Chapter 14

244 14 1
                                    

Girlfriend

" Nako señorita mabuti nalang po at napigilan niyo ang inyong ama." Nakangiting turan ni Viana habang nakatunghay saakin tumango naman ako.




Napatingin siya sa pinto ng kusina kong san nakatayo si Kayla nakararating lang.




" Nandito lang pala kayo señorita, kanina kopa po kayo hinahanap." Aniya at naglakad palapit saaming dalawa at naupo sa katabing upuan ni Viana.




" Ha? bakit naman?" Ako habang kunot ang noong nakatingin sakaniya ngunit umiling lang ito.




" Nga pala señorita nagtungo rito kaninang maga yung lalakeng humarang sa inyo habang nakasakay sa kabayo at nang hingi ng paumanhin sa inyong ina at ama." Si Kayla. Nanlaki ang mga mata ko dahil doon.




Seriously?!




" Anong pangalan? Siguro naman tinatanong nina mommy yung pangalan niya at sinagot nito." Ani ko.




" Eh kase señorita nung tinatanong ng inyong ina ang pangalan ng lalake hindi po sumagot e." Kakamot-kamot sa ulo na sagot niya saakin, napangiwi ako dahil doon.




" Eren?" Napalingon ako sa pinanggalinga ng boses na iyon.




" K-kuya nakarating na pala kayo, kamusta po ang lakad niyo?"




" It's okay. It's really good that Steph came along, because we immediately solved the problem." Lintanya niya at naglakad palapit at kumukha ng pitsel sa loob ng ref bago nagsalin sa baso.




Napatingin ako kay Kayla na titig na titig sa kapatid ko na walang pake sa paligid at seryuso lang na umiinom ng tubig.




" Kuya pwede mo po ba akong samahan?" Ako habang habol tingin kay kuya Rush na kasalukuyang papalabas na ng kusina.




Napalingon ito saakin at pinagkatitigan ako bago gusumot ang mukhang nagtanong sakin.




" At san ka na naman pupunta?" Seryusong tanong nito at bahagyang inayos ang suot-suot na salamin sa mata. Alangang along ngumiti.




" Sa kabilang bayan?" Napataas ang kilay nito sa sinabi ko at namaywang.




"And what are you going to do there?" Siya.
 



" Amm....gagala syempre." Ako.




" Tsk! Hindi ka pwedeng gumala kung saan-saan lalo na kung mag-isa ka lang." Masungit nitong turan.




Napasimangot ako dahil sa sinabi nito at humarap kina Viana at Kayla na palipat-lipat lang ang tingin saaming magkapatid.




" Edi isasama ko silang dalawa tas ikaw." Aniko na siyang ikinalaki ng mata at ikinapula ng pisngi ni Kayla habang si Kuya Rush at napaismid lang.




" Kailan ba?" Napangiti ako dahil mukhang sasama talaga siya.




" Hmm....siguro bukas po." Nakangiting sagot ko.




" Tsk! Fine." Umismid ito bago tuluyang lumabas at iwan kaming tatlo na natahimik.




" S-seryuso? Sasama po si señorito?" Nanlalaki ang mga mata na tanong saakin ni Viana na kinangisi at ikinatango ko lang.








NAPANGISI ako sa harap ng salamin at nagtungo sa kama ko upang kunin ang shoulder bag ko bago lumabas ng aking kwarto at bumaba ng hagdan.




GIRL IN THE ROOFTOPWhere stories live. Discover now