Nagka-mustahan at kwentuhan lang kami sa sala habang ang mga bata ay abala sa pag-lalaro hanggang sa mapunta ang usapan kay kuya Stephan.
" May balita naba sakaniya?" Tanong ko ngunit malungkot lang na umiling sina kuya Nuel.
" Wala pang nakakapagturo kung nasan siya at kung anong nangyari sakaniya sa nakalipas na anim na taon." Napapabuntong hininga na saad pa ni ate Alicia.
Bago pa kase may mangyari saakin nung gabing iyon anim na taon na ang nakakaraan ay matapos kung makalabas ng hospital at plano ng dalhin sa paris ay doon na napag-alaman na nawawala na ang kapatid namin sa hindi malamang dahilan, wala kaming nakuhang impormasyon sa mga pulis.
At hanggang ngayon ay hindi parin natatagpuan si kuya Stephan, hindi namin alam kung buhay paba siya.
NAPATITIG ako sa repleksyon ko sa harap ng salamin sa ngayon kase ay katatapos ko lang mag-ligo at kasalukuyan ko ng sinusuklay ang bagong putol kung buhok.
Mula sa mahaba, bagsak at itim na buhok ay pinaputulan ko ito na hanggang balikat ko at pinakulot narin dahil kung hindi ko iyon gagawin ay maalala at maalala kolang ang minsang lalakeng dumaan sa buhay kona niluko lang ako.
Napahigpit ang pagkakahawak ko sa suklay bago lumagpas ang aking tingin mula sa repleksyon ko napunta iyon sa batang mahimbing na natutulog sa malaki kong kama, nanginginig ang aking kamay kaya naman padabog kung inilapag ang suklay sa lamesa at tumayo na.
Kasabay ng pagtayo ko ay ang pagbukas ng pinto kaya naman nilingon ko iyon.
" C-clover."
Ngumiti lang ito saakin at naglakad palapit sa kama ko at doon ay naupo siya at pinagkatitigan ang bata.
" Kamukhang-kamukha siya ng kaniyang ama." Aniya habang hinahaplos-haplos ang itim at malambot na buhok ni Dem.
Napatiim ang labi ko at lumapit nadin sa kama at naupo kaya naman napapag-gitnaan namin dalawa si Demetrius.
" Hanggang ngayon ba ay galit ka parin sakaniya? Kaya pati ang a-anak niyo ay nadadamay." Aniya na bahagyan pang nautal sa salitang 'anak.'
" Kahit kailan ay hindi nawala ang pagka-poot at galit ko sa lalakeng iyon.....pero susubukan kung baguhin ang sarili ko para sa bata." Saad ko habang nakatitig lang sa maamong mukha ni Dem.
"What about between the two of us? How long will we pretend that I'm your fiance in front of your family?" Aniya na nagpa-angat ng akin paningin sakaniya. " Bakit ba kase hindi nalang natin tutuhanin? Bakit kailangang magpanggap pa?" Seryusong turan nito na nakapagpatulala saakin sakaniya.
Oo nga naman, bakit nga ba? Imbis na totohanan bakit kailangan pa naming magpanggap? Anong dahilan?
" Ayuko na ng ganito, ayuko na ng set-up nating dalawa....bakit hindi pa natin totohanin lalo na ngayon napalapit na ako kay Dem at tinuturing kona rin siyang anak ko." Malumanay na saad niya. " Tanggap ko siya at handa akong akuin siya, handa akong maging ama niya...handa akong maging karapat-dapat sakaniya bilang daddy niya." Turan niya at hinawakan ang kamay kong nakapatong sa dibdib ni Dem at bahagyang pinisil iyon at malamlam ang mga matang tinitigan ako.
" Bakit hindi na nating gawing makatotohanan? Handa akong tulungan ka na makalimot sa mga masasamang nakaraan mo, handa akong burahin ang mga iyon at takpan ang mga pilat ng masasayang alaala na magkasama tayong tatlo."
" MOMMY! I'd like to go there with Daddy. Please Mommy." Nagbaba ako ng tingin kay Demetrius na nagpapa-awang niyayakap ako sa beywang ko at pinipilit akong pumayag sa gusto niya.
" Dem makinig ka sa mommy, okay." Masungit na turan ko dahilan para ngumuso ito at humibi tanda na malapit na itong umiyak. " Baka mapaano kalang dun." Dagdag kopa.
" B-but--"
" There are no more buts, young man. You should listen to your mommy." Singit ng baritonong boses sa usapan naming mag-ina.
" Dada!" Sigaw ni Dem ng makita ang nasa bungad ng kusina at nagtatakbo patungo doon.
Napabuntong hininga ako at nilingon ang dalawa, kitang-kita ng dalawa kung mga mata kung paano mag-paawa ang bata kay Clover habang hindi paawat ang luha sa pagdaloy sa namumulang magkabilaang pisngi nito.
Binuhat ito ng lalake kaagad namang yumakap ang maliit na braso ng bata sa leeg nito at doon ay humikbi, pinapakalma naman ito ni Clover sa pamamagitan ng pagtapik-tapik sa likuran nito at pagbulong-bulong dito ng kung ano-ano.
Habang pinapanood ang dalawa ay doon ko napatunayan na para na talaga silang tunay na mag-ama, sadyang malapit na talaga ang dalawa sa isa't-isa at hindi na mapaghihiwalay pa.
" Nakatulog na." Nabasa ko iyon sa pagbuka ng labi ni Clover, tumango naman ako at lumapit sakanila at sumilip doon nga ay nakatulog na umiiyak ang bata.
Pawisan ito at punong-puno ng luha ang mabibilog na pisngi at bahagyang nakasubsob sa leeg ni Clover.
Inakyat na namin ito sa kwarto ng maihiga niya na ito sa kama ay kaagad ko itong kinumutan at pinunasan ang mukha ng face towel at nilagyan din ito ng isa pa sa likuran para hindi matuyuan ng pawis.
Binuhay ko ang Aircon ng mapunasan na siya at ng okay na ay muli akong lumapit sa kama at hinalikan ang noo ni Dem. " Sleep well, my little angel." Bulong ko at lumayo na rito at naglakad na patungo sa pinto ng kwarto at lumabas na rito sumunod naman si Clover na malaki ang ngiti.
" Nakikita kona ang utay-utay mong pagbabago at pagtanggap kay Dem sa buhay mo bilang anak niya." Saad niya habang nakasunod sa pagbaba ko sa hagdan. " Masaya ako dahil hindi na malulungkot si Dem sa tuwing makakita ng ibang bata na malapit sa nanay nila."
Tumigil ako sa sala at naupo sa sofa kaya naman umupo siya sa katabi ko.
" Don't worry kahit anong mangyari ay pro-protektahan ko kayong dalawa ni Dem dahil mahal na mahal ko kayo......mamatay mona ako bago nila kayo masaktan." Napatitig ako sakaniya ng dahil sa mga binitawan niyang salitang iyon habang direksyon at seryusong nakatitig sa mga mata ko.
" At natitiyak kong wala na talaga sila dito....nung umalis ka ay nawala narin sila rito na parang bula at hindi na muling nagparamdam dito."
Alam kona ang tungkol doon dahil naiku-kwento rin saakin ni ate Alicia na wala na nga daw ang magkapatid na Dellova dito na parang bula simula ng mamatay ang padre de pamilya na si Hexter Dellova.
At nang magda-dalawang taon na ako sa France ay doon ko na kitang muli sa isang cafe si Clover, halatang nagulat din siya ng makita niya ako nasabi niya saakin na ipinadala siya doon ng daddy niya upang i-handle ang ilan sa mga business nila doon kaya nawalan siya ng communication sa pinas dahil sadyang abala siya.
At dahil mukhang wala talaga siyang kaalam-alam sa nangyari ay nai-kwento ko sakaniya ang nangyari saakin at ang tungkol kay Dem kaya naman kahit pinapauwi na siya ng parents niya ay idinahilan nalang niyan mag-babakasyon mona siya roon.
Doon ay nai-kwento niya saakin na minsan kona din siyang nakilala sa isang park noong nasa grade-2 ako at doon ay minsan kaming naging magkakaibigan ng tatlong taon pero dahil palipat-lipat kami ng aking pamilya ay nagkalayo kami hanggang sa tuluyan ko siyang makalimutan.
Mas lalo akong naging malapit sakaniya dahil minsan na kaming naging magkakaibigan noon at magaan na ang loob ko sakaniya.
Nagpapasalamat ako dahil nakakilala ako ng isang Clover Laurier na buong pagmamahal akong inalalayan sa mahabang panahon sa lahat ng pagdudusa ko sa multo ng masama kong nakaraan at siya din ang tumayong ama ni Demetrius Zhair Formentera.
^°^°^°^
:)
YOU ARE READING
GIRL IN THE ROOFTOP
RomanceIsa siyang simpleng babae na walang ibang hinahangad kundi ang manatiling masaya ang kaniyang buong pamilya. Pero paano nga ba mangyayari ang simpleng hinahangad niya kung patalikod palang gumagawa ng masama ang kaniyang ama na siyang naging dahilan...
