Chapter 18

164 11 0
                                        

Desisyon


Napalunok ako habang kinakabahan lalo na ng marinig kona ang boses ni kuya Stephan.




Maya-maya lang ay natahimik ang paligid kaya naman kahit papaano ay nawala ang kaba na nararamdaman ko pero bigla akong nabahala ng maalala ko ang kung sino na naghila saakin sa madilim na parte ng salas.




" W-who are you?" Nanginginig at kinakabahan na tanong ko.




Naramdaman ko ang ginawa nitong paggalaw saaking likuran at ang dahan-dahang pagluwag ng pagkakatakip nito saaking bibig. Nanigas ako ng hinakawan nito ang magkabilaang balikat ko at pinaharap ako sakaniya napakunot ang noo ko ng hindi ko maaninag ang mukha nito.




" S-sino ka sabi." Ulit kopa ngunit nanatili itong walang imik at kibo pero ramdam kung nakatitig siya saakin.




Nakikita niya ako dahil sa sinag ng buwan pero siya hindi ko makita ang mukha niya pinagkatitigan ko ang buong katawan niya muling nagsalubong ang aking kilay ng mapatigil ang aking paningin sa kaniyang kamay na may hawak-hawak na mga envelope, bahagyang humigpit ang pagkakahawak niya doon bago niya iyon tinago sa likuran niya.




Sino ba ang taong ito?




Hindi naman siya isa sa mga kapatid ko dahil kilala ko ang mga iyon hinding-hindi na sila lumalabas pa ng kwarto nila lalo na paggabi at naghahanda nalang sila ng pitsel Ng tubig sa kwarto nila ng saganun ay hindi na sila bumaba pa tamad kase ang mga yun.




" Binabawi ko lang ang ninakaw ng ama mo." Napaawang ang labi ko sa malalim at malagom na boses nito pero nagulat ako sa sinabi nito. Ninakaw? May ninakaw si daddy?




Napakurap-kurap ako at magtatanong na sana ng lagpasan ako nito kaya naman hinabol ko ito pero panay ang tingin ko sa paligid dahil baka bigla naming makasalubong sina daddy at kuya Stephan.




Nanlaki ang mga mata ko ng biglang nawala iyong lalake. " T-teka nasan na siya?" Takang bulong ko sa sarili ko.




Nagpalinga-linga ako nagbabasakaling makita ko ang taong iyon pero lumipas ang kalahating oras ay hindi kona nakita pa siyang muli. Napabuntong hininga ako bago napagpasyahan na magtungo nalang muli sa kusina upang kumuha ng gatas.








NANG makabalik sa kwarto ay nakatulala lang ako at pilit iniisip ang mga narinig ko mula kina ama. Nang dahil sa pagod ay dinalaw narin ako ng antok dahan-dahan na akong hinihila ng kadilim hanggang sa tuluyan na akong kinain ng antok.




Nagising ako sa malakas na katok mula sa labas ng pinto ng aking kwarto.




Nagmulat na ako at bumangon na mula saaking kama at naglakad patungong pintuan upang pagbuksan ang kung sino.




" Oww ~ ikaw pala Kayla." Nasabi ko ng makitang si Kayla sa tapat ng pinto ng silid ko. " Bakit pala? May problema ba?" Tanong ko rito umiling naman ito at ngumiti saakin.




Napatingin-tingin ako sa likuran niya.
" May hinahanap poba kayo señorita?" Napabalik ang tingin ko kay Kayla na nakangiting nagtanong saakin.




" Si Viana? Bakit parang wala yata siya."




" Ah day-off niya po kase ngayon kaya naman po umuwi mona siya sakanila para kamustahin ang kaniyang pamilya." Aniya napatango-tango nalang ako.










| F A S T   F O R W A R D |
3 months ago


NAPATAYO ako sa kinauupuan ko sa narinig kung iyon at pinukol ng masamang tingin sina kuya Rush.




" A-ano bang pinagsasabi niyo diyan?" Hindi kona napigilan ang inis na nararamdaman ko matapos iyon marinig.




Napatayo naman si mommy sa kinauupuan niya at astang lalapitan ng umiling ako at umatras. " Ayaw ko nung mga pinagsasabi niyo at wala akong balak sundin iyon." Nakita ko kung paano panghinaan si mommy bago siya tumingin kay ama na tahimik lang at seryusong nakatitig saakin.




Napakuyom ang palad ko dahil sa mga nalaman. At bakit nila nagawa saakin ang bagay na iyon?! Bakit kailangan magplano sila ng wala akong kaalam-alam.




" Anak Eren paghindi mo yun ginawa mahihirapan na tayong muling bawiin ang kompanyang pinaghirapan itayo ng kuya mo." Saad ni mommy pero kinunutan ko lang siya ng noo.




" Alam kona ang tungkol diyan pero wala naba talagang ibang paraan at yun lang ang naisip niyo? Bakit kailangan kung gawin iyon." Aniko.




" Wala na anak kung meron pang ibang paraan edi sana hindi na namin ito sasabihin pa sayo pero sadyang ipit na ipit na tayo sa sitwasyon natin ngayon."  Muling saad ni mommy napahinga ako ng malalim.




" Ganun ba? Mukhang mapipilitan talaga akong gawin iyon pero huwag niyong isipin na magiging maganda ang kalalabasan nito." Huling turan ko bago tuluyang tumalikod at lumisan na sa opisina na daddy.








" HIYAHHHHHHH!!!" Malakas kung pinalo si Malik dahilan mas lalo itong bumilis sa pagtakbo pero wala akong pakialam dahil gusto kung makawala sa mga problema na nagsisimula ng dumating sa pamilya namin.




Mas lalo kung pinabilis ang pagpapatakbo kay Malik kaya naman nakayuko na ako at nakayakap sa leeg ni Malik nagngingitngit ang bagang ko habang madilim na nakatitig sa mga puno dahil sa inis ng maalala ko na naman ang pinag-usapan namin nina mommy at daddy sa opisina niya.




Ako? Kailangan kong magpakasal sa taong hindi ko kakilala at ang nakakainis dun ay kailangan ko itong pakisamahan para lang sa kompanya ni kuya Rush, at bilang pangalawa kong kuya ay pinahahalagahan at mahal ko si Kuya Rush dahil kahit kailan hindi niya ako pinakitaan ng masama simula pagkabata namin kaya hindi ko matanggihan at talikuran ang Arranged Marriage na iyon.




Kainis naman! Bakit kase kailangan ko pang maipit sa sitwasyong ito.




Napaangat ako mula sa pagkakayakap ko kay Malik at salubong ang kilay na napatingin sa isang malaking puno ng Narra kaagad kung pinaliko si malik para magtungo roon.




Siguro dito mona ako para makalanghap ng sariwang hangin nang saganun ay makapag-pahinga at makaiwas kahit saglit lang ang utak ko mula sa mga problema.




Dahan-dahan akong bumaba mula kay malik at naghanap ng pagtatalian niya ng makahanap ay kaagad ko siyang tinali doon pero syempre sinigurado ko monang hindi siya maiinitan at may makakain din siya bago nagtungo na sa ilalim ng malaking puno at nahiga doon.




Napapikit ako ng makaramdam ng lamig sa pakirandam napangiti ako kahit papaano kase nakaka-relax ang magtungo rito.




Muli akong nagmulat at umayos ako ng upo bago hinubad ko ang aking jacket at ginawa iyong panapin para sa pagpapahinga ko bago nahiga na at tuluyan ng nagpadala sa antok ko.








A/N: Happy 7k reads! Thank you for supporting me and GITR everyone 🤍

^°^°^°^
:)

GIRL IN THE ROOFTOPStories to obsess over. Discover now