Memories
6 years ago | present |
" Eren anak." Mahihin ang boses ang tumawag saakin, blanko ang mukhang nilingon ko iyon.
Sa bungad ng aking kwarto ay doon ay nakatayo ang aking ina na may hawak na tray na naglalaman ng mga pagkain, naglakad ito palapit sa kama ko.
" Wala kaba talagang balak na alagaan ang anak mo? Ilang taon na ang nakakaraan at isa pa wala namang kasalanan ang bata sa mga nangyari noon sayo." Mas tumigas at dumilim lang ang aking mukha sa sinabi ng aking ina, nag-iwas ako ng tingin dito at binaling iyon sa bintana ng aking kwarto.
" Naawa na ako sa anak mo, kung tratuhin mo siya parang isa siyang basura."
" Basura naman talaga ang batang iyon ng dahil sakaniya hindi ko makalimot-limutan ang mga nangyari noon at siya rin ang nagbibigay saakin ng masasamang panaginip." Giit ko na ikinaling ni mommy, tumamlay at lumungkot ang mga mata nito.
" Hindi tama ang ginagawa mo, walang kasalanan iyong bata ang dapat mo ditong sisihin at kagalitan ay ang ama niya!" Sigaw saakin ni mommy, nanginginig ang aking labi at ramdam ko ang pangingilid ng aking mga luha habang nagsisimula na namang bumalik saakin ang lahat-lahat mula sa simula.
" Wala akong pake!" Sigaw ko pabalik pero biglang napatagilid ang aking mukha ng maramdaman ko ang malakas na pagtama ng palad ng aking ina sa kanang pisngi ko.
" N-nag-iba kana, hindi na kita makilala.....hindi kona makita sayo ang malambing, mapagmahal at mabait kung anak ang tanging nakikita ko nalang sayo ay ang babaeng puno ng pagka-poot at galit sa puso." Luhaang turan ni mommy para akong sinaksak ng makitang nasasaktan ito pero nag-iwas ako ng tingin.
" Bukas babalik na tayo ng bansa, nakapag-disesyon na ang mga kapatid mong pabalikin ka saatin."
" Ayuko." Madiing bigkas ko.
" Pumayag na ang fiance mo, pumayag na si Clover na umuwi kayo ng pinas."
Pumayag siya? Pero alam naman niya ang nakaraan ko kaya anong rason niya at gusto niyang umuwi kami?
NANDITO na kami sa NAIA at naghihintay sa susundo saamin, napabaling ako sa katabi ko na si Clover na abala sa pakikipag-kulitan kay Demetrius na buhat-buhat nito sa mga braso niya, ng biglang mapatingin saakin ang bata.
" Mommy." Nakangiti at malambing na tawag nito saakin kaya naman biglang napatingin saakin si Clover.
Napakibot-kibot ang gilid ng labi ko at nag-iwas ng tingin dito.
" Erenella! Clover!"
" Dude, what's up? Long time no see." Nakangiting salubong dito ni Clover ngumiti naman dito si kuya Rush.
Masasabi kung mas lalong lumaki at tumikas ang pangangatawan ng aking kapatid at mas lalong gunawapo, napabaling ito saakin at nakangiting lumapit saakin at niyakap ako ng mahigpit. " I miss you, Lil sis." Aniya napangiti naman ako ng matipid at ginantihan ang yakap nito.
Pinakawalan na ako nito at bumaling sa pamangkin na buhat-buhat ni Clover. " Hey handsome."
" Tito Ruru!" Nagsimula na itong magpapasag sa braso ni Clover at nagpupumilit na magpabuhat kay kuya, kaya naman wala ng nagawa pa si Clover at pinasa ito saaking kapatid, malawak ang ngiti na binuhat naman ito ni kuya at kiniliti.
" Tama nayan, baka iniintay na tayo sa mansyon." Utas ni mommy kaya naman tumango si kuya Rush at itinigil na ang pagkiliti sa pamangkin.
Nang makasakay kami sa van ay si kuya Rush ang driver at sa katabi naman nito ay si mommy at nagku-kwentohan ang dalawa habang kami namang tatlo ay dito sa likod.
Napababa ang aking tingin sa batang payapa at mahimbing na natutulog sa gitna namin ni Clover, doon ay napagkatitigan ko ito: Itim ngunit makapal na buhok, makapal na kilay, mahahaba at malantik na pilik mata, may magagandang uri ng mata, matangos na ilong at manipis ngunit pulang labi may biloy din ito sa magkabilaang pisngi na siyang namana niya saakin.
Isang napaka-gwapong bata.
" Are you okay, hon?" Napaangat ang aking tingin sa nagsalita kita lol ang pag-aalala sa mga mata ni Clover.
" Ahm ~ yeah." Nag-iwas na ako ng tingin sa kaniya at sa labas nalang ibinaling ang tingin.
NAUNANG bumaba si Clover habang buhat-buhat si Demetrius na mahimbing na natutulog sakaniyang balikat.
" Napaka-gwapong bata." Mahinang turan ni mommy habang titig na titig kay Dem, tumango lang ako.
Pumasok na kami sa loob at sa pinto palang ay rinig na ang sigawan at tawanan ng mga bata na alam kung mga pamangkin ko kay kuya Nuel.
Limang taon ang nakalilipas ng magpakasal si Kuya Nuel at si Ate Alicia at ngayon nga at may tatlo na silang anak ang panganay ay pitong taon na at iyon ay si Niccolo at ang pangalawa naman ay apat na taon na si Anastasia habang ang pangatlo naman ay isang taon palang na si Beatrice.
" Mommyla! Tito's and tita!" Malakas na sigaw ng dalawang bata na sina Niccolo at Asian na nagtatakbo na patungo saamin.
Saakin tumakbo si Asian at niyakap ang bewang ko kamuntikan pa itong mabuwal sa pagkakatayo. " Tita ganda." Puputol-putol na utas nito na ikinangiti ko kahit may kabigatan ay binuhat ko ito kaagad ako nitong pinaghahalikan sa mukha.
" M-mommy ko." Bigla akong napabaling sa nagsalita, natigilan naman si Asia at katulad ko ay napatingin ito kay Dem na pupungas-pungas at bahagyang kinukusot-kusot ang mata habang buhat parin ni Clover.
" Wow! Handsome!" Biglang tili ni Asian at nagpapasag sa pagkakabuhat ko kaya naman ibinaba ko ito at dali-dali naman itong lumapit kay Clover na naupo na sa sofa siguro na ngalay na dahil buhat-buhat niya ai Dem.
Nakipag-usap si Asian kay Clover at kung minsan ay si Dem naman ang kinakausap nito habang nakangiti dahilan para mas lalong lumabas ang kagandahang bata nito.
" Omygosh! Erenella, ikaw na bayan?" Napangiti ako ng makita ang babaeng hindi parin kumukupas ang ganda na siyang kalalabas lang ng kusina.
Nanlalaki ang mga mata nito habang pinagkatitigan ako.
" Ate Aly." Tawag ko rito, napatili ito at kaagad akong tinakbo at niyakap.
" Kamusta ka? Gosh akala ko talaga matatagalan pa bago ka mauwi rito." Aniya at panay ang hawak sa braso ko at kung minsan ay pinipisil nito ang pisngi ko. " Grabe walang kupas ang ganda-ganda mo parin." Aniya.
" Sa mga lumipas na taon ikaw talaga ang pinaglilihian ko kina Anastasia at Beatrice dahil miss na miss kita." Aniya napatawa nalang ako dahil sa mga lumipas na taon kase ay mas lalo kaming nagkalapit.
^°^°^°^
:)
YOU ARE READING
GIRL IN THE ROOFTOP
RomantikIsa siyang simpleng babae na walang ibang hinahangad kundi ang manatiling masaya ang kaniyang buong pamilya. Pero paano nga ba mangyayari ang simpleng hinahangad niya kung patalikod palang gumagawa ng masama ang kaniyang ama na siyang naging dahilan...
