Chapter 13

248 15 3
                                    

Accident

NAGTUNGO ako sa terrace habang dala-dala ang isang tasa ng tsaa at doon ang payapang umupo, umayos ako ng upo ng makita kong paparating si Kuya Steph na may hawak na tasa na sa tingin ko ay naglalaman ng black coffe.




" Nyare kagabi Kuya?" Kaagarang tanong ko rito ng maupo ito sa tapat ko.




Tumingin ito saakin at sumimangot at napairap sa hangin.




" Ayun sawa ako sa sermon ni mamá."




" Ikaw naman kase bakit mo ba iniiyakan ang maling tao." Turan ko rito at sumimsim sa aking tasa.




Napaangat ang tingin ko rito na biglang natahimik kaya naman pabagsak kong binaba ang tasa sa mesa.




" Ayan kana naman iniisip mona naman siya, kung pwede ba kuya mag-move on kana at ituon mo ang atensyon mo sa trabaho mo." Mataray na turan ko habang nakatingin sakaniya na pinaglalaruan ang labi ng basong kinalalagyan ng kaniyang inumin.




Bahagyan akong lumapit sa lamesa at bumulong sakaniya.




" Nga pala yung tungkol dun sa lupain ng mga Medina alam mo ba kuya kung sino yung nakabili?" Lumayo na ako matapos kung masabi iyon. Kumunot ang noo niya at binaba ang tasang hawak hawak.




" Hindi ba kasama si papá nung mangyari yun? Alam kong merong alam si papá tungkol dun, so why don't you ask him about that?" Aniya habang kunot ang noong nakatitig saakin.




Napairap ako dahil sa sinabi niya.




" Kuya naman alam mo naman na hindi yun sasabihin ni dad saakin e, kaya nga sayo ako nagtatanong." Ako.




" Pwes wala akong alam diyan." Siya at tumayo na para umalis.








NAPATAWA ako ng bahagyang magsisigaw si Kayla dahil sa biglang pagtakbo ng isa sa aming pagmamay-aring kabayo na nasa ilalim ng pangangalaga ng isa sa mga mapagkakatiwalaan ni Kuya Rush.




" Nako señorita baka ito ang aking ikamatay!" Narinig ko ang bahagyang pagtawa ni Viana at ng mga trabahor dito na siyang mga nangangalaga ng aming mga kabayo, baka, tupa, baboy at iba pa na maaring pagkakitaan ng aming pamilya.




Tumingin ako kay mang Kanor na kaagad naman tumango at naglakad na papaalis, nagbalik ang akimg tingin kay Kayla na takot na takot na nakayakap sa leeg ni Moon na isa ding friesian horse katulad din ni Malik ngunit itim ito habang si Moon naman ay abuhin.




" Señorita?" Napalingon ako kay manong Kanor na ngayon ay hawak hawak ang tali ni Malik napangiti naman ako at nagpalakad palapit dito.




" Maraming salamat po mang Kanor." Pagpapasalamat ko dito at kinuha ang si Malik, ngumiti naman at tumango si mang Kanor bago nagtungo sa kinauupuan ng iba pang trabahador dito.




Nilingon ko si Malik na bahagyang nangangain ng mga dayami.








" HIYAAAAA!!" Malakas kong sigaw at bahagyang dumapa sa ibabaw ni Malik at pinatakbo ito.




Kaagad akong umayos ng upo at hinawakan ng mahigpit ang taling kumukonekta sa bunganga at ulo ni Malik.




" SEÑORITA HINAY HINAY LANG PO SA PAGPAPATAKBO NANG INYONG KABAYO!!!" Binalewala ko ang sigaw ni Kayla na kasama si Viana na nakasakay din sa kabayo ngunit palakad-lakad lang.




" Shit!" Tarantang naisigaw ko ng biglang may humarang sa direksyon na pinapatakbuhan ko kay Malik.




Nanlaki ang mga mata ko ng biglang tumayo si Malik dahil sa pagkagulat ng may biglaang humarang saamin bigla akong napabitaw sa pagkakahawak ko kay Malik dahilan para mahulog ako sa lupa.




" SEÑORITA?!!" Yun ang huling narinig ko bago ako tuluyang lamunin ng dilim.








" ANO ba ang nangyari at nawalan ng malay ang aking anak?"




" Eh kase po senyora Riella may biglang humarang kay señorita na nakakabayo din, kahit nga po kaming dalawa ni Viana po e nagulat po sa nangyari." Rinig kong mahinang pagpapaliwanag ni Kayla.




" At sino naman ang taong iyon?" Si mommy.




Nagmulat ako ng aking mga mata at tumingin sa paligid dun ko nalaman na nasa kwarto ko ako.




" H-hindi ko po namukhaan senyura e."




" Mom tama napo yan, okay naman na po ako e." Pilit ang ngiting turan ko dahil sa sakit ng tagiliran ko.




Lumingon saakin si mommy at Kayla nanlaki ang mga mata ni Kayla ng makita ako.




" S-señorita pasensya napo." Yukong turan nito napangiti lang ako.




" Ano kaba wala kang kasalan dun." Ako.




" Haynako halos mamatay na ako sa pag-aalala sayong bata ka, kamusta naman ang iyong pakiramdam?" Nag-aalalang lintanya ng aking ina nang makalapit ito saaking kama.




" Okay naman po sadyang masakit lang po ang aking tagiliran dahil po siguro sa pagkakahulog ko sa kabayo."




" Sabi ng doctor hindi naman daw masyadong malala ang nangyaring pagkakahulog mo dahil hindi matigas ang pinagbagsakan mo, mabuti nalang at sa madamong parte ka nahulog at kung hindi ay jusko hindi kona alam ang gagawin ko sa mga kapatid mo." Napatawa ako dahil biglang pumasok sa isip ko ang gagawin ni mommy kina kuya dahil sila ang nag-utos sa mga tauhan ni daddy na alisin ang mga sukal doon.




" Nasan pala po sila kuya mommy?" Tanong ko.




" May pupuntahan daw si Kuya Rush mo at pinasama ko naman sakaniya si Stephan habang si Kuya Nuel mo naman ay nasa hospital at bukas pa makakauwi dito." Nakangiting sagot ni mom habang hinahaplos ang aking buhok.




" Oum~ señorita magpapaalam na po ako, lalabas napo dahil baka po kailanganin ako sa baba." Saad ni Kayla at ngumiti saakin tumango ako dito kaya naman naglakad na ito patungo sa pinto ng aking kwarto at lumabas na ng tuluyan.




" Sa susunod anak mag-iingat kana dahil ayukong mauulit pa ito dahil tiyak na mapapagalitan ako ng dad mo." Tumango naman ako at ngumiti, ngumiti din ito pabalik saakin.








" SEÑORITA ayos napo ba ang inyong kalagayan?" Pagtatanong ni Viana habang nagpupunas ng kaniyang basang kamay, tumango ako at ngumiti bumaba ang tingin nito sa katawan kona para bang chinecheck kong nagsasabi ako ng totoo.




" Mabuti naman po lubos po talaga akong kinabahan at nag-alala sa nangyaring iyon." Umupo ito sa tapat ko.




" Ano kaba okay lang talaga ako, wala namang nangyaring masama saakin sadyang nabigla lang si Malik sa nangyari kaya ganun." Ngiting turan ko.




" Muntik pa pong mabenta ang inyong kabayo dahil sa nangyari." Napatawa ako sa sinabi niya dahil totoo iyon mabuti nalang napigilan ko si dad.




" Oo nga e mabuti nalang talaga naagapan ko pa, mahalaga pa naman saakin ang kabayong iyon dahil siya nalang ang naiiwang alala saakin ng aking lolo.








( A/N: I'm so sorry kung ngayon lang ulit nakapag-update )
^°^°^°^
:)

GIRL IN THE ROOFTOPWhere stories live. Discover now