakunot ang noo ko ng napansin na para bang nanlalamin ang ilalim ng kaniyang mga mata at parang wala pa siyang tulog.
" Hey, you okay?" Malambing ang boses na turan pa nito napapikit ako ng marahan nitong hinawakan ang aking pisngi na may bakas pa ng luha.
Nagmulat ako at nakangiting tumango ngumiti ito pabalik at bahagyang yumuko upang bigyan ako ng maliit na halik saaking noo.
" Don't worry, mahahanap din natin si Dem." Niyakap ako nito gamit ang kaniyang matitigas na braso, tumango naman ako at nagsumiksik sa kaniyang malapad at matigas na dibdib.
°°°
BUMABA na kaming dalawa matapos Kong maligo upang makapag-almusal at para narin maipagpatuloy namin ang paghahanap sa anak ko.
Nang makarating kami sa hapag ay doon ay naabutan ko ang mga kapatid ko at si mommy na abala sa paghahain ng mga pagkain na tinutulungan naman ni ate Alicia.
Napatingin saakin si mommy, nilapitan ko ito at hinalikan sa pisngi ngumiti naman ito.
" Good morning, Mom." Tanging tango lng ang isinagot nito at inalalayan ako para maupo sa bakanteng upuan na katabi ni Kuya Rush.
Kaagad ako nitong nilagyan ng kanin at ulam sa pinggan na nasa harap ko at pinagtimplahan nadin ako nito ng gatas na kaagad ko namang tinanggap.
" Clover hijo, ano pa ginagawa mo diyan sa pinto?" Baling ni mommy Kay Clover na hindi ko napansin na nagpaiwan pala sa pintuan ng kusina.
Bumaling ako ng tingin sakaniya at ganun nalang ang gulat ko ng mahuli itong titig na titig saakin kaagad akong nag-iwas tingin at itinuon nalang iyon sa pagkain na nasa harapan ko ngayon.
" Halika rito at ikaw ay kumain na nang saganun naman ay magkaroon ka ng sapat na lakas, alam kong pagod ka gawa sa magdamag mong paghahanap sa apo ko." Dugtong pa ni mommy na siyang ikinatigil ko sa pagkain.
Ano? Magdamag siyang naghanap Kay Dem? Kaya ba bigla nalang siyang nawala at ng makita ko naman siya sa kwarto ko ay mukha siyang pagod dagdag pa ang panlalalim ng kaniyang mga mata na tanda na walang maayos na tulog.
Napakislot ako sa aking pagkakaupo ng maramdaman kong naupo ito sa katabi ko at bahagyan pa niyang nasanggi ang aking braso ng akma siyang kukuha ng pagkain.
Tahimik ang lahat sa hapag kainan Hanggang sa matapos kaming kumain ay wala ang kahit sinong nagtangkang magsalita.
°°°
" BAKIT nandito kapa sa labas?" Tanong niya habang nakapamulsang naglalakad palapit saakin, " Masyado ng mainit ang sikat ng araw.
" Clover....."
" Hmmm?"
" Ni minsan ba, hindi manlang sumagi sayo na maghanap nalang ng babaeng kaya kang mahalin na hindi ko magawang ibigay sayo......" Mahinang turan ko, nakita kong natigilan siya sa sinabi kung iyon, " at sa babaeng hindi wasak ang buong pagkatao."
Lumipas ang ilang minuto na tahimik lng siya, napapikit ako dahil sa malamig na hanging dumampi sa balat ko at sa paninikip ng dibdib ko dahil sa hindi maipaliwag na kirot.
" P-paano mo nagagawang sabihin yan....minahal kita ng buong puso at walang dahilan para hindi kita mahalin." Mahinang turan pa niya.
Napalingon ako sa kaniya at napatiim ang mga labi ko ng masalubong ko ang nag-aalaba niyang mga tingin saakin.
" Sobrang kitang mahal at hindi ko kailan man iisipin na magmahal pa ng iba maliban sayo. Handa akong ibigay at gawin ang lahat para sa inyong dalawa ni Dem." Seryusong turan niya at doon ay tuluyan ng tumulp ang luha ko at niyakap siya.
Kaagad din naman niya akong niyakap pabalik at hinaplos ang buhok ko. " At kahit anong mangyari hahanapin at ibabalik ko si Dem sayo." Bulong pa niya.
Napakuyom ang kamay ko at mas niyakap pa siya. " Salamat.....maraming salamat, Clover."
Salamat kase minahal mo ako ng buong-buo, na hindi ko naranasan sa kaniya.
°°°°
( Someone's POV)
" Hey, what are you doing here?" Hindi koto nilingon at nagpatuloy lang sa pag-inom ng alak.
Narinig ko ang pag-tsk nito at umupo sa katabi ko. " You know what......walang mangyayari kung puro ganito nalang gagawin mo sa buong buhay mo." Aniya at kumuha din ng isang boteng alak at tinungga iyon, " Hindi mo masasabi sa kaniya ang totoo kung palagi ka nalang pangungunahan ng takot mo."
Nanatali akong tahimik habang nakatanaw sa dalampasigan, habang siya naman ay nagpatuloy sa pagsasalita ng kung ano-ano.
" Alam mo nagtataka din ako sayo e, noon palang naman kase pu-puwede mo naman siya sundan pero......" Sandali itong natigilan kaya naman napatingin ako sakaniya, seryuso siyang nakatingin ng diretso sa dagat.
" ...gago kadin kase e. Hinayaan mo siyang lumayo sayo ng tuluyan at mukhang mahirap nadin siyang bawiin."
Natigilan ako sa pag-inom at napahigpit ang pagkakahawak sa bote nito. Naalala ko bigla yung tagpo noon sa mall at doon ay muli ko siyang nakita pero nakita ko din ang takot sa mga mata niya dahilan para tumakbo siya papalayo at makita ko ang tagpo kung papaano siya daluhan at yakapin ng isang lalake.
" Pre."
" Ano yun?"
" M-may isang bagay akong kinatatakutan." Mahinang turan ko dahilan para mapalingon siya saakin at kunot ano noong tinitigan ako.
" What do you mean by that?"
" Sobra akong nakatatakot to the point na para bang ikamamatay ko ang bagay na yun."
" Ano ba ang ikinatatakot mo? At baka matulungan kita." Turan pa niya ngunit napailing-iling lang ako at napakagat-labi bago nag-iwas tingin sakaniya.
" T-takot akong......takot ako na baka hindi niya ako magawang tanggapin." Nang tuluyan ko yung masabi ay nagsimula mg magsituluan ang mga luha ko.
Yun ang matagal ko ng ikinatatakot, nagawa ko noong kalabanin ang sarili kung ama para lang sakaniya at mas may hihigit pa doon na kaya kong gawin para sakaniya, pero ang katotohanan na hindi na niya ako matatanggap at mamahalin ay hindi kona kakayanin pa at baka ikamatay kopa yun.
" Hindi imposibleng mangyari yun pre, lalo na at malaki ang parte na sinira mo sa pagkatao niya." Mas lalo akong napaluha sa sinabi niyang iyon, " At sa tingin ko may isang taong handang ibigay at gawin ang lahat para sakaniya katulad ng ginagawa mo noon mula pa hanggang ngayon."
^°^°^°^°^
:)
YOU ARE READING
GIRL IN THE ROOFTOP
RomanceIsa siyang simpleng babae na walang ibang hinahangad kundi ang manatiling masaya ang kaniyang buong pamilya. Pero paano nga ba mangyayari ang simpleng hinahangad niya kung patalikod palang gumagawa ng masama ang kaniyang ama na siyang naging dahilan...
