Miss
Napatawa ako ng mahina habang naglalakad palapit sa table na kinauupuan niya nang maabutan ko siyang nakasimangot habang nakaupo at halatang kanina pa naghihintay saakin dito sa restaurant.
" Huli kana sa usapan natin, love." Aniya na hindi parin mawala ang pagkakasimangot habang pinapanood ang bawat kilos ko.
Love? Nasanay na ako sa ginagawa niyang pagtawag saakin nito hindi naman nakakailang ang totoo nga niyan nakakaramdam ako ng kung ano sa tuwing tatawagin niya akong love.
" Sorry...traffic kase."
Tumango lang ito kaya naman napanguso ako pero hindi na nagsalita pa lalo na ng tumawag siya ng waiter at nagsimula ng umorder, ganun din ako hanggang sa umalis na ang waiter ay tahimik lang si Alhex at walang kibo.
" Huy, tampo ka?" Ngunit hindi manlang ito sumulyap saakin at sa labas lang ng resto ang kaniyang paningin, nasa pinaka-dulo kase kami at sa gilid namin ay kitang-kita namin ang mga tao at sasakyang mga dumadaan sa tapat ng restaurant.
Glass wall kase itong restaurant kaya naman kitang-kita namin ang view sa labas na mas gumanda pa ngayong gabi dahil sa iba't-ibang kulay ng ilaw na nanggagaling sa mga sasakyan at gusali.
Okay, bahala ka diyan.
Hindi kona ito kinulit pa at kinuha nalang sa bag ko ang iphone ko at naisipang i-chat si Juries pero hindi kopa naise-send ay may umagaw na kaagad ng cellphone ko, nag-angat ako ng tingin sa katapat kona matalim ang tingin saakin bumaba ang tingin ko sa kamay nito kung nasan ang cellphone ko bago muling ibalik ang tingin sa mukha niyang parang pinagsakluban ng langit at lupa.
" Oh?" Taas kilay na baling ko sakaniya na mas lalong nagpatiim sa labi nito at titig na titig saakin.
" Ganyan kaba talaga...?" Nagsalubong ang kilay ko sa tinuran nito ngunit seryuso lang ang mukha niya habang titig na titig saakin.
" ....Kahit alam mong nagtatampo na ako pero parang wala ka paring pakialam at baliwala lang sayo, gusto ko lang naman na makanaras na suyuin mo ako." Aniya na nagpanganga saakin, magsasalita na sana ako ang kaso ay dumating na ang order namin.
Habang kumakain ay tahimik lang siya habang ako naman ay panay ang sulyap sakaniya hanggang sa matapos na kami at papalabas na kami ng nasabing resto ay tahimik lang siya at walang kibo.
Napabuntong hininga ako. " Hey i'm sorry." Turan ko at hinila ito sa pamamagitan sa paghawak ko sa laylayan ng suot niyang long sleeve shirt.
Nagbaba ito ng tingin saakin, hamak na mas matangkad kase siya saakin at hanggang balikat niya lang ako.
Napabuntong hininga ito at nag-angat ng braso at doon ay tinignan ang oras sa suot niyang Rolex. " Ihahatid na kita sa inyo."
" P-pero magd-date pa tayo, diba?" Kunot-noong tinignan ko siya ngunit hindi manlang ako nito tinapunan ng tingin at diretso lang ang tingin sa harapan niya hanggang sa dumating na ang kotse niya.
Mula doon ay bumaba ang isang lalake at lumapit saamin ni Alhex.
" Ito napo sir." Turan nito at iniabot kay Alhex ang susi ng kotse na kaagad naman nitong kinuha, ngumiti ang lalake saakin at nagpaalam na bago kami iwang dalawa ni Alhex.
Bagsak ang balikat na muli kong nilingon ang lalake na ngayon ay kasalukuyan ng naglalakad palapit sa kotse at ng tuluyang makalapit ay binuksan niya ang pinto ng sa driver seat at walang lingon-lingong na pumasok sa loob.
Napatiim ang aking labi at matamlay na naglakad patungo sa passenger side at binuksan ang pinto nito nago pumasok doon ng maitakid kona ang seatbelt ay kaagad niya ng pinaadar ang kotse.
Habang nasa byahe ay tahimik lang kaming dalawa at tangin maririnig lang ay ang ginagawa kung pagtuktok ng aking kuko sa salamin na nasa gilid ko at abala ang mga mata sa pagtingin sa kagandahan sa labas ng bintana nitong kotse.
Wala akong imik buong byahe hanggang sa maramdaman ko nalang na tumigil na sa pag-andar ang sasakyan, nagtatakang lumingon ako sa katabi kona tahimik lang at sinalubong ang nagtataka kung mga mata ng seryuso ngunit matamlay niyang titig.
" B-bakit tayo tumigil?" Tanong ko sakaniya.
" Pasensya na dahil masyado akong naging overreacting kaya nauuwi tuloy tayo sa pag-aaway." Naapawang ang aking labi sa sensero niyang pananalita habang hindi umiiwas ng tingin saakin.
" Napag-isip kolang na pag merong hindi pagkaka-intindihan sa pagitan nating dalawa ay hindi na natin ito dapat pang hayaang abutin ng kinabukasan, dahil nakakasama iyon lalo na ngayon malapit na ang kasal." Utas niya at nanlaki ang mga mata ko ng mula sa kandungan ko ay kunin niya roon ang kaliwang kamay ko at dinala niya ito sa labi niya bago pinatakan ng halik habang nasa mga mata ko ang kaniyang paningin.
Maya-maya lang ay napangiti narin ako.
Lumabas siya ng sasakyan habol tingin ko lang siya hanggang sa umikot ito patungo sa gilid ko at pinagbuksan ako ng pinto.
Nag-ikot lang kami sa mall at sinulit ang mga sandali na magkasama kami.
NANG tumigil at tumapat ang kotse niya sa bahay ay bumaba na ako at hindi na siya hinayaan na pag buksan pa ako ng pinto, nakangiti ko siyang tinitignan ng makalabas na siya mula sa driver seat.
" Nag-enjoy kaba?"
" Of course!" Sagot ko with full of energy, kaya naman napatawa siya.
" Mukha nga." Aniya at bahagyang ginulo ang buhok ko pero maya-maya lang bigla siyang natigilan na para bang may bigla siyang naalala.
" Hey what's wrong?"
" Just wait for me here, and I'll get something special for you."
" A-ah sure." Nasabi ko nalang habang nagtataka sa mga ikinikilos niya, ngumiti naman siya at lumisan na sa harapan ko at nagtungo sa likuran ng kotse niya.
Maya-maya lang ay nagbalik siya at kumunot ang noo ko ng mapansin na may itinatago siya sa likuran niya.
" Ano yan?"
" Hmm?" Nakangiting nakatitig siya sa mukha ko at tuluyan ng nilabas ang kung anong itinatago niya sa likuran niya at ngiting-ngiting hinarap iyon saakin.
Namangha ako at napangiti rin kalaunan. " Nag-abala kapa talaga pero thank you." Nakangiting turan ko at inabot ang hawak niyang isang kumpol ng mga red roses at teddy bear.
"My love, you are always welcome." Aniya at nanlaki ang mga mata ko ng naglahad siya ng mga chocolate sa harapan ko.
" Favorite mo talaga ang chocolate's, no?" Tatawa-tawa at iiling-iling na saad kopa na ikinatawa nalang din niya.
" Sige na pasok nako." Paalam ko sakaniya.
Tumango naman ito kaya naman tumalikod na ako at nagsimula ng humakbang pero kaagad ding natigil ng tawagin niya ako.
" Faith!" Tawag niya na nagpalingong muli saakin sakaniya.
" Bakit?"
" Ahm....nothing." Nakangiti ngunit alanganing iyon, tumango naman ako at handa na sanang tumalikod ng tawagin na naman niya ako.
" LOVE!"
" Bakit na naman ba?" Simangot na nilingon ko siya humakbang siya palapit saakin at ng makalapit ay walang pag-aalinlingang hinapit niya ako at niyakap ng mahigpit.
Nung una ay nagulat pa ako pero napangiti nalang ako at ginantihan iyon.
" Mami-miss kita." Utas nito.
^°^°^°^
:)
YOU ARE READING
GIRL IN THE ROOFTOP
RomanceIsa siyang simpleng babae na walang ibang hinahangad kundi ang manatiling masaya ang kaniyang buong pamilya. Pero paano nga ba mangyayari ang simpleng hinahangad niya kung patalikod palang gumagawa ng masama ang kaniyang ama na siyang naging dahilan...
