Chapter 40

155 8 1
                                        

"MOMMY."




"Hmm?" Napalingon ako kay Dem na katatapos lang sa pagkain ng ice cream at nakabaling saakin.




Kita ko ang bahagyang pag-aalangan nito kaya naman ngumiti ako. " May sasabihin kaba kay mommy, hmm?" Malambing na turan ko na nagpalambot sa mga mata nito.




" Mommy sabi po ng classmate ko pag-love daw po ng couple ang isa't-isa nagpapakasal sila--." Napataas ang kilay ko ng bahagyan nitong binitin ang sasabihin at sumusulyap-sulyap saakin na para bang nag-aalinlangan kung itutuloy paba niya ang kaniyang sasabihin.
" Hindi niyo po love ni Daddy ang isa't-isa? Kase po ano---hindi papo kayo married sa isa't-isa." Napaawang ang labi at napaiwas ng tingin.




Bahagyang akong napakamot sa kilay ko dahil sa hindi ko malaman ang isasagot sa inasal niyang iyon. Astang sasagot na ako ng biglang may nagsalita sa likuran ko.




" Don't worry, Dem, because when the time comes that your mommy is ready to marry me, we will get married right away."




Natulos ako sa kinauupuan ko dahil sa tuno ng pananalita nito.




Ilang segundo na binalot kami ng katamikan ngunit kaagad iyong naputol ng biglaang sumulpot si mommy kaya naman kaagad na bumaba si Dem mula sa stool chair at sumama dito palabas.




" Clover." Seryusong pagtawag ko rito na kaagad namang tumugon kaya naman nilingon ko siya na nakapamulsa lang at nakangiting nakatingin saakin.




" Bakit mo yun sinabi sakaniya." Turan ko na may kasamang diin habang seryuso parin na nakatingin sakaniya.




Napatitig siya saakin bago utay-utay na naglaho ang kaniyang ngiti ng makitang seryuso ako. " Why? Anong problema sa sinabi kung iyon?"




Umiling nalang ako at umalis na para magtungo sa sala, naabutan ko naman doon ang mag-lola na abala sa panonood ng cartoons.




Umakyat nalang ako sa kwarto ko at doon ay nagkulong habang nagbabasa ng libro. Napasulyap ako sa orasan na nasa bedside table at doon ay nakita kung 5:45 na pala ng gabi sa sobrang abala ko sa pagbabasa ay halos makalimutan kona kumain.




Mula sa librong binabasa ay nag-angat ako ng aking tingin ng bumukas ang pinto ng kwarto ko napangiti ako ng may sumilip doon at halatang nagdadalawang isip pa kung tutuloy paba.




" Come in." Turan ko na naging senyas nito para tuluyang pumasok.




Kaagad kung itinabi ang librong hawak ko at umayos ng pagkakaupo, nakatungo naman itong naglakad habang habol ko lang ito ng kaing tingin hanggang sa maupo ito sa tabi ko. " May problema ba, Dem?" Mahinay na tanong ko rito.




Pansin kona parang tensyunado ito.




Na-intay pa ako ng ilang segundo bago ito tuluyang nagsalita. " Mommy, are you mad at me?" Mahinang turan nito, napaawang ang labi ko dahil doon pero kaagad naman akong nagsalita.




" Of course not." Tugon ko.




" I know po na galit kayo k-kase nagtanong ako tungkol po s-sa sinabi saakin ng classmate ko." Napabuntong hininga ako ng dahil sa sinabi nito na may kasama pang munting hikbi.




" Anak, walang kang kasalanan at isa pa walang mali sa sinabi mo kanina." Malumanay na paliwanag ko pa. " At isa pa saan moba nakuha ang ideyang galit ako sayo hmm? Tell me."




Nag-angat ito ng kaniyang mukha na naging dahilan para mapakagat labi ako dahil sa luhaan ang mukha nito at bahagyan pang namumula ang dulo kaniyang ilong. Habang pinagkatitigan ko ang luhaang mukha ng aking anak ay may biglang pumasok na imahe saaking utak.




Siya....


Siya na naman








" WOW MOMMY!!! Ang ganda po dito." Hindi mapagsidlan ang sayang turan ni Dem habang panay ang libot ng paningin sa paligid, kitang-kita ang kagalakan sakaniyang maaliwalas at gwapong mukha.




Nalipat naman ang tingin ko sa lalakeng nasa tabi ni Dem at tahimik lang na nakasunod dito habang walang tigil sa paglakad-lakad at pagtingin sa paligid ang aking anak.




Sa sobrang excite na nararamdaman nito ay kamuntikan pa itong madapa mabuti nalang at naagapan ito ni Clover at kaagad na hinawakan sa kamay. Napailing-iling nalang ako ng kaagad na nilapitan ito ni mommy at pinagsabihan na huwag masyadong malikot tatango-tango naman ang munti.




Naglakad na ako patungo sakanila.
" Mom tama napo yan."




Nauna na akong maglakad para magtungo sa kubong ni-rentahan namin para mag-picnic dito kasama sina Kuya Rush at Kuya Nuel at ang  kaniyang asawa't mga anak.




Umihip ang sariwa at malamig na hangin dahilan para mapangiti ako at tinanaw ang kapaligiran mula rito sa kinaruruonan ko.




Habang nakatitig dito ay napansin ko ang maraming pagbabago ang nangyari sa loob ng anim na taon, napangiti ako ng mapait ng biglang pumasok sa isip ko ang mga alaala na magkasama kami na pilit kung kinakalimutan.




Napasapo ako saaking noo at pumikit ng mariin nanatili ako sa ganoong puwesto ng ilang minuto hanggang sa may malamig at baritonong boses ang biglaang nagsalita sa likuran ko.




" Erenella." Mahinang tawag nito saakin. " Are you okay? Is there something wrong?" Alalang turan nito hindi ako tumugon.




Noong una ay akala ko umalis na ito dahil hindi na ito muling nagsalita pa, pero ganun nalang ang gulat ko ng bigla kong naramdaman ang init na nagmumula sa katawan nito mula sa likuran ko at ang ginawa nitong pagyakap ng saaking baywang mula sa likuran.




Kaagad akong napalayo rito at napaayos ng aking sarili, bago ko ito tapunan ng aking tingin naabutan ko naman itong titig na titig saakin gamit ang malamlam na mga mata nito na nagmamay-ari ng magagandang uri ng kulay ng pares ng mata.




Kumurap ito at bahagyang bumukas ang namumula nitong labi. " You okay?" Mahinang tanong nito.




" Ahm--- y-yeah." Utal na turan ko sabay iwas ng tingin.




Ramdam ko ang paninitig nito saakin kaya naman kahit anong mangyari ay hindi ko ito nililingon dahil ayukong magkasalubong manlang ang tingin naming dalawa at muli na naman akong makaramdam ng pagkailang.




" MOMMY!" Kaagad akong napatingin Kay Dem na nakangiting yumakap sa baywang ko pinagkatitigan ko ito at napansin kung bagong palit na ang damit nito. " Mommy liligo napo ako sa dagat."




Paalam pa nito napaatas ang kilay ko dahil doon. " At sino naman ang kasama mo?" Napakamot ito sa kaniyang batok at nagsimulang maglumikot ang mga mata nito.




" S-si Niccolo po." Aniya tumango naman ako.




" Sige, pero sa babaw lang kayo at hanggat maaari ay huwag na huwag kayong lalayo." Turan ko na nagpangiti rito at sunod-sunod na tumango at nag-paalam na aalis na.




Nagtungo ito sa puwesto nina Kuya Nuel at pinuntahan doon si Niccolo ngunit bago sila tuluyang makaalis ay may kung ano pang sinabi si Kuya at Ate Alicia sa dalawa.










^°^°^°^
:)

GIRL IN THE ROOFTOPStories to obsess over. Discover now