" HEY!"
Kasunod nun ay ang mainit at mahigpit na yakap mula sa likuran ko, nangatal ang labi ko kasunod nun ay ang pag-agos ng mga luha ko ramdam ko ang mainit nitong hininga sa tainga ko.
" Hon, okay ka lang ba?" May pag-aalalang saad nito ngunit puno iyon ng pagsuyo.
" Mommy." Nagbaba ako ng tingin sa harapan ko kung saan nakatayo at nakatingala saakin si Dem, napahikbi ako kaya naman kaagad itong yumakap sa beywang ko.
Umiiyak na pinaharap ako ni Clover sakaniya at masuyong inalis ang mga luha ko at pagkatapos ay hinalikan ang tunggi ng aking ilong. " Shhh.....magiging okay karin, hanggat nandito ako walang kahit sino ang makakapanakit sayo." Buong pagsuyo na turan nito at niyakap ako ng mahigpit kaya naman sumubsob ako sa leeg nito at doon ay umiyak lalo.
Habang umiiyak ay tuloy lang ito sa paghaplos sa likuran ko habang yakap-yakap ako ganun din si Dem, pag mulat ko ng aking mga mata ay napatigil ako sa pag-iyak at bahagyang napaawang ang aking labi sa nakita.
Mula sa hindi kalayuan ay may lalakeng nakatayo at nakaharap dito sa kinatatayuan namin, nakatulala lang ito habang nakatitig saakin na nakakulong sa mga braso ni Clover pero hindi ko alam kung bakit biglang naninikip ang dibdib ko ng makita ko ang pagdaan ng sakit sa mga mata nito.
Nag-iwas ako ng tingin at sumubsob lalo kay Clover at mas lalong yumakap dito ayaw ko.......ayaw kung makitang muli ang mga matang iyon lalong-lalo na ang mga nagmamay-ari niyon.
KITANG-KITA ko ang pag-aalala kina mommy at kanina pa nila ako tinatanong kung ano ba ang nangyari saakin at bigla nalang akong nag-iiyak sa mall.
Napagat labi ako dahil ayaw kung sabihin sakanila ang nakita ko, kung maari lang ay mas gugustuhin ko nalang manahimik at hayaang matapos ang bakasyon namin ditong mag-ina at maghintay hanggang sa makabalik na ulit ng Paris dahil ayaw ko naman na madamay pa si Dem sa mga nangyayari.
Pero may isang tao akong pinagsabihan ng nakita kung iyon at iyon ay walang iba kundi ang kaibigan kung si Mikmik o Mikaela Zoe.
" Ano?! Gosh dapat siguro kaagad na kayong umalis diyan ng anak mo! Naku ako ang kinakabahan sa mga mangyayari kung hindi pa kayo babalik dito."
" Wife, what's going on and why are you shouting? Is there something wrong?"
Narinig ko mula sa kabilang linya ang boses ni Atticus, sinagot ito ng asawa at sinabi ang lahat-lahat ng sinasabi ko. Habang nagkukwento ito kay Atticus ay napailing-iling nalang ako pati tuloy si Atticus ay nag-aalala narin para saaming dalawa ni Dem at pilit na nila akong pinapauwi.
Napangiti ako dahil sobrang bait at maalalahanin ang dalawa lalo na kung tungkol kay Dem at saakin, sa Anim na taong nakalipas ay silang dalawa ang tumulong saakin at umalalay saakin hanggang sa dumating si Clover ay hindi nila ako iniwan.
Sobra akong masaya para kay Mikaela dahil kahit ayaw sakaniya ng mga half-siblings at step mother niya ay may isang tao naman nag-stay at nagmahal at pinahahalagahan siya at iyon nga ay si Atticus na nga ay asawa na niya, sobrang maalaga ang lalake at mapagmahal kaya naman ngayon ay nga ay naikasal na sila at kasalukuyan ng magkaka-anak.
" At isa pa si Clover! Siguro naman na aware kana mahal ka nung tao at para narin siyang ama ni Demetrius, kung hindi ko nga lang kilala ang tunay na ama nung bata masasabi kung para talaga silang mag-ama niyang inaanak ko."
YOU ARE READING
GIRL IN THE ROOFTOP
RomanceIsa siyang simpleng babae na walang ibang hinahangad kundi ang manatiling masaya ang kaniyang buong pamilya. Pero paano nga ba mangyayari ang simpleng hinahangad niya kung patalikod palang gumagawa ng masama ang kaniyang ama na siyang naging dahilan...
