Chapter 5

287 19 2
                                        

Tree House

" Hindi na ako sinusuportahan ni dad dahil sa mga paninira na siyang ginagawa sa akin ng mga anak ni daddy sa pangalawa niyang asawa na naging dahilan para tuluyan nang putulin niya ang aming komunikasyon, at isa baka dahil sa paggagawa nang kwento ng asawa ni dad baka tuluyan na talaga akong mapalayas sa bahay ni daddy." Mahina ang boses na saad niya na may bahid ng takot, lungkot at sakit.





" Ano kaba nandito naman ako para sayo kaya wag kang mag-alala."





" Parang hindi ko na yata kaya ang sakit na kasi ng nararamdaman ko sa sobrang sakit nito para bang utay-utay nang nadudurog yung puso ko. It's just that they want to evict me from their house just to say that I'm not really part of their family." Parang may kung anong dumakot sa puso ko ng marinig ko ang mumunting mga hikbi niya. Lumipas ang ilang minuto at tahimik lang kaming dalawa.





Patuloy ang paninikip ng dibdib ko sa mga nalaman at narinig ko. Hindi kona namalayan na may tumulo na palang luha sa pisngi ko habang pinapakinggan ang paghagulhol niya.





Nasabi niya rin saakin na wala doon si Atticus dahil may business meeting ito sa Spain at isang linggo pang mananatili doon ang lalake.





" S-sige tawagan mo ako pag may problema ka at handa akong makinig. Sige ingat ka palagi." Tanging nasabi ko nang magpaalam na siyang magpapahinga dahil tumawag ang kaniyang assistant manager na may pupuntahan daw sila bukas at kakailanganin na maaga iyon.





Napatungo ako at bahagyang ginulo ang buhok ko.





Napaangat ang tingin ko sa tabi ko kung saan nandoon naka pwesto ang bedside table at doon ay naka display ang picture frame ng apat na taong masasayang nakangiti habang nakatingin sa camera at magkakaakbay. Napangiti ako kahit papaano dahil sa mga alaalang biglang pumasok sa utak ko. Pero ng lumipat ang tingin ko sa isang lalake na may malaking ngiting nakatingin sa babaeng may maikling ngunit itim na buhok habang naka-akabay dito.





Biglang parang bulang nawala ang ngiti ko. Nag-iwas ako ng tingin at nagpunas ng luha.









SERYUSO ang mukhang tinitigan ko ang malawak na lupain na siyang kinatatayuan ko ngayon.





" Sa mga Medina ito diba?" Hindi tumitingin na tanong ko kay mang william na siyang kasama kung mag ikot-ikot. Napangiti ako ng malaki ng makita ang kagandahang taglay ng bukurin na ito.





" Dati po señorita sa mga Medina ito ngunit ng may nangyaring hindi maganda sa pamilya nila ay napagpasyahan nilang ipagbili nalang ang lupain." Magalang na sagot nito saakin. Biglang kumunot ang noo ko dahil doon.





Kung hindi na ito sa mga Medina ay sino na ang nagmamay-ari nito ngayon? At gaano na katagal na wala sa mga kamay ng Medina ang lupain na ito at para namang hindi ko narinig iyon kay Rio at kay Daddy.





Kunot noong nilingon ko si mang william.





" Gaano na katagal ng hindi nila ito pagmamay-ari?" Magkasalobong ang kilay na tanong ko.




" Ay nako señorita matagal na po. Mga tatlong taon na yata po ang nakakalipas at nasa ibang bansa pa po kayo ng mga panahon na iyon." Nakangiting sagot niya. Tumango naman ako.




" Kilala mo ba ang nakabili?" Tanong kong muli. Kaagad itong napaisip at bahagyang kumunot ang noo.




" Hindi po e. Basta nabalitaan ko nalang po na napagbinta na nga po ng padre de pamilya ng mga medina ang kanilang lupain ito." Saad niya. " Pero ang pagkakaalam ko po ay gagawin daw po itong palayan nang bagong nagmamay-ari po nito."




Nanghihinayang na napabalik ang tingin ko sa aking harapan.




Nang mabagot na kakatingin ay napagpasyahan ko nang maglakad-lakad sa dulo nito kung saan may gubat. Hindi naman ako natatakot lalo na at wala masyadong tao ang napapadpad dito.




Nang makarating sa aking pupuntahan ay napangiti ako habang pinagkakatitigan ang hindi kalakihang tree house na siyang pagmamay-ari ko. Kitang-kita ang katandaan nito at may kaunting sira dahil sa mga bagyong nagdaan pero pinapaayos ko din naman ito kaaagad.




Sadyang napabayaan ko lang ngayong taon dahil sa mga sunod-sunod na trabaho ko. Nagsimula na akong humakbang paakyat ng hagdan ngunit dahan-dahan lang ang aking ginagawang pagtapak sa mga baitang ng hagdan dahil may sira narin ang mga ito.




Nang makapasok ay nilibot ko ang aking paningin at doon ay may makikita kang mga sari-saring palamuti naglakad ako palapit sa pasimano at doon ay makikita mo ang mga naka-display na mga frame. Ngunit wala na ang mga ito saayos at madudumi na gawa ng alikabok kaya naman kumuha ako ng malinis na tela sa ilalim ng maliit na kama na gawa sa kawayan katabi ng pasimano.









NANG matapos ang pag-aayos ng mga kagamitan ay umupo ako sa kama habang hawak ang isang diary na siyang aking pagmamay-ari noong highschool days ko.




Bigla akong napatayo ng makarinig ng malakas na putok ng kung ano kaya naman basta ko nalang binitawan ang diary sa kama at dali-dali na naglakad patungo sa bintana ng tree house upang makita kung anong meron sa ibaba. Napakunot ang noo ko ng may makita akong taong mabilis na tumatakbo palayo ngunit iika-ikang maglakad.




Kaagad akong umalis sa tapat ng bintana at nagtungo na sa pintuan nang makalabas ay kaagad kong sinara at pinto bago dahan-dahang bumaba ng hagdan. Napalinga-linga ako sa paligid at ng makitang wala namang kakaiba ay muli kong binagtas ang daan na siyang aking nilakaran kanina.




Nang makalabas ng gubat ay kaagad akong nilapitan ni mang william at pinayungan. Tinanong ako nito kung may iba pa ba akong balak puntahan ngunit tanging iling nalang ang aking nasagot.




Nagtungo na kami sa van na siyang ginamit namin paalis ng mansion.








HABANG nasa sasakyan ay hindi kona muling inisip ang nakita ko kanina dahil baka isa lang iyon sa may mga naninirahan sa gubat. pero ang aking ipinagtataka ay ang malakas na pagputok na narinig ko kanina.




" Baka naman isa lang iyon sa mga patibong upang makahuli nang mga hayop sa gubat." Mahinang naiusal ko nalang.




" Ano po iyon, Señorita? May sinasabi po ba kayo?" Lingong tanong ni mang william ngunit kaagad din binalik ang atensyon sa kalsada. " Pagpasensyahan niyo napo kung hindi ko narinig matanda napo kasi." Dugtong niya.




" Wala po iyon may biglang naalala lang." Maikling tugon ko. Napatango-tango naman ang matanda at muling nagpatuloy sa kaniyang ginagawang pagmamaneho.




Ako naman ay pumikit upang makapag-pahinga dahil sa sobrang pagod na nararamdaman.








A/N: AGAIN. I'm sorry for the wrong grammar.

^°^°^°^
:)

GIRL IN THE ROOFTOPStories to obsess over. Discover now