Chapter 9

265 17 1
                                    

Falls


" A-anak I'm sorry." Mahinang ani ni mommy habang masuyong hinahawakan ang aking mga kamay at malamlam ang mga mata na nakatingin saakin.




Nag-iwas ako ng tingin habang nanatili na tahimik sa apat na sulok nang aking kwarto.




Nang malaman niya kanina na nasabi na saakin ni manang ang nangyari sa anak nito na siyang kinilala ko na rin nakatatandang kapatid na babae. Kaagad siyang nagtungo dito at pilit na humihingi ng tawad saakin.




" Mamá."




Nalipat ang tingin ko sa kabubukas lang na pinto nang aking kwarto at mula doon ay bumungad si kuya Nuel na nakatingin kay mommy. Tumayo naman si mommy at pilit na ngiti bago nagtungo sa tapat ni kuya.




" Oh bakit anak? May emergency ka ba sa hospital?" Alalang tanong nito. Kaagarang umiling si kuya at napatingin saakin nag-iwas lang muli ako nang tingin.




" May pupuntahan lang po ako sa kalapit bayan natin. Babalik din naman po ako bago pa lumalim ang gabi." Aniya.




Pumayag naman si mommy at sinabimg mag-ingat ito ng makaalis na nga si kuya ay sumunod nadin si mommy.




Nang nakaramdam ng antok ay natulog narin ako.








NAKANGITI ang aking dalawang kasama habang nakatingin sa paligid ng talon ngunit nanatili ako na nakaupo sa isang bato habang nakayuko at abalang pinaglalaruan ang aking sunglass.




" Ay nako señorita ang sarap po ng tubig! Ang lamig lamig sa balat!"



" Señorita Erenella halika na po!"


Napaangat ang aking tingin at napunta ito sa mga babaeng nagkakasiyahan sa talon at naglalaro ng tubig. Yun ay walang iba kundi sina Kayla at Viana na silang isinama ko dahil na sa sobrang inip  sa mansion at isa pang dahilanan na wala naman ako masyadong kaibigan dito kaya sila ang naisipan kung akitin na samahan ako dito.




" Enjoy lang kayo, Mamaya nalang ako." Turan ko.




Lumipas ang ilang minuto na tahimik lang akong mag-isa na nakaupo sa bato ng bigla may kung anong tumama saakin.




" Ay shit!!!" Malakas na pagtili ko na naging dahilan para saakin mapunta ang atensyon ng mga taong naliligo sa talon.




Napansin ko na nataranta si na Kayla at kaagad na naglangoy para mapunta sa tabi. Napatingin ako sa parteng puson ko kung saan basang-basa nang tubig. Badtrip na pilit ko itong pinupunasan gamit ang aking mga palad.




" Nako señorita basa na po ang inyong dress." Nag-aalala ang boses na turan ni Kayla habang tinutulungan akong punasan ito gamit ang isang panyo.




" I'm so sorry, miss. I didn't accidentally fill you with alcohol that I was holding. I was also surprised when someone suddenly pushed me." Hinging paumanhin ng isang baritonong boses na siyang pamilyar saakin.




Napaangat ang aking tingin at doon ay nagtama ang aming mga mata. Bahagyang napaawang ang labi nito ng makilala ako. Napasimangot ako dahil dito ko pa talaga siya nakita matapos ang isang buwan at tatlong linggo simula nang makita ko siya.




" EV, where are you??!" Itinaas nito ang kaniyang braso nang may bahagyang tumuwag sakaniya. Patakbo na nagtungo ang isang lalake na may kulay berdeng buhok at singkit na mga mata habang makapal ang kilay nito, matangos din ang ilong nito na pinaresan ng kulay rosas na mga labi. Kaagad umakbay ang lalake sa Ev na tinatawag nito habang may malaking ngiti na dahilan para sumilay ang dalawang biloy sa magkabilang pisngi nito.




" Puro talaga kamalasan ang dala mo at pati ako dinadamay mo." Ismid na turan ko habang mataray na nakatingin sakanilang dalawa ng lalake na siyang kararating lang.




Suddenly, the man with green hair looked at me and immediately lost his smile. Pinaglipat-lipat nito ang tingin saakin at sa kaibigan.




" Woah. Isa ba siya sa mga naging ex girlfriend mo, Ev?" Manghang tanong ng lalake at tinignan ako mula ulo hanggang paa.




" Hindi. Ni hindi ko nga alam pangalan niyang maarteng babae na yan." Ngiwing sagot ng lalake sa tanong ng kaibigan. Rinig ko ang marahas na pagsinghap ng dalawang babae sa gilid ko at ang mahinang pagtawa ng lalakeng may berdeng buhok.




Napataas ang kilay ko sa irita dahil sa sinabi nito.




" Hoy wala kang kaparatan na pagsalitaan ang señorita nang ganyan." Sabat ni Kayla na halata ang pagkairita sa Ev na iyon. Nalipat ang atensyon ng dalawang lalake dito.




" Señorita?" Kumunot ang noo ng lalake habang nang-uuyam ang kaniyang boses na mahahalata mo ang pang-iinsulto bago nagbalik ng tingin saakin.




" Woah isa kaba sa mga anak mayaman dito? Anong surname ng parents mo?" Kuryusong tanong nang lalake may berdeng buhok ngunit nanatili lang akong tikom ang bibig. Ngunit mukhang naiiba si Kayla dahil mabilis na sumagot ito.




" Isa siyang Formentera at ang kanilang angkan ay nagmamay-ari ng iba't-ibang negosyo." Si Kayla.




Hindi naman nakaimik ang dalawa at parang nalunod sa malalim na pag-iisip dahil ang malukong mukha ng mga ito ay napalitan ng seryuso at matalim na ekspresyon ng mukha. Pansin ko ang pagkakakuyom ng palad ng lalakeng nagngangalang Ev.




" Ano ba't diko kayo makapagsalita? Ngayong nalaman niyo na sana lang matuto kayong rumespito tsk!" Kaagad siniko ni Viana si Kayla dahil sa pagiging madaldal nito.




" Tara na." Tanging na sabi ko nalang at nauna na at nilampasan ang dalawang lalake na ngayon ay seryusong nag-uusap. Napairap lang ako at sinuot ang salamin sa aking mata.








" NAKO señorita dito po kayo, hindi po masyadong malalim dito." Umiling ako at nanatili parin sa malalim na parte nang talon.




Nang pagod sa kakalangoy at naisipan ko nalang na mag floating kaya naman lantad na lantad ang suot kung kulay rosas na two piece swimsuit. Bilad na bilad ang aking katawan sa araw ngunit wala akong pakialam. Napapikit ako sa sarap ng pakirandam.




Hindi ko na alam kung anomg oras na dahil biglang tumahimik ang paligid at kanina pa ako nakababad.




Napataas ang kilay ko ng makarinig ng sipol. Abat! Hindi ko na sana ito papansin pang muli ng makarinig na naman ako nito napamulat ako at kaagad na nilubog sa tubig ang katawan nang mapansin na nakatingin na saakin ang mga kalalakihan at kababaihan.




Shit! Nakakahiya!




Kanina pa ba ako pinagtitinginan? Gosh nakakahiya naman! Pero bakit naman ako mahihiya eh sila itong nakatitig at hindi ako tsk! Tama. Tama.




Inikot ko ang aking paningin sa paligid at pilit hinahanap sina Kayla at Viana. Ngunit hindi ang mga inaasahan ko ang mahahagip ng mata ko kundi ang isang lalake na walang pang-itaas at tanging swim tunk lang ang suot. Tanglad na tanlad ang kaniyang magandang pangangatawan mula sa ma-muscle na mga braso at malapad na braso hanggang at sa mabato na tiyan nito na may 6 packs abs at hindi matatawarang V-line.




Shit! Ang hot!










^°^°^°^
:)

GIRL IN THE ROOFTOPWhere stories live. Discover now