Narra
Nagmulat ako ng aking mata ng makaramdam ako ng ibang presensya sa paligid idagdag mopa na nag-ingay si Malik senyalis na may ibang tao bukod saakin dito sa parteng ito ng puno nang Narra.
Dahan-dahan akong umupo at salubong ang kilay na luminga-linga sa paligid at ng mahagip ng mata ko ang isang bulto ng tao na naka-hoodie na itim hindi ko ito matukoy kung babae ba ito o lalake.
Mas lalong nagsalubong ang kilay ko ng makitang hinihawakan nito si Malik sa ulo na para bang pinapaamo niya ito. " Sino ka sa inaakala mo at hinahawakan mo ang alaga ko?!"
Nakita ko kung paano natigilan ito tuluyan na niyang binitawan si Malik kaya naman pansamantala itong umalis upang mangain ng damo.
" Magmananakaw kaba? Balak mo sigurong nakawin ang kabayo ko." Bintang ko rito habang naglalakad ako palapit rito hindi naman ito kumibo.
Ang kapal naman ng mukha nito para hindi ako kausapin.
" Sino kaba?" Seryusong tanong ko rito at tinitignan ang likuran nito at pilit hinuhulaan kung babae o lalake ba ito. " Pwedeng bang humarap ka." Utos ko rito at nag-cross arm.
Wala namang pag-aalinlingang na humarap ito saakin napaawang ang labi ko ng makita ang mukha nito.
" Ikaw!" Gulat na naisigaw ko ng tuluyan ko ng makita ang pagmumukha nito ngumisi lang ito at nagpamulsang nilagpasan ko sinundan ko ito ng tingin.
Mas lalong nagsalubong ang kilay ko ng naupo ito a sumandal sa puno ng Nara bago niya tinagal ang pagkakasaklob ng sombrero niya bago pumikit. Hindi ko maiwasan ang mamangha sakaniya hindi ko maitatanggi na gwapo siya kahit pa medyo masungit at walang-modo siya.
At kahit hindi maganda ang una naming pagkikita at hindi ko paring maiwasan ang makaramdam ng pagkahanga sa lalakeng ito.
Lumapit nalang din ako sa kinauupuan niya at tumabi tinignan kopa siya pero mukhang nakatulog na ang lalakeng ito.
Sa ilang oras na nanatili ako sa tabi niya ay kitang-kita ko kung gaano kaaliwalas ang kaniyang mukha na para bang wala siyang dinadalang problema sa buhay niya. Hindi ko maiwasan na makaramdam ng inggit at lungkot kaagad akong nag-iwas ng tingin sakaniya ng bigla itong magmulat ng mga mata.
" Alam mo nakakailang ka palang kasama." Aniya na nagpakunot noo saakin kaya naman nilingon ko muli siya.
" Ha? Paano mo naman nasabi?" Kunot-noong tanong ko rito napakurap-kurap ako dahil mula rito sa pwesto ko ay kitang-kita ko kung gaano kahaba ang kaniyang pilik mata at kung gaano ka perpekto ang kaniyang ilong at ang labi niya sobrang pula na para bang may kung anong humihila saakin upang hagkan ito.
" Oh ayan kana naman." Muling saad niya na nagpabalik saakin sa ulirat ko muli akong napakurap-kurap dahil sa hiyang nararamdaman.
" B-bakit?" Tanging nasabi ko nalang dahil sa kaba, napaharap ito saakin dahilan para nagsalubong ang tingin namin napansin ko kung paano umangat ang sulok ng labi niya.
" Nang dahil sayo hindi ako makatulog ng maayos dahil sa ginagawa mong paninitig sa mukha ko, ganun ba ako ka-gwapo? Baka nakakalimutan mo magkaaway tayo at may atraso ako sayo." Nakangising aniya napaawang ang labi ko at natulala sakaniya saglit pa siyang nakipaglaban ng titig saakin bago nag-iwas tingin at tumayo na.
Napatayo rin ako dahil doon. " Ah teka lang!"
Natigil ito sa balak na paglalakad at lumingon saakin bago nag-taas ng kilay at nakapa-mulsang humarap saakin. " May sasabihin kaba? Siguraduhin mo lang importante yan dahil hindi ako pwedeng mahuli sa pupuntahan ko." Seryusong turan niya na nagpatiim sa labi ko.
" G-gusto ko lang malaman ang pangalan mo? Ilang beses na tayong nagkikita pero kahit kailan hindi ko manlang nalaman ang pangalan mo." Saad ko na nagpalaglag panga niya at nagpakurap-kurap sakaniya. " Kung ayos lang sayo gusto kong sabihin mo ang pangalan mo." Dugtong kopa.
" Ikaw." Aniya na napagkunot noo ko.
" Ha? Anong ako?" Tanong ko pabalik sakaniya habang nakaturo sa sarili ko.
" Ikaw.....a-anong pangalan mo?" Utal na tugon niya at pansin ko pamumula ng pisngi niya at tainga bahagyang niyang tinakpan ng palad niya ang kanan tainga niya.
Nang dahil sa sinabi niya ay napangiti ako. " Ang pangalan ko ay.... Eren." Nakangiting turan ko pero kaagad iyong napawi ng bigla siyang tumalikod.
" O-oy teka lang! Hindi mopa nasasabi ang pangalan mo saakin." Sigaw ko sakaniya pero hindi ito tumigil sa paglalagay.
" Wala akong balak sabihin ang pangalan ko tama nayung nalaman ko ang pangalan mo." Huling saad niya at kumaway bago tumatakbong umalis sa lugar na ito.
Nakatulala lang ako at pinapanood ang utay-utay niyang paglisan. Napangiti ako dahilan naiiba na ang muli naming pagkikita ngayon kesa noon na nauuwi sa pagtatalo.
Sana......sana sa muli nating pagkikita ay doon kona tuluyang malaman ang pangalan mo.
Napagpasyahan ko ng umuwi kaya naman dinampot kona ang jacket ko sa damuhan pero may napansin akong kung ano na nakalagay doon, salubong ang kilay na dinampot ko ito doon ay napag-alaman kung isa iyong chocolate at dalawang klase ngunit iisa ng kulay. Kulay violet ito at ang taktak ng mga ito ay Dairy Milk at Vosges Haut Chocolat.
Hindi ako pamilyar doon sa huli pero masasabi kung mukhang mahal ang mga ito. Nakangiting kinuha ko iyon at nilagay sa bulsa ng jacket ko, mukhang sakaniya ito at naiwan niya hayysst baka meron sana siyang pagbibigyan nito.
Sumakay na ako kay Malik baka umalis ay nilingon ko muna ang Narra at nakangiting umalis malayong-malayo sa kaninang ako na nangingitngit ang bagang sa sama ng loob na nagpunta ako roon na ngayon ay mukhang uuwi ng nakangiti.
Napailing-iling nalang ako sa naiisip ko. Haynako! Mas binilisan ko ang pagpapatakbo kay Malik may mga maiwasan na kaming nalalampasan na pag-aari ng iba pang mayayamang pamilya dito saamin malawak ang lupaing ito kaya naman malayo pa ako sa sakop ng amin baka madilim na ako makarating doon kung lakad lang ako pero dahil kay Malik ay mas mapapaaga ang dating ko.
Nakangiting kinapa ko ang jacket ko kung nasaan ang mga chocolate.
Sana talaga magkita pa kaming muli at doon ay hindi kona palalampasin pa ang pagkakataon at titiyakin kona malalaman kona ang pangalan niya.
^°^°^°^
:)
YOU ARE READING
GIRL IN THE ROOFTOP
RomanceIsa siyang simpleng babae na walang ibang hinahangad kundi ang manatiling masaya ang kaniyang buong pamilya. Pero paano nga ba mangyayari ang simpleng hinahangad niya kung patalikod palang gumagawa ng masama ang kaniyang ama na siyang naging dahilan...
