Chapter 24

165 9 0
                                    

Fiancee

Nakatulala lang ito saakin bago napakurap-kurap, ngumiti naman ako dito at kumaway.




" Nagkita ulit tayo ah." Ngiting turan ko ngunit napawi iyon ng hindi ito ngumiti pabalik bagkus ay nag-iwas ito ng tingin bago tinuon ang atensyon sa mesa at nagpatuloy sa ginagawang pag-aayos ng mga dala nila doon.




" Uyy Clover! Nagkita na pala kayo? At saan naman kayo unang nagkakilala? chismis naman diyan." Nakangising saad nung lalake ngunit sinamaan lang siya ng tingin ni Clover kaya naman napatawa ito.




Lumapit na ako sakanila at nagtungo sa katabi ni Alhex na tahimik lang at para bang may malalim na iniisip kaya naman tinapik ko ito sa balikat, napatingin ito saakin at nagtatanong ang mga mata niya kaya naman ngumiti ako. " You okay?" Tanong ko sakaniya nakangiting tumango naman siya at pinagapang ang kamay sa baywang ko at hinapit ako palapit sakaniya.




Napakunot ang noo ko dahil para bang gusto niya akong ilayo o iiwas sa kung sino ngunit kaagad ko iyong inalis sa isip dahil masyado na akong nago-overthink.




Nang matapos yung dalawa sa pag-aayos ng mes ay kaagad nilang kinuha yung mga nakatabing bangko sa gilid, yung unang nakuha nila ay saakin pinaupuan ni Alhex.




Nagpasalamat ako at naupo ng maayos. " Ano plano mo Evan? Magpapagabi kaba rito katulad ng dati?" Tanong ni Klev, tinanong ko kase name niya kay Alhex at yun ang sabi niya.




" Ahm depende e." Sagot ni Alhex habang nasa paglalaro ng bundok ko ang buong atensyon.




" Ha? Bakit?"




" Kasama ko kase si Faith kaya baka hanapin na siya sakanila." Aniya kaya naman nagmamakaawang tumingin saakin si Klev dahilan para matawa ako.




" Magpagabi kayo rito, pag kase umalis kayo baka para na naman akong tanga na kausap yunh sarili ko dahil hindi nagsasalita si Clover at para bang laging malalim ang iniisip." Lintanya nito at dinuro ang katabi na walang pake at tuloy lang sa pagkain. " Pumapag-ibig na yata tong si Clover." Dugtong pa niya na nakakuha sa atensyon ng isa at nitong isungalngal ang hawak na cookies sa kamay kanina pa nito kinakain.




Napaubo-ubo si Klev dahil sa biglaang ginawa ni Clover sakaniya at dali-daling kinuha ang isang baso na may tubig. " Shoti! Balak mo ba akong patayin?" Hingal na turan niya at sinamaan ng tingin ang katabi pero parang wala itong narinig manlang.




Hindi ko maiwasan ang mapatawa sakanilang dalawa. " You look so happy." Tumango ako sa sinabing iyon ni Alhex.










NANG sumapit na ang gabi ay kaagad akong hinila ni Alhex sa railings ng rooftop at doon ay sumandal kami habang tinitignan ang mga bituin, maya-maya lang ay nakisali narin si Klev.




Sa hindi sinasadyang pagkakataon ay napatingin ako sa kinaruruonan ni Clover na naabutan kong nakatingin din saakin, hindi ko alam kung ano ba ang dapat maging reaksyon ko ng mahuli ko siyang nakatitig saakin.




Ako na ang unang nag-iwas tingin at tinuon nalang kina Alhex at Klev.




" Woahhh! Ang ganda!" Sigaw ko habang nakalagay ang dalawang kamay sa gilid ng aking labi.




Nabigla ako ng biglang nasa tabi kona pala si Clover at nakapa-mulsang nakatingin sa mga sasakyan at mga gusaling nagagandahang dahil sa mga ilaw nito.




" Uyy Ev! Samahan mo nga ako." Biglang saad ni Klev kaya naman napatingin sakaniya si Alhex.




" Saan ba?"




" Sa baba pinapapunta ako ni mommy may ipapasuyo daw saakin." Tumango-tango naman si Alhex at tumingin saakin.




" Sige lang." Nakangiting turan ko tumango naman siya at kaagad nilapitan si Klev at naglakad na sila pababa dito sa rooftop.




Biglang natahimik ang paligid kasabay nun ay ang pag-ihip ng malamig na hangin, pasimpleng tumingin ako kay Clover na seryuso ang mukha.




" Nagkita ulit tayo, nakakatuwa naman na pinsan ka pala ni Alhex." Pagsisimula ko kaya naman napalingon siya saakin may napansin ako sa ginagawa niyang pagtitig saakin.




" Oum's ~ yeah." Tipid na sagot niya pero kahit ganun ay napangiti ako kase kahit papaano ay nabawasan yung pagka-awkward sa paligid.




" Hindi ako makapaniwala na si Alhex pala ang tinutukoy mong pinsan mo na madalas mong kasama magtambay dito." Ngiting-ngiti na saad ko habang nakahawak sa railings at nakatingin sa baba ng hotel kung saan marami mga tao ang naglalakad karamihan ay mga couple's.




" Ahm ~ ako nga rin e, hindi ako makapaniwala na magkikita ulit tayo at sa muli nating pagkikita ay fiancee kana pala ng pinsan ko." Napangiti ako pero ng mapatingin ako sakaniya ay naglaho iyon ng makita ko ang lungkot at sakit sa mga mata niya.




" U-uyy ayos ka lang?" Nag-aalang tanong ko sakaniya tumingin naman siya saakin at tumango.




" Okay lang ako, nga pala congrats sa inyo ni Evan." Aniya na hindi ko alam kung masaya ba talaga siya o malungkot habang sinasabi niya ang mga yun.




" A-ah salamat." Nasabi ko nalang habang titig na titig sakaniya.




" Masaya kaba?" Biglaang tanong niya habang diretsong nakatitig sa mga mata ko, napakurap-kurap ako dahil doon at napamaang.




Sasagutin ko palang sana siya ng biglang narinig ko ang malakas at nakakarinding boses ni Klev na para bang nagrereklamo sa kung ano.




" Huyyy! Anong pinag-uusapan niya diyan?" Sabay kaming napalingon ni Clover sa direksyon nila, napunta ang paningin ko kay Alhex na seryusong nakatingin saakin o mas tamang sabihin na sa katabi ko.




Kaagad silang lumapit saamin.




" Anong nangyari?" Tanong ni Clover sa pinsan na nakapag-busangot rito.




" Ayun pinag-tripan na naman ako ni mommy akala ko meron talaga siyang ipapakisuyo saakin yun pala gusto niya lang na bumaba ako dahil nandun yung ex-girlfriend ko." Busangot na pagkukwento nito na ikinatawa namin.










ANG gabing iyon ang masasabi kung pinakamasaya dahil kasama ko si Alhex at ang mga pinsan niya, masasabing kung para na silang magkakapatid kung magturingan pero may napansin din ako kay Alhex panay ang paghapit niya saakin sa tuwing lumalapit o nasa tabi ko si Clover.




Hindi ko alam kung anong meron at ganun siya maka-asta pero hinayaan ko nalang siya at nakipagkwentuhan nalang kay Klev tungkol sa mga kalukuhan niya noong nasa high school pa siya.




Sa sobrang kadaldalan niya e hindi naging boring kahit pa hindi niya napapansin na tahimik lang ang mga pinsan niya at nakikinig lang sa sinasabi niya.











^°^°^°^
:)

GIRL IN THE ROOFTOPWhere stories live. Discover now