ABALA ako sa pag-aayos ng mga pagkain namin sa lamesa habang sila kuya naman ay nagku-kwentuhan sa malayo kasama si Clover.
Umayos na ako ng tayo nang matapos sa ginagawa at aktong tatawagin na sila upang kumain na ay may biglang:
" PAPAAAA!!!!"
Kitang-kita ko kung paano biglang napatayo ang mag-asawa ng marinig ang sigaw na iyon mula sa malayo. Napalingon ako sa pinanggalingan ng sigaw na iyon at doon ay nakita ko si Niccolo na umiiyak habang tumatakbo patungo dito, kaagad naman itong nilapitan ni Kuya Nuel.
" Anong nangyari?! Bakit ka umiiyak?" May halong galit na tanong ng ama nito sa batang walang ginawa kundi ang umiyak sa bisig ni kuya.
Nag-aalala namang lumapit din si ate Alicia sa anak at tinanong ito.
" Teka nasan na nga pala si Dem?" Takhang pagsingit bigla ni mommy na nakaagaw sa pansin ko.
Kaagad akong nakaramdam ng kaba ng dahil doon, napatingin ako kay Clover na seryuso na habang nakatingin sa umiiyak na bata.
Bahagyang nilayo ni kuya Nuel Ang anak sakaniya at seryusong tinitigan. " Nasan na ang pinsan mo?" Tanong nito na naging dahilan para mas lalong mag-iyak si Niccolo.
Napakagat labi ako sa kabang nararamdaman ko.
" N-nawala po s-siya bigla e." Umiiyak na turan nito na nakapag-pasinghap saaming lahat. " S-sabi po kase niya may titignan lang po s-siya t-tas bigla nalang po siyang n-nawala."
Kaagad akong tumakbo palayo upang hanapin ang anak ko, narinig ko ang ginawang pagtawag saakin nina mommy ngunit hindi kona iyon pinansin pa at nagpatuloy lang.
" DEMMMM!!!" Sigaw ko habang tumatakbo at panay ang lingat sa paligid.
Baby ko nasan kana ba?
Nagpatuloy ako sa paglakad-lakad at paghahanap.
" DEM ANAK!!!! NASAN KA?!!"
Ayos lang kaya siya? Sana naman.....
Nagsimula nang magsituluan ang aking luha ng lumipas ang anim na Oras na hindi ko parin siya nakikita.
Napaupo ako sa buhangin ng papalubog na ang araw at napagod na sa kakalakad. " Baby ko, nasan kana ba?"
Hanggang sa tuluyang lumubog ang araw ay panay lang anh iyak ko hanggang sa may maramdam akong pumatong na kung ano sa balikat ko kasabay nun ay ang pag-upo ng kung sino sa tabi ko. Napaangat ako ng aking mukha doon ay nakita kung nakaupo si Clover at nakatingin saakin gamit ang malamlam ngunit magagandang uri ng mga mata niya.
" N-nahanap niyo naba?" Tanong ko nagbabasakali ngunit ganun nalang ang pagkadismaya ko ng marahan itong umiling.
Nagsimula na namang tumulo ang mga luha ko ngunit kaagad niya iyong pinunasan gamit ang kaniyang kaliwang kamay. " Shhh don't cry you don't have to worry about him, I know he's a strong kid."
Niyakap ako nito habang marahang tinatapik ang aking likuran.
KINABUKASAN nga ay matapos kumain ng almusal ay nagpatuloy na kami sa paghahanap kay Dem, magkasama kami ni Clover habang sina mommy at kuya Rush naman ang mag-kasama at ganun nadin ang mag-asawa. Napag-pasyahan kase namin na maghiwalay-hiwalay nalang sa paghahanap.
Napalingon ako kay Clover ng bigla itong naglahad saakin ng buko juice na kaagad ko naman tinanggap. " Thank you." Ngiting turan ko na ikinatango lang naman niya.
Muli kaming nagpatuloy sa paghahanap hanggang sa hindi na namin namalayan pa ang oras at ang tuluyan na naming paglayo, habang naglalakad kami ay kakaunti nalang ang nakakasalubong at nakikita naming mga tao hanggang sa tuluyan na talagang wala na kaming makasalubong miski kahit isa.
" Wait." Bigla akong natigilan ng magsalita si Clover sa likuran ko.
Nilingon ko ito at nagtatangkang tinitigan. " Bakit?" Nanatili naman itong seryuso habang palinga-linga sa paligid.
" Mas mabuting bumalik na tayo Eren, masyadong ng madilim para magpatuloy pa tayo sa paghahanap lalo na sa ganitong klaseng lugar." Turan pa nito.
" Pero maaga pa naman kaya magpatuloy pa tayo at baka sakaling malapit lang dito si Dem." Kagat ang labing lintanya kopa.
Rinig ko ang ginawang pagbuntong hininga nito. " Delikado kung magpapatuloy pa tayo lalo na at hindi natin masyadong kabisado ang lugar na ito at baka mamaya niyan may mga masasamang loob pa dito, tiyak na malalagay tayo sa kapahamakan." Nag-aalangang turan niya kaya naman wala na akong nagawa kundi ang tumango.
Nilabas na niya ang flashlight na dala-dala at binuksan ito bago kinuha ang kamay ko at hinawakan ng mahigpit at marahan na akong hinila papalayo sa lugar na iyon. " Babalik nalang ulit tayo dito bukas." Paninigurado pa niya ng makitang nakahabol tingin ako sa lugar habang naglalakad kami papalayo.
" O-okay." Matipid na sagot ko nalang.
Matapos ang kalahating Oras na paglalakad-lakad ay muli kaming nakakita ng mga tao na masayang nagku-kwentuhan at naglalaro sa buhanginan.
Tuluyang nakarating narin kami sa kubo kung saan naabutan namin sina mommy na kitang-kita ang pagkabahala sakaniya, ganun nalang ang saya niya ng makita ako at kaagad na niyakapa. " Ano? Nakita niyo naba ang apo ko?"
Umiling lang kami ni Clover kaya naman kitang-kita ang pagkakadismaya niya. " O'siya kumain na muna kayo bago magpahinga at bukas nalang ulit natin ipagpatuloy ang paghahanap."
Tumango naman si Clover at niyaya na ako sa lamesa.
Nang matapos kumain ay nagtungo na kaagad kami sa aming kanya-kanyang kwarto at natulog na.
" Mommy!"
" Help me, mommy!"
" MOMMMYYY!!!!!"
" DEMMMM!!!" Hininihingal na napabangon ako bigla habang lumuluha, napahagulhol ako ng iyak habang inaalala ang masamang panaginip na iyon.
N-nakita ko ang anak kung umiiyak habang nakagapos sa isang upuan at puno ng dugo at pasa ang katawan kitang-kita ko ang paghihirap sakaniya.
Buong gabi akong umiiyak at yakap ang sariling tuhod habang nakasiksik sa headboard ng kama at paulit-ulit na binabanggit ang pangalan ng aking anak.
^°^°^°^
:)
![](https://img.wattpad.com/cover/311129455-288-k745954.jpg)
YOU ARE READING
GIRL IN THE ROOFTOP
RomanceIsa siyang simpleng babae na walang ibang hinahangad kundi ang manatiling masaya ang kaniyang buong pamilya. Pero paano nga ba mangyayari ang simpleng hinahangad niya kung patalikod palang gumagawa ng masama ang kaniyang ama na siyang naging dahilan...