Katotohanan
Nakaramdam ako ng panghihina habang nakatitig kay Yendriaana.
" Hey don't worry, itatawag Kita ng taxi." Aniya pa na seryuso na ang mukha.
" Ah naku huwag na baka kase bumalik si Alhex dito para sunduin ako at maabutan niyang wala na ako rito." Alanganing saad ko pero kumunot lang ang makinis na noo nito at hindi nagpa-awat at tinawag talaga ako ng taxi.
" Take care!" Aniya ng makasakay na ako, tipid lang akong ngumiti rito hanggang sa umaandar na ang taxi.
Napapikit ako at napahilot nalang saaking sintido. " Ah manong sa Formentera Villa po tayo." Mahinang turan ko at nanatiling nakapikit parin ang mga mata at naka-sandal sa upuan.
Hindi naman ito sumagot kaya napakibit-balikat nalang ako.
NAGISING ako ng makaramdam ng pagkahilo nag-mulat ako bago umangat sa pagkakasandal at tumingin sa labas ng sasakyan. " Manong, malapit napo ba tayo?" Tanong ko at nagsalubong ang kilay ko ng mapansing hindi na pamilyar saakin ang dinadaan ng sasakyan.
Sa pagkakatanda ko ay bahayan at purong de-semento ang nadadaanan namin ni Alhex kanina habang patungo sa mansyon ng mga Rocas at hindi masukal at batuhan.
Nakaramdam ako ng kaba kaya naman napalingon ako sa driver seat pero ganun nalang ang panginginig ng labi ko ng makitang nakangisi saakin ang driver. " M-manong?"
Tarantang pilit kung binubuksan ang pinto pero hindi ko ito mabuksan. Muli akong tumingin kay manong ng tumigil ang sasakyan at yun ay sa masukal na parte.
May kung anong pinindot ang lalake kaya naman nabuksan ko ang pinto dali-dali akong lumabas pero ganun nalang ang kaba ko ng nakangising bumaba din ang driver. " Pasensya na miss, pero utos lang ito saakin at kapalit nun ay ang malaking halaga ng pera."
" P-parang awa niyo napo, wala naman po akong atraso sa inyo." Saad ko habang nanginginig ang labi kasabay ng pangingilid ng aking mga luha.
" Oo, saakin wala kang atraso pero sa boss ko? Meron at malaki iyon......" Seryusong turan nito.
" Lalong-lalo na ang iyong ama. Malaki ang atraso niya sa boss ko at dahil matinik ang ama mo at ayaw pahuli ng buhay ay naisipan nalang ng boss kung bakit hindi na nga lang ba sa pinakamamahal nitong anak siya gumanti? Mas magandang idea iyon at tiyak na mas malaki ang maidudulot nung sakit sa ama mo." Nakangisi itong humakbang kaya naman napaatras ako.
" A-anong ibig mong sabihin?"
" Ang ibig ko lang namang ibig sabihin ay matapos ang gabing ito ay sa magaling at traydor mong ama ikaw magalit." Nagsalubong ang kilay ko.
" Ano bang pinagsasabi mo?! Hindi kita maintindahan!" Nagpupuyos sa galit na sigaw ko rito.
" Mukhang inosente kanga talaga, kaawa-awa ka naman dahil nasangkot ka sa gulong dala ng ama mo." Aniya. " Hayaan mong i-kwento ko sayo ang lahat pero syempre bago iyon ay may tanong muna ako sayo."
" Ano ba ang tingin mo kay Gov?"
Napapalunok na sumagot ako rito. " Mabait, mapagmahal at higit sa lahat ay matulungin ang aking ama." Sagot kona nakapag-patawa rito.
" Anong sabi mo? Mabait, mapagmahal at matulungin ang iyong ama? Hindi na ako nagtataka kung bakit wala ka nga talagang kaideya-ideya sa mga maruruming gawain ng ama mo......magaling naman kaseng magpanggap si Gov na sa sobrang galing magpanggap ay pati sariling kaibigan ay nahulog sa bitag niya."
YOU ARE READING
GIRL IN THE ROOFTOP
RomanceIsa siyang simpleng babae na walang ibang hinahangad kundi ang manatiling masaya ang kaniyang buong pamilya. Pero paano nga ba mangyayari ang simpleng hinahangad niya kung patalikod palang gumagawa ng masama ang kaniyang ama na siyang naging dahilan...
