Maid
Nang makarating kami sa tapat ng mansion ay bumaba na ako. Tumango lang si mang william at nagsabing ipaparada niya lang ang sasakyan at ibabalik ang susi sa driver naming si mang Rolly Na siya ding sumundo saakin noon sa Airport.
Nagsimula na akong maglakad papasok nang mansion doon ay kaagad kung naabutan si kuya Rush sa sala na seryuso sa harapan ng kaniyang loptop at busy sa pagta-type.
" Good afternoon, Kuya." Ngiting bati ko rito.
Nag-angat ito ng tingin saakin at tumango ng tipid bago muling ibinalik ang tingin sa kaniyang ginagawa. Napanguso ako bago naglakad palapit sa sofa at umupo doon.
Napansin ko ang katahimikan ng bahay hindi rin mahagilap nang aking mga mata sina mommy at daddy pati narin ang dalawa ko pang kapatid.
" Nasan sina mommy?" Takhang tanong ko.
" Mamá and papá were in the company when one of the company's investors came from Europe." Siya habang inaayos ang mga sari-saring papel na nasa ibabaw ng lamesa at katabi ng kaniyang loptop.
" Eh sina kuya Nuel at kuya Stephan nasaan po?" Muli kong tanong sakaniya matagal pa bago siya sumagot.
"Nuel left earlier this morning because there was a sudden emergency and he needed to be in the hospital. And Stephan hasn't been home since last night." Seryusong niyang saad. Napatango-tango ako sa siya niya.
Tumayo na ako at kinuha ang bag ko na nakapatong sa lamesa at nagpaalam nang aakyat saglit sa kwarto napanguso ako ng dahil tanging tango lang ang kaniyang ginawang tugon.
Nang makarating sa kwarto ko ay sinabit ko kaagad ang shoulder bag ko at naglakad palapit sa closet ko at naghanap doon ng two-piece nang makahanap ay kaagad akong pumasok ng bathroom at nagpalit bago magsuot ng roba.
NANG makababa ako ay kaagad akong nagtawag ng kasambahay at sinabi ko rito na kuhaan ako ng cookies at apple juice pagtapos ay dalhin sa pool area.
" Sige po, Señorita masusunod po." Magalang na saad nito bago yumuko at naglakad na papalayo.
Nagtungo na ako sa kanang pathway kung saan ang pool area at nang makarating ay binuksan ko ang pinto at pumasok na.
Naglakad ako sa gilid ng pool at kaagad hinubad ang robang suot-suot ko at nilagay ito sa bangko. Tinanggal ko ang pagkakatali nang aking buhok at bahagyan itong nilugay sinuklay-suklay ko ito gamit ang aking mga daliri.
" SEÑORITA na ito na po ang inyong meryenda, kung may kakailanganin pa po kayo ay tawagin niyo lang po ako." Nakangiting pahayag nito habang nakatayo sa isang lemasa na may juice at plato ng cookies. Tumango ako dito bago dahan-dahang lumusong sa tubig kaagad itong lumapit saakin hawak ang isang malinis na white towel napangiti ako dahil doon.
Nakalimutan ko palang magdala nang towel bago pumunta rito. Naglakad ako patungo sa kinaruruonan ng lamesa at naghila ng bangko upang maupo. Pinunasan ko muna ang aking buhok, leeg at mga braso upang hindi magsituluaan ang mga tubig.
Napatingin ako sa babaeng nakatayo sa gilid ko habang pinapanood ang aking mga galaw napataas ang kilay ko kaya naman natataranta itong nag-iwas ng tingin napatawa ako dahil doon. Natigilan ito at nahihiyang napatitig saakin.
" Ba't hindi ka umupo muna?" Nakangiting tanong ko habang nilalahad ang bangko na nasa tapat ko. Napakamot ito nang kaniyang batok at nahihiya na umupo sa tapat ko napangiti ako ng malawak dahil doon.
" So....anong name mo hmm?" Kuryusong tanong ko habang naglalagay ng cookies at sandwich sa dalawang plato bago ito nilagay sa tapat niya ang isa at saakin ang isa.
Inabot ko naman ang gawa sa bubog na pitsel at kumuha ng dalawang baso at nilagyan ito pareho.
" A-ano po Kayla po." Mahinhin ang boses na sagot niya.
" The cuteness of your name matters to you." Nakangiting turan ko bigla namang namula ang pisngi niya at napakagat labi.
" Kayo rin po señorita ang ganda-ganda ng pangalan niyo E-R-E-N-E-L-L-A. Tas maganda pa yung nagmamay-ari ng pangalan." Napatawa lang ako dahil doon kaya naman napakamot nalang siya muli sakaniyang batok.
Habang nagmemeryenda kami ay bigla siyang nagsalita kaya naman nalipat ang aking atensyon sakaniya mula sa aking cellphone.
" A-alam niyo po ba señorita akala ko dati matapobre kayo dahil sa mga naririnig ko rito sa loob ng mansion mula sa pinagkukuwentuhan ng mga kapwa katulong ko rito. Pero mabait ka pala po at nasabi rin po saakin ni mama na mabait po talaga daw ang inyong buong pamilya sadyang may mga mapanira lang po talaga." Saad niya. Napakunot ang noo ko dahil doon.
" Anong pinagkukuwentuhan nila tungkol saakin?" Tanong ko nakita ko naman ang pagkataranta niya.
" Nako señorita pagpasensyahan niyo po talaga ako. Pero yung mga katulong na pinagkaka-chismisan ka po eh tinanggal na matagal na po." Siya.
" Ha? Eh sino nagtanggal sakanila?" Tanong kung muli sakaniya habang abala na umiinom nang apple juice ko.
" Si señorito Aarush po." Kagat ang labing saad niya habang namumula ang magkabilaang pisngi. Ha? As in si kuya Rush talaga?
" Teka bat namumula ang pisngi mo kayla? Are you okay?" Alalang tanong ko rito ngunit mas lalo lang namula ang pisngi nito.
Umiling-iling ito habang patuloy ang pamumula ng kaniyang pisngi.
" O-okay lang po ako, Señorita." Nakayukong lintanya niya.
Parang may kakaiba sakaniya? Napakibit-balikat nalang ako doon at nagpatuloy nalang sa pagmemeryenda.
NANG kumagat na ang dilim ay napagpasyahan ko nang bumaba ng kwarto matapos muli ang mahabang pag-uusap namin ni mikaela or Mikmik.
Medyo ayos-ayos na siya ngayon kumpara kagabi.
" Good Eve po Señorita Erenella!" Napalingon ako sa nagmamay-ari ng boses na iyon napangiti ako dahil si Kayla iyon na nakangiti habang kumakaway saakin. Nakita ko na bahagyan siyang siniko nang isang babaeng may maikling buhok na sa tingin ko ay kaedaran lang din niya na kasamahan niya. Kumaway ako pabalik sakanya.
Ang kaniyang masiglang mukha ay bigla naglaho at napalitan ng namumulang mukha ng lumagpas ang kaniyang paningin saakin. Kunot ang noo na dahan-dahan akong lumingon saaking likuran at doon ay naabutan ko ang aking mga kuya na malalakas ang boses na nagkukwentuhan habang tatawa-tawa ngunit maliban lang sa isa na seryuso na naman kasalukuyan ang mukha at bahagyang inayos ang salamin na suot. Haiisshh!
^°^°^°^
:)
YOU ARE READING
GIRL IN THE ROOFTOP
RomanceIsa siyang simpleng babae na walang ibang hinahangad kundi ang manatiling masaya ang kaniyang buong pamilya. Pero paano nga ba mangyayari ang simpleng hinahangad niya kung patalikod palang gumagawa ng masama ang kaniyang ama na siyang naging dahilan...
