Call
Napamulat ako ng aking mga mata habang pupungas-pungas dahil sa sinag ng sikat ng araw na tumatama saaking mukha. Bahagyan akong gumilid upang kuhanin ang cellphone ko na nasa bedside table para tignan kung anong oras na nga ba.
' 9:45am'
Napakunot ang noo ko. Ganun ba ako kapagod at tinanghali na ako nang gising? At isa pa wala manlang nag-abalang kumatok sa pinto ng aking kwarto para pababain na ako.
Kunot ang noong bumaba ako ng kama ko at sinuot ang aking bunny slippers at humarap sa whole body mirror na nasa loob ng aking silid.
Inayos ko ang aking buhok bago pumasok ng banyo upang maligo.
NANG matapos maligo ay blinower ko muna ang aking itim na itim at tuwid na mahaba kong buhok. Pinuyog ko ito ng pa-messy bun.
Napangiti ako ng malaki ng maabutan ko ang tatlong kong mga kuya na abala sa panunod ng tv sa sala.
" Good morning mga Kuya's." Masigla Kong bati sa mga ito at pinaghahalikan sa pisngi. Napaangat ang tingin ko sa tv at doon nakita ko ang pinapanood nila sa netflix.
( Blood Red Sky )
It is the story of a woman with a mysterious illness who is forced to act when a group of terrorists try to hijack a transatlantic overnight flight.
Nakinood narin ako habang kumakain ng hawak na chips ni kuya stephan na sinamangutan lang ako at bahagyang iniwas ito saakin. Napatawa ako doon pero inabot ko ito at tuluyan ng kinuha sakanya.
Tahimik at tutok na tutok lang kaming apat sa panonood.
Nabulabog lang ang aming panonood nang may nag-ring na cellphone. Kanya-kanyang check naman silang tatlo ng cellphone nila pero ako ay nagpatuloy nalang ulit sa panonood dahil iba naman ang ring tone ko doon kaya alam kung hindi iyon saakin.
Nang masagot ni Kuya Nuel ang tawag ay nagpaalam siya sa amin na sasagutin niya lang ang tawag at tuluyan ng lumabas. Nakataas ang kilay na nilingon ko ang katabi kong si kuya stephan ng kinulbit ako nito.
Nagtatanong ang tingin na nginusoan ko ito. " Bakit?" Mahinang tanong ko.
" May balak ka bang gawin mamaya?" Tanong niya. Kinunutan ko ito ng noo at umiling kaya naman napangiti ito.
" May magaganap mamayang party sa bahay nang ka-batch mate ko at inimbitahan niya ako."
" Eh ano naman connect nun saakin hmmm..?" Takhang tanong ko. Ngumuso ito at pabirong umirap pero kaagad din ngumiti ng malaki.
" Isasama kita para naman kahit gabihin ako ay hindi ako papagalitan nina mamá at papá dahil kasama kita." Ngising saad niya habang taas-baba ang kilay.
" Ayuko nga. At isa pa baka ma-OP lang ako dun no." Masungit na ani ko. " Hindi ko pa naman kilala ang mga iyon at baka bigla din akong tawagan ni mikmik mamaya."
Napanguso ito sa sinabi pero hindi na nagsalita pa at tinuon nalang ang atensyon sa tv.
NANG gumabi na ay lahat kami ay nasa dining table na katabi ko si Mommy habang katapat ko naman ang mga nakakatanda kong mga kapatid. Napansin ko ang katahimikan sa hapag kainan lalong-lalo na ang kaseryuhan ni daddy.
Nagtatanong na tumingin ako kay mommy ngunit tanging iling at tipid na ngiti lang ang isinagot nito saakin.
" Dad/ Papá?" Nagkatinginan kami ni kuya stephan ng sabay naming tinawag si daddy.
Nalipat ang tingin ni daddy saamin ni kuya Stephan.
"What is it, Stephan and Erenella?" Seryuso ang mukhang tanong ni dad. Kaagad akong umiling kaya naman napatingin ito kay kuya Stephan.
" Papá pwede po ba akong lumabas mamaya kasama mga ka-batch mate ko?" Ngiwing lintanya ni kuya. Napakunot noo si daddy dahil doon.
" At ano naman ang gagawin niyo?" Makahulugan ang titig na ipinupukol ni daddy dito. Napakagat labi si kuya.
" May pa-party po kasi itong si Cristian dahil isa siya sa mga nakapasa sa bar exam." Nanatiling tahimik si dad ng ilang minuto.
" Sige." Tanging na sabi nito dahilan para mapangiti si kuya stephan ng malaki.
Nang mawala ang tensyon sa hapag kainan ay nagsimula na ang kwentuhan at tawanan habang kumakain.
Samantala ako naman ay ngiting-ngiti lang at kung minsan ay tinatanong din nila ako at magalang ko naman itong sinasagot. Ngunit kapansin-pansin ang hindi pakikipag-sabayan ni kuya Nuel ang panganay kong kapatid.
Tahimik ko lang itong pinapanood at kung minsan ay nahuhuli ko itong natutulala sa plato nitong kaunti palang ang bawas. Kunot ang noo nito habang mahigpit ang hawak sa mga kurbetos.
Bigla kong naalala iyong naging pag-uusap nila ng babaeng nililigawan niya sa garden at hindi ko maiwasan ang hindi mag-alala para sakaniya.
Nag-iwas na ako ng tingin ng bigla itong mag-angat ng tingin sa pwesto ko. Siguro naramdaman niyang may nakatingin sakaniya.
MATAPOS ang aming hapunan ay nagkanya-kanya kami ng akyat sa aming kwarto maliban lang kay Kuya Stephan na umalis na din pagkatapos nitong kumain.
Sinarado ko na ang pinto at naglakad palapit sa book shelf dito sa loob ng aking kwarto. Doon ay nagtingin-tingin ako ng maari kong basahin at ng makakita ay nagtungo na ako saaking kama.
Hinawakan ko ng dahan-dahan ang book cover nito kung saan nakasulat ang mismong title.
Kissing The Dust ( Costa Leona Series #11)
Sinimula ko ng basahin ito at katulad dati ay natutuwa ako dahil sobra ang ganda ng kwento nito.
Nang palalim na ang gabi ay tumigil na muna ako sa pagbabasa ako inabot ang pitsel at baso sa bedside table ko upang uminom at pinatong kona rin ang libro doon.
Bigla namang nag ring ang phone ko kaya naman kinuha ko ito at napangiti ng makilala ang pamilyar na numero.
" How's your day, Mikmik?"
" Just like before. I was tired when I got home from my condominium. I had just come from a photo shoot." Napawi ang ngiti ko ng marinig ang pagod niyang boses." Dapat kasi magpahinga karin o mag bakasyon ka manlang kahit ilang araw o linggo. Wag mo masyadong pagurin ang katawan mo." Nag-aalalang pagpapaalala ko sakaniya. Napatawa ito sa sinabi ko pero kaagad ding tumahimik ang kabilang linya tanging ang malalim na paghinga ang maririnig dito.
"" Hindi na ako sinusuportahan ni dad dahil sa mga paninira na siyang ginagawa sa akin ng mga anak ni daddy sa pangalawa niyang asawa na naging dahilan para tuluyan nang putulin niya ang aming komunikasyon, at isa baka dahil sa paggagawa nang kwento ng asawa ni dad baka tuluyan na talaga akong mapalayas sa bahay ni daddy." Mahina ang boses na saad niya. Nakagat labi ako dahil doon.A/N: I'm sorry for the wrong grammar and my poor use of words like "ng" or "nang."
^°^°^°^
:)
YOU ARE READING
GIRL IN THE ROOFTOP
RomansIsa siyang simpleng babae na walang ibang hinahangad kundi ang manatiling masaya ang kaniyang buong pamilya. Pero paano nga ba mangyayari ang simpleng hinahangad niya kung patalikod palang gumagawa ng masama ang kaniyang ama na siyang naging dahilan...