Pagkanta
MAKALIPAS ang isang buwan na pagiging fiancee ko ay napagkasunduan ng mga nakatatanda ng dalawang pamilya na ipaalam na sa lahat ang engagement namin ni Alhex para sa pagiging official naming dalawa sa mga mata ng tao.
Wala narin akong nagawa kundi ang pumayag dahil kahit anong pag-ayaw ko ay hindi sila makikinig, pinag-iisipan kopa kase ang mga nangyari nitong nakaraang buwan.
Yung dapat na plano ni Alhex sa pagtigil nitong engagement naming dalawa ay parang bigla siyang nagbago ng plano at hindi na nagrereklamo pa sa mga desisyon ng mga ama namin at para bang sang-ayon na sang-ayon siya sa lahat ng mga nangyayari, o mas tamang sabihin na parang wala talaga siyang balak na ipagpatuloy pa iyon.
Nagtataka din ako dahil sa pagiging sweet and caring niya idagdag mopa na masyado siyang possessive pagdating saakin.
Napabuntong hininga ako habang nakikinig sa mga sinasabi ni tito Hexter Dellova na siyang daddy ni Alhex tungkol sa namamagitan saamin ng anak niya at sinasabi na niya rin ang plano sa magaganap na kasal.
Kita ko ang gulat sa mukha ng mga bisita dahil sa nalaman kahit naman sino ay magugulat at magtataka dahil masyadong mabilis ang mga pangyayari.
Nagtataka narin ako dahil para bang gustong-gusto na nila daddy na mapadali ang kasal at tuluyan na kaming matali ni Alhex sa isa't-isa pero kaagad iyong tinutulan ni mommy at ng mga kapatid ko dahil mali daw iyon lalo na sa parte ko.
NANG matapos ang engagement party ay kaagad akong umalis at nauna ng mauwi dahil hindi na kinakaya ng utak ko ang mga nangyayari.
Kaagad akong sinalubong ng mga katulong at kinamusta ang party pero hindi na ako sumagot pa at umakyat na dahil nahihilo na ako at nanakit na ang ulo ko habang naglalakad patungo sa kwarto ko nandidilim na ang paningin ko at ng makapasok ay kaagad kung sinarhan ang pinto sa kwarto at doon ay tuluyan na akong nahimatay.
Naalipungatan ako ng maramdaman kung parang may humahawak ng mahigpit sa aking kamay kasabay nun ay ang paghaplos nito saaking pisngi.
" Galit ako sayo dahil nakakaya mo pang ngumiti at tumawa habang kasama mo ang pamilya mo habang ako ito at nagdudusa."
Nagmulat ako ng aking mga mata at nagbaba ng tingin doon ay nakita ko siyang nakasubsob habang hawak-hawak ang kamay ko.
Noong una ay akala ko isa siya sa mga kapatid ko ngunit ng mag-angat ito ng ulo niya upang tignan ang kondesyon ko ay doon ko nakita ang mukha niya, kita kung nagulat siya ng makitang may malay na ako pero ng makabawi siya ay bigla siyang namutla na para bang nakakita siya ng multo.
" H-hey." Utal na bati niya tinitigan ko lang siya kaya naman napa-ayos siya ng upo. " Pasensya kana kung imbis na ang mga kapatid mo ang nandito ay ako."
" O-okay lang." Mahinang saad ko at umangat sa kama kaagad niya akong tinulungan.
" Nga pala nakita ka ni Viana sa sahig na walang malay, mabuti nalang at napag-utusan siyang dalhan ka ng gatas sa kwarto mo kaya naman nakita ka nga niya na walang malay at kaagad niya kaming tinawagan para puntahan ka." Tumango naman ako at kinuha ang isang baso ng tubig na hawak niya at ininom iyon.
" Ang sabi ng doctor, may nakain kalang daw na hindi pwede sayo kaya ganun." Napatingin ako sakaniya at ngumiti, umaatake na naman pala ang allergy ko.
YOU ARE READING
GIRL IN THE ROOFTOP
RomanceIsa siyang simpleng babae na walang ibang hinahangad kundi ang manatiling masaya ang kaniyang buong pamilya. Pero paano nga ba mangyayari ang simpleng hinahangad niya kung patalikod palang gumagawa ng masama ang kaniyang ama na siyang naging dahilan...
