Chapter 33

163 9 0
                                        

MASAYA ako dahil sa nakikitang kaligayahan sa mga Mukha nila mommy at ng mga kapatid ko habang nakatingin kay Dem at Clover na masayang naghahabulan sa yard.




Pawisan na lumapit saakin ang dalawa kaya naman kaagad akong nanghingi ng face towel sa katulong na kaagad naman inabot saakin, yumuko ako bahagya upang magpantay kami ni Dem at masuyong pinunasan ko ang noo, leeg  at pagkatapos ay ang likuran naman niya.




Nang matapos ako ay nagulat pa ako ng halikan ni Dem ang pisngi ko habang malaki ang ngiti. " Thank you and I love you, mommy."




Napangiti ako at umayos na ng tayo bago harapin si Clover na nakatitig saakin, hinihingal pa ito at pawisan pero kahit ganun ay hindi nabawasan ang ka-gwapuhan ng lalake. Napakurap-kurap ako habang tinitignan ang lalake nagtatakang tinitigan ko napagkagat labi ito at nagbaba ng tingin na para bang nahihiya.




" Ano bayan sis, slow mo naman." Singit ni kuya Nuel napahagikhik naman ang asawa nito na katabi lang.




Mas lalo akong naguluhan, muli akong napababa ang tingin ng may humila sa laylayan ng suot floral dress. " Mommy baka gusto din po ni daddy na alisan niyo din po siya ng pawis katulad ng ginawa niyo po saakin."




Napatiim ang labi ko sa tinurang iyon ni Dem.




Namilog at mga magagandang uri ng mga mata ni Clover at bahagyang napaawang ang kaniyang labi dahil sa ginawa ko ngunit ngumiti lang ako rito, rinig ko naman ang tuksuhan nina mommy at ng mga kapatid ko saaming dalawa at ang makulit kung anak ay kahit walang kaalam-alam sa nangyayari ay nakisabay narin sa ginagawang panunukso saamin ng kaniyang mommyla at mga tito.




" Pawis na pawis ka." Nag-aalalang turan ko habang marahan kung idinadampi ang hawak-hawak kung malinis na towel sa kaniyang mukha pababa sa panga hanggang sakaniyang leeg at matipunong dibdib.




Habang ginagawa ko iyon ay titig na titig lang siya saakin kaya naman ng mag-angat ako ng tingin ay napatitig ako sa kaniyang mga mata na pilit niyang itinatago sa karamihan dahil sa kulay nito. Grey eye's




Sa tuwing napapatitig ako rito ay para ako nitong hinihigop dahil sa kagandahang tinataglay nito, napalunok ako.




Noong unang pagkikita namin sa rooftop ay naka-contact lens pa siya noon dahil ayaw niyang ipakita sa mga tao ang totoong kulay ng mga mata, nagtataka nga ako dahil bakit kailangan niya pang itago sobrang ganda kaya ng mga ito hindi ito pang karaniwan.




Pero hindi na niya sinabi saakin anh dahilan pero simula ng magtungo siya rito sa Paris ay doon na siya nagsimulang magpakatotoo sa sarili niya.




Nagulat talaga ako dahil noong una ay hindi ko siya nakilala dahil sa mga mata niya mabuti nalang at kaagad niyang sinabi siya iyon.




" Ahh....s-salamat."




Muli akong napakurap-kurap kaagad akong napalayo sakaniya ng mapansin kung masyado na pala akong malapit sakaniya.










NAPALIBOT ang aking tingin habang hawak-hawak sa kanang kamay si Dem habang sa kabila naman ay si Clover ay may hawak dito, marami ang napapalingon-lingon saamin habang papasok kami ng mall.




Bigla nalang kaseng nag-akit si Clover na maggala kaya naman kaagad na kinulit ako ng anak ko na pumayag ako at wala na akong nagawa kundi ang sumang-ayon.




Tumigil kami sa tapat ng tindahan ng mga laruan na panlalaki, hinila kami doon ni Dem napabuntong hininga nalang ako habang si Clover naman ay tatawa-tawa lang at tinutulungan na mag-tulak ng cart si Dem at doon ay pinuno nila ito ng mga laruan habang ako ay nakasunod lang sakaniya.




Hindi na ako naka-apila pa ng siya na ang mag-bayad ng mga laruan, nagtatalon naman sa tuwa ang makulit na bata at nag-akit ulit kung saan-saan.




Nang mapagod sa pagpapaikot-ikot ay nagreklamo ang bata na nagugutom na siya kaya naman nag-tungo kami sa Mang-Inasal at doon ay kumain.




" Clover, mag-rest room lang ako." Paalam ko sakaniya at tumalikod na.




Kaagad akong pumasok ng matunton kona ang restroom at doon ay nagbawas.




" Hello, babe?"




Habang nagbabawas ay nakarinig ako ng boses sa labas.




"I'll be there in just a minute. Actually, I'm here in the restroom."




Sunod ko nalang narinig ay ang pag bukas-sara ng pinto, kaagad akong nag-ayos at lumabas nadin at hinanap sina Clover pero nagtaka ako dahil wala na sila sa lugar na pinag-iwan ko sakanilang dalawa ni Dem.




Astang aalis na ako ng may mahagip ang mga mata ko sa hindi kalayuan at halos kapusin ako ng hininga at para ang nabato sa kinatatayuan ko sa nakita.




Nakita ko siyang nakaupo sa isang kainan at mukhang hinihintay at doon ay napagkatitigan ko siya napalunok ako ng makita anv malaking ipinagbago niya.




Marami na ang nagbago sakaniya at mukhang mas naging matured siya, mula sa purmahan nito ay talagang nagbago na siya sa mga nakalipas na taon. Nagsusumigaw ang kaniyang ka-gwapuhan at karisma na lahat ng tao sa loob ng resto ay napapalingon sa kinauupuan niya.




Mula sa pagkakatungo ay nag-angat ito ng tingin sa babaeng umupo sa tapat nito, natulala ako ng mamukhaan ang babae hindi ako maaring magkamali tandang-tanda kopa ang kabuoan ng mukha niya at iyon ay walang iba kundi si......




Yendriaana Maire Rocas



Kitang-kita ko kung paano ngumiti ng malaki ang babae habang naka-sandal sa kinauupuan nito at nakatitig sa lalakeng kaharap na seryuso lang ang mukha.




Anong meron? Bakit sila magkasama?




Nagsalubong ang kilay ko ng makita ko kung paano tumawa ang babae at pagkatapos ay ngumisi ito sa kaharap na madilim ang mukha at kakikitaan ng galit.




Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng sa hindi sinasadyang pagkakataon ay biglang napatingin sa gawi ko ang lalake, Kita ko ang gulat dito at bahagyang napaawang ang mga labi nito habang nakatitig saakin.




Napalunok ako dahil sa kaba at takot na nararamdaman ko ngayon lalo na at nakita niya ako astang lilingon si Yendriaana sa direksyon ko ay tumalikod na ako at mabilis na umalis doon.




Nanginginig at nanghihina ang mga binti na pilit hinahanap ko sina Clover nang biglang:




" Hey!"










^°^°^°^
:)

GIRL IN THE ROOFTOPStories to obsess over. Discover now