Chapter 35

156 9 2
                                        

NAPAKAGAT labi ako habang napapatingin sa mga taong nakatitig sa aming tatlo nina Clover at Dem. Hawak-hawak ko sa aking kanang kamay si Dem na halatang natutuwa sa mga nakikita.




Napatiim ang mga labi ko ng mula sa aming katabi ay nakarinig ako ng mga bulong-bulongan tungkol saaming tatlo.




" Hindi ba si Clover yan? Sa pagkakaalam ko wala namang nabanggit si Klay na may sariling pamilya na pala ang panganay niya."




" Oo nga e nakakapagtaka lang dahil wala namang nabanggit si kumpare na may nobya nayan, asawa't anak pa kaya? Napaka-imposible."




" At isa pa kung titigan ay hindi naman kahawig ni Clover yung bata."




" Ay oo nga no, baka naman nabuntis ng iba at dahil siguro ayaw malagay sa alanganin at kahihiyan ay si Clover ang gustong sumalo sa bata."




" Baka nga, sis."




Nakaramdam nalang ako ng pag-iinit ng aking mata dahil sa mga narinig.
" Huwag mo nalang sila pag bigyan pansin, Hon. Basta ang mahalaga ay alam mo yung totoo, alam mo na mahal ko kayo."




" .....Na mahal kita." Nakangiting turan niya,napalunok ako dahil sa huling sinabi niya ngunit ganun nalang ang pag-singhap ko ng bigla ako nitong hinila upang mapalapit sakaniya at doon ay hinalikan niya ako sa tunggi ng aking ilong.




Napamaang ako. " C-clover."




Nag-iwas ito ng tingin at hinila na ako palayo sa dalawang ginang na natulala matapos masaksihan ang ginawa ng lalake. Nagtatakang napasunod ako ng tingin sakaniya habang hila-hila niya ako sa kung saan nang bigla siyang tumigil sa paglalakad at huminto sa tapat ng isang mesa kung saan may apat na katao.




" Mom."



Mula sa pagiging abala sa pakikipag-usap sa katabi ay nag-angat ng tingin ang isang magandang babae na sa tingin ko ay nasa mga forties na Ang edad. Kita ko ang gulat sa mga mata nito ng mapatingin kay Clover.




Napatayo narin ang mga kasama sa lamesa ng ginang at gulat na napatingin hindi lang kay Clover kundi sa anak kung na sa mga braso nito at nakangiting nakayakap ang mga braso sa leeg ng lalake.




Ang unang nakabawi sa pagkagulat ay ang isang mistisa at singkit na babae at nakangiting nitong hinarap si Clover " Kuya!"










" IBIG SABIHIN FIANCEE KA NG KAPATID KO?"




Hindi ko alam kung sasagutin koba siya sa tanong niyang iyon saakin pero dahil sa maganda ang pakikitungo nito saakin at ng mga kapatid niya na nag-aabang din sa sagot ko ay kagat labing tumango ako at pasimpleng tumingin kay Clover na abala sa pakikipag-usap sa mommy niya.




Napangiwi ako ng makitang tuwang-tuwa si Demetrius na nakaupo sa kandungan ng ginang.




" So kelan kasal niyo?" Muli akong napabaling sa kaharap ko na nakapangulambaba habang nakabaling ang mukha saakin.




" Ahm ano, hindi kopa alam." Kiming sagot ko. " Siguro pag-uusapan pa namin ni Clover."




Napatango-tango ito ganun nadin ang dalawa pang nakababatang kapatid na babae ni Clover na nasa katabi lang din ng kausap ko at mataman na nakikinig sa usapan namin. " Okay."










NAPAPAHABOL tingin nalang ako sa tatlong babae na aliw na aliw na makipag-usap sa limang taong gulang kong anak, at dahil may pagka-madaldal si Dem ay talaga namang aliw na aliw ang mga kapatid ni Clover kung minsan sa sobrang tuwa ay napanggigilan na ito kaya naman napapagalitan na ni Clover ang mga kapatid kaya naman napapanguso ang mga ito.




Nalaman korin mula kay tita Kimberly na triplets pala ang mga nakababatang kapatid na babae ni Clover at siya lang ang tanging lalake at panganay pa kaya naman siya talaga ang inaasahan ng kaniyang daddy na umasikaso sa business nila.




Mula sa pakikipag-kwentuhan kay tita Kimberly ay napaangat ako ng tingin sa lalakeng nasa tapat ko ngayon na nakalahad ang kamay sa harapan ko, napalunok ako at nagtatakang tiningala siya. Ngumiti ito na nagbigay ng init saaking puso.




Walang pag-aalinlingang na tinanggap ko ang nakalahad niyang kamay kaya naman napangiti siya at inalalayan akong tumayo sa kinauupuan ko at hinila ako sa kung saan.




" T-teka saan ba tayo pupunta?"




Mas lalo akong nagtaka ng takpan nito ang aking mga mata.




Matagal kaming naglakad hanggang sa mapapikit nalang ako dahil sa pagkasilaw ng alisin niya ang kaniyang mga kamay na tumatakip saaking mga mata kanina.




Nang muli akong magmulat ay napaawang ang aking mga labi dahil sa nakikita ko sa ngayon lang saaking harapan, isa itong restaurant ngunit sa rooftop at marami ditong mga bisita na pumipirmi karamihan sakanila ay mga couple's.




Maganda ang view mula rito lalo pa at nagkukulay rosas ang kalangitan na mas bumagay sa lugar at mas nagbigay kagandahan lalo na para sa mga couple's.




At masasabi ko ding mas naging romantic dito sa rooftop, hindi pa natatapos ang aking pagkamangha ng biglang hawakan ni Clover ang pulso ko at hinila na naman ako sa kung saan at halos panawan ako ng ulirat ng mas may igaganda pa pala dito.




Kumpara doon sa nauna ay masasabi kung mas maganda at romantic dito lalo pa at madalang lang ang tao dito pero kitang-kita mo ang lahat mula dito sa rooftop.




" Ang ganda." Hindi naiwasan na bigkas ko habang awang ang labi na inililibot ang paningin sa baba nitong rooftop ngunit muli akong napalingon kay Clover na tumikhim.




Ang mga magagandang uri ng abuhing mga mata nito ay nakatutok lang saakin at para bang kanina pa pinapanood ang mga ikinikilos ko.






" Gusto ko lang sabihin na.......MAHAL KITA, at handa akong gawin ang lahat para lang maging karapat-dapat sayo at para din mahalin mo ako." Kitang-kita ko kung paano siya napalunok at pilit tinatakpan ang tensyon sa pamamagitan ng isang matamis na ngiti.




" Mahal kita at ang pagmamahal ko sayo ay walang kahit sino ang makapapantay nun, at sa pagmamahal ko sayo ay minahal ko narin si Demetrius bilang anak ko at kung sakaling magbalik man muli o magtagpo ang landas nila ng kaniyang tunay na ama niya ay handa akong gawin ang lahat para lang hindi siya tuluyan mapunta sa lalakeng iyon."




" Po-protektahan ko kayo at gagawin ko ang lahat para mabigyan kayo ni Dem ng isang buo at masayang pamilya."




" Kaya naman gusto kong sabihin sayo ito..... pwede naba nating itigil ang pagpapanggap at totohanin nalang kung maari ang lahat, kung hindi mopa man ako kayang mahalin ako ngayon ay sisiguraduhin ko naman na sa susunod ay kaya mo nang tapatan ang pagmamahal ko sayo. Kaya naman dito sa rooftop na ito ay saksi ang papalubog na araw sa mga nagaganap ngayon at simula sa araw na ito ay sisiguraduhin kona ang mga pagpapanggap lang ay mauuwi sa totohanan, kaya naman......"




" Will you marry me, Erenella Faith Formentera?"











^°^°^°^
:)

GIRL IN THE ROOFTOPStories to obsess over. Discover now