Chapter 36

154 9 1
                                        

" WILL YOU MARRY ME, ERENELLA FAITH FORMENTERA?"



Natulala ako sakaniya habang pilit pinoproseso ang mga sinasabi niya lalong-lalo na ang biglaang pag-aalok niya ng kasal saakin, napakurap-kurap ako.



" Teka lang, sigurado kaba talaga diyan sa mga pinagsasabi mo?" Paninigurado ko rito habang diretsong nakatitig sa mga mata niya. " Baka naman nabibigla ka lang."



Napalunok ito. " Sigurado at seryuso ako sa mga sinasabi ko sayo lalong-lalo na sa parteng sinabi kong Mahal Kita." Aniya.



" Pero alam mo naman----."



" Oo, alam ko pero kase naman ayaw kona ng ganito." Seryuso ang mukhang turan niya.
" Gusto kona opisyal na talaga tayo walang halong pagpapanggap kahit pa hindi naman talaga pagpapanggap na mahal kita ng sobra, gusto korin kase na masasabi ko at maipapakita sa mga tao na akin ka na may nagmamay-ari na sayo." Napaawang ang labi ko sa mga narinig mula sakaniya.



Napahinga ako ng malalim at napahilot sa sintido ko.



" So, ano ang sagot mo sa alok ko sayo, hmm?" Nakangiti na siya habang taas-baba ang kilay at nag-aabang sa magiging sagot ko.



Nagbuntong hininga mona ako bago siya tignan ng diretso sa kaniyang mga mata nakikitaan ng kaba, napalunok siya at bahagyang nangatal ang labi ng makita na seryuso na ako.
" Gusto korin sabihin sayo na maraming salamat sa lahat nang nagawa mo sa mga nakalipas na taon, salamat sa paggabay mo kay Dem at sa pagtayo mo bilang ama niya. Salamat dahil sayo hindi kailanman nakaramdam ng pangungulila sa ama si Dem at kahit pa kinamumuhian ko siya noon ay na diyan kalang sa tabi niya para ipakita at ipa-intindi sakaniya na mahal ko siya." Seryusong turan ko habang hindi iniiwas ang tingin sakaniya.



" Salamat dahil kahit alam mo ang buong storya ng nakaraan ko ay imbis na layuan ako ay walang pag-aalinlingang na nanatili ka sa tabi ko at hindi lang yun dahil hindi mo hinahayaan na maramdaman kona wala akong silbi at walang kahit sino ang may gugustuhin na mahalin ako dahil sa isa akong babaeng naging biktima ng rape."



" M-maraming salamat sayo dahil kahit alam mong hindi ko magawang suklian ang ginagawa mong pagmamahal saakin ay nanatili ka parin sa tabi ko hanggang sa tuluyan na nga talaga akong gumaling at maghilom, lubos akong nagpapasalamat sayo Clover dahil kundi dahil sayo baka tuluyan na akong sumuko sa buhay at baka sa ngayon ay nangungulila na ang anak ko saakin." Napapikit ako at bahagyan akong tumigil at pilit inaayos ang paghinga at pagsasalita ko dahil sa pakiramdam ko ay may kung anong nakabara sa lalamunan ko.



Nang magmulat ay natulala ako ng makita ang mga luha na ngayon ay nagsisimula ng tumulo sa makinis niyang pisngi at ang dulo ng kaniyang ilong ay bahagyan ng namumula.



Napangiti ako ng mapait at kahit ayaw ko ay wala akong magagawa kundi ang ibigay ang kasagutan na gusto niyang marinig mula saakin.



" And my answer to your marriage proposal is no; I'm really sorry." Kagat ang labing turan ko at kahit gustuhin ko mang mag-iwas tingin ay hindi ko parin ginawa.



Muli akong nagpatuloy kahit pa nakikita kona ang sakit sa luhaang mukha niya at ang pagdaloy ng mga luha niya." Sasabihin ko sayo na hindi pa ako buo ng tuluyan, kaya lang ayaw na kitang madamay pa kase mahalaga ka saakin at mahal kita." Nang dahil sa huling sinabi ko ay napaangat siya ng tingin saakin at may kung anong dumaan na kasiyahan at pag-asa sakaniyang mga mata, ngunit kaagad ko iyon hinatulan upang hindi na siya umasa sa wala.



" Mahal kita bilang kaibigan."









HINDI maiwasan ang pag-aalala ko para kay Clover dahil magda-dalawang linggo na itong walang paramdam dito sa mansyon, lagi kong tinatanong ang mga katulong kung nagpupunta ba rito ang lalake pero yun at yun lang din ang mga sagot nila.



Maya't maya rin ang pagtatanong saakin ni Dem ngunit sinasabi ko nalang na nasa work ito, nalalapit narin ang nakatakdang pagbabalik namin ng France. Iintayin ko lang na makalipas ang araw nang kasal ni Viana.



Abala ako sa pagtitiklop ng mga damit namin ni Dem ng may mapansin ako sa bulsa ng panjama ng bata, nagtatakang dinukot ko iyon sa bulsa at binuklat nagsalubong ang kilay ko ng mapansin na isa itong tiniklop na papel.



Nang tuluyang mabuklat ay napaawang nalang ang labi ko dahil hindi lang pala ito basta papel kundi picture, napalunok ako ng mas mapakatitigan ang mga tao na nasa larawan.



Yun ay walang iba kundi kaming apat. Magkaka-akbay kaming apat dito at malawak ang ngiting nakatingin sa camera, napagigitnaan ako ni Clover at Alhex habang ang luko-lukong si Klev ay naka-wacky pose.



Natatandaan kopa ito at sa mismong rooftop ng Vergara's Hotel na siyang pagmamay-ari ng parents ni Klev kinuha ang larawang ito.



Mula kay Klev ay nalipat ang aking atensyon sa lalakeng nagka-akbay saakin mula sa kaliwa ko, napangiti ako ng mapait ng makitang ang saya-saya niya rito at para bang totoo ang lahat pero nasa plano niya pala talaga ito.



Nakabusangot na itataob kona sana ang picture ng mapatingin naman ako sa kanan ko kung nasan si Clover na matipid na nakangiti sa camera habang nakapamulsa ang isang kamay at ang isa naman ay may hawak-hawak na isang baso na naglalaman ng wine at akbay-akbay siya ni Klev.



Huli na napansin kona matagal kona palang tinititigan ang larawan ng lalake, nag-iwas na ako ng tingin at bumaling sa gilid ko kung nasan ang bed side table at doon ay nilagay ang nasabing larawan.



Napahinga ako ng malalim at tinapos na ang ginagawa.



Bumaba na ako at nagtungo sa labas ng mansyon at pinagkatitigan ang labas....hindi ko alam pero bored na bored na ako at pakirandam ko may kulang simula pa noong nakaraang linggo.



Napakunot ako ng aking noo ng mapansin na bang may nakatingin saakin napalingon-lingon ako sa paligid pero wala naman kaya naman napakibit-balikat nalang ako dahil baka wala naman talaga at kung ano-ano lang ang napapansin ko.



Tumalikod na ako at naglakad na muli papasok sa loob upang puntahan sa kwarto niya si Dem at yayaing mag-mall dahil hindi kona kaya ang inip na nararamdaman.









^°^°^°^
:)

GIRL IN THE ROOFTOPStories to obsess over. Discover now